Chapter 3

44.8K 1.1K 945
                                    

Rated:SPG
.
.
.
.
AFTER ng duty ni Gemalyn sa Guerrero Hospital ay agad itong nagtungo sa bar kung saan naghihintay ang mga kaibigan niya. Ayaw din niyang pumunta ngunit pinilit siya ng mga itong pumunta. Kararating lang kasi ng isa sa dalawa niyang kaibigan galing New York. Kaya hindi siya nakatanggi.

Nang marating niya ang bar na sinabi ng mga ito ay agad siyang pumasok dito at hinanap ang dalawa niyang kaibigan. Hindi naman siyang nahirapan at agad niya itong nakita.

"Hi! Kanina pa ba kayo?" Tanong niya agad sa dalawa sabay nakipagbeso-beso sa mga ito. "Not really dear." Sagot naman sa kanya ng mga ito.

"Kumusta ang New York, Lyn?" Anito kay Lyn na siyang galing NY. "New York parin besh." Pilyang sagot nito kay Gemalyn.

"Yeah! Gaya mo, praning parin." Sagot naman dito ni Shiela. "At least, maganda parin." Tila kahit anong sabihin mo dito ay hindi uubra.

"Anyway, ikaw besh. Kumusta ang life?" Pag-iiba ni Lyn ng usapan nila. Dahil nasisiguro nitong sasabunin naman siya ni Shiela. "Walang pinagbago." Anito sabay ngiti ng tipid ngunit ngiting mapait ang dating.

"Besh, bakit kasi pumayag ka sa gusto nila. Kung ako sayo e tumakbo na lang. Wala ka naman kinalaman sa pesting utang ng tito mo pero bakit nadamay ka. Diba unfair iyon. Bakit ikaw ang kailangang magpakasal sa lalaking hindi mo gusto. Dapat ang magpakasal sa lalaking iyon ay ang anak ng tito mo. Siya naman itong feeling rich dito kaya nabaon sa utang ang magulang niya. Tapus ngayon ikaw ang gagawin nilang pambayad utang. Ganun kasi ang tingin ko doon e." Ani Shiela na kinanganga ni Lyn. Parang hindi na kasi ito huminga sa pagsasalita.

"Sana, ganun lang kadali besh. Dahil kung kaya ko lang gawin iyon ay ginawa ko na." Malungkot nitong aniya.

"Buti na lang at hindi tayo nagkapalit ng setwasyon besh, kundi bubunutan ko ng mani ang pinsan mo. Abah nagpapalaki lang atah siya ng munay e. Tapus ikaw na walang kinalaman ay nadadamay. Kaya maganda ay bunutan siya ng kalahating mani." Muling turan ni Shiela.

Dahil sa sinabi ni Shiela ay muntik ng mabilaokan ang isang lalaki ng hindi sinasadya dahil nagkataong narinig nito ang tinuran ni Shiela. At nataon din ito sa sumisimsim ito ng alak.

Nang lingonin ito ni Shiela ay tinaasan lang niya ng kilay. At kung marunong ito bumasa ng iniisip ay malamang nabasa na nito ang nasa isip ni Shiela. Gusto kasi nitong sabihin na buti nga sayo, nakikinig ka kasi sa usapan ng may usapan.

SAMANTALA nasa bar niya si Tony ng hindi sinasadya ay narinig nito usapan ng tatlong babae na malapit ang mesa sa bartender. 'Putulan ng kalahating mani'. Tila nag-echo yun sa isip ni Tony na kinailing na lang niya.

"Boss." Bigla siyang napaangat ng marinig niya ang boses ni Ryeo. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya agad dito.

"Boss, I need a new job. Kahit na ano basta magkaroon lang ako ng work." Pakiusap nito kay Tony na napakunot ang mga noo. "At bakit kailangan mo ng bagong trabaho? Bakit hindi ka umuwi sa Greece?" Taka parin nitong tanong.

"Boss, ayaw kung umuwi doon. Once na umuwi ako ng Greece ay ipapakasal ako nila Papa at Mama sa babaeng hindi ko gusto. Kaya please bigyan mo ako ng bagong trabaho." Makaawa nitong kinailing ni Tony.

"Si Andrie ang kulitin mo, wag ako." Ani Tony dito. Tila nagliwanag naman ang tuktuk ng ulo nito. Kaya dali-dali nitong kinuha ang tawagan at tinawagan niya ito.

"Hello! Boss, can you hired me as your personal bodyguard." Bungad niya agad dito. "Gusto mong maging yaya?" Sa halip na sagutin siya nito ay ito ang tinanong ng nasa kabilang linya sa kanya.

"Pwede rin bro, basta hindi lang ako mapauwi ng Greece. At isa pa kung si baby Ten-Ten naman pababantayan mo sa akin e okay lang." Saad dito ni Ryeo na kay lapad ng pagkakangiti.

Me And The Bastard Billionaire(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon