Chapter 8

34.1K 944 535
                                    

HABANG binabantayan ni Andrie ang kanyang anak na nanonood sa disney chanel ay biglang tumunog ang tawagan niya. Kaya agad naman niya itong kinuha at tiningnan. Ng makita niyang ang kanyang ama ang tumatawag ay agad naman itong sinagot ni Andrie.

"Hey! Dad. Kumusta ang lakad mo?" Tanong agad nito sa ama. "It's fine." Tipid na sagot ng ama.

"Um. Son, pumunta ka dito sa bahay ngayon. Naghanda ang mommy mo ng dinner." Anang kanyang ama. "Ah. Sige, Dad." Pagtalima naman nito. Kaya agad din nawala sa linya ang kanyang ama napakunot noo na lang siyang inilapag ang tawagan niya.

"Bro, aalis kami. Pupunta kami sa place ni Murillo." Paalam ni Ryeo kay Andrie. "Okay." Tangi nitong sagot. Pagkaalis nila Ryeo ay tinawag naman ni Andrie ang inatasan niyang mag-alaga kay Chistine upang bihisan ang anak.

"Daddy, saan tayo pupunta?" Tanong ni Christine kay Andrie ng buhatin niya ito palabas ng bahay. "Sa bahay ng lolo at lola mo." Sagot niya dito.

"Yes! Kita ko naman si puppy dun, Daddy." Excited nitong aniya na kinangiti ni Andrie.

SAMANTALA kunot noo namang naging sunod-sunoran si Gemalyn sa kanyang daddy Walter. Hindi niya alam kung saan sila pupunta. Pero dahil ito ang nag-aya sa kanya ay hindi niya ito natanggihan.

"Pa, saan ba tayo pupunta?" Tanong niya dito. "Sa isang kaibigan, Princess." Sagot ng ginoo.

Napaisip naman si Gemalyn kung sinong kaibigan itong pupuntahan nila. Makalipas ang ilang minuto nilang byahe ay huminto ang sasakyan nila sa tapat ng isang malaking bahay.

Pagbaba nila ng sasakyan ay nakangiti silang sinalubong ng security guard at pinatuloy sa loob.

"Kumpadre, welcome." Anang lalaki na nabungaran nila Gemalyn. "Tuloy kayo." Nakangiti namang sa tingin ni Gemalyn ay asawa ng lalaking sumalubong sa kanila.

Agad silang inakay ng mag-asawa patungo sa malaking sala. "Good evening po." Nakangiti namang bati sa kanila ng isang babae.

"Oh! Ito na ba ang unica hija niyo kumpadre?" Tanong ni Walter kay Adrian. "Ito na nga kumpadre." Sabay akbay ni Adrian kay Andrea.

"Please have a sit." Ani Celeste sa mga ito. Agad namang nagdala ng maiinom nila ang mga kasambahay ng mga Dela Rosa habang hinihintay nilang matapus ang paghahanda ng hapagkainan.

"Puppy, puppy." Agad silang napalingon lahat ng marinig nila ang matinis na boses ni Christine. "Lolo, atan po si Puppy." Agad itong lumapit kay Adrian.

"Natutulog na si puppy." Nakangiting sagot ng ginoo. "Next time ka na makipaglaro kay puppy." Saad pa dito ni Adrian sabay kandung niya dito.

"Apo, namin. Si Christine." Ani Celeste sa tatlong panauhin nila. "Daddy, tulog na si puppy." Ani Christine kay Andrie.

Tila nagkagulatan naman sina Andrie at Gemalyn ng magtagpo ang kanilang mga mata. Ngunit agad rin namang nakabawi si Andrie. "Good evening everyone." Nakangiti nitong aniya.

"I'm Andrie Dela Rosa, sir, ma'am." Pakilala niya sa mag-asawa. "And this my daughter Christine." Pakilala naman nito sa anak.

"So, may anak na pala siya." Ani Gemalyn sa isip.

"Nice to meet you, iho. I'm your tito Walter, your tita Emalyn and my daughter Gemalyn." Pakilala naman ni Mr. Marquez kay Andrie.

Tahimik lang na nakikinig sa usapan nila si Gemalyn. At napansin niyang malayo sa lalaking nakita niya noon sa labas ng delivery room ang lalaking kaharap niya ngayon. Dahil tila napakaseryoso ng nakikita niya ngayong lalaki. Pero hindi naman nakabawas sa kagwapuhan nito.

Me And The Bastard Billionaire(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon