Chapter 14

34.3K 1K 342
                                    

KINABUKASAN ay maagang nagising si Gemalyn. Ngunit puno ng pagtataka ang dalaga dahil mukhang hindi parin nakauwi ang binata. Kaya agad siyang pumasok sa banyo at siniguro niyang maayos ang sarili bago siya lumabas ng silid ni Andrie.

Pagdating niya sa malaking sala ay inabutan niya doon si Ryeo at Jace. "Good morning miss Marquez." Halos panabay ng dalawa.

"Morning too, nasaan si Andrie?" Agad niyang tanong sa dalawa. "Um. Nasa hospital siya ngayon." Kakamot-kamot na ani Jace.

"What? Anong nangyari sa kanya? Okay lang ba siya?" Biglang binundol ng kaba si Gemalyn sa narinig na nasa hospital ang binata. Kaya sunod-sunod itong nagtanong.

"Okay, lang siya miss Marquez. Nadaplisan lang siya." Sagot naman ni Jace sa kanya. "Daddy. Daddy." Bigla silang napalingon ng marinig nila si Christine.

Dali-daling sinalubong ni Gemalyn si Christine na pababa ng hagdan habang papungas-pungas itong tinatawag ang ama.

"Baby."

"Mommy. Si Daddy bakit wala pa?" Nakapuot nitong tanong. "Hey! Baby ten-ten. Wag kang sad kasi sasamahin namin kayo kay daddy mo." Ani Ryeo.

"Dadalhin, hindi sasamahin." Pagtatama ni Jace sa tinuran ni Ryeo. "Yun. Dadalhin namin kayo sa daddy mo." Pag-uulit naman nito.

"Manang, pakihanda po ang breakfast namin at dadalhin na lang namin sa hospital. Pakiramihan na rin po." Malumanay na utos ni Gemalyn sa kasambahay ni Andrie. Mabilis naman itong tumalima.

"Nagbreakfast na ba kayo?" Baling niya sa dalawa. Mabilis naman ang mga itong tumango. "Sige maliligo lang kami at magbibihis." Paalam niya sa mga ito bago sila muling umakyat sa taas ni Christine.

Agad pinaliguan ni Gemalyn si Christine at binihisan ng matapus niya itong paliguan bago siya naligo. Matapus niyang maligo ay dali-dali rin siyang nagbihis.

Matapus nilang mag-ayos ay saka sila lumabas ng silid. Nakahanda na rin si Ryeo at Jace na kasama nila.

Agad nga silang lumabas ng bahay at sumakay ng sasakyang patungong hospital kung saan naroon si Andrie. Ilang minuto lang ang naging byahe nila ng huminto ang sasakyan sa tapat ng Guerrero Hospital. Kaya agad silang ipinagbukas ni Jace ng pinto.

Hawak kamay namang pumasok sa loob ng hospital si Gemalyn at Christine. At ang mga nakakakilala sa dalaga ay biglang nagulat ang mga ito ng makita nila ang batang kasama niya.

"Doctor Marquez?" Patanong na tawag ng mga ito sa kanya.

"Mommy. Mommy. Baby po." Sabay turo ni Christine ng bata. Napangiti naman siyang binuhat ito upang makita niya ng batang tinuro. "Ang cute cute ng baby." Ani Gemalyn.

"Mommy. Ang cute. Cute cute." Sabay sundot ni Christine ng mahina sa pisngi ng bata. "Ang bibo ng anak niyo, ma'am." Anang ina ng bata.

"Thank you po," saad na lang nito. "Nak, sige paalam kana sa baby. Dahil pupuntahan na natin ang daddy mo." Agad naman tumalima si Christine at nagpaalam ito sa bata.

SAMANTALA ng marinig ni Lucy ang nangyari kay Andrie ay mabilis itong sumugud sa hospital. Tila nakalimutan nito ang sinabi ni Andrie sa kanyang may asawa't anak na ang binata.

"Babe, are you okay?" Tanong nito agad ng makalapit siya sa kama ni Andrie. "Lucy, I'm fine." Tila hindi interesadong sagot ni Andrie.

"Your dead, bro." Ani Simon kay Andrie. Natatawa ito ng lihim. Sapo-sapo ni Lucy ang noo ni Andrie ng pumasok sa silid ng binata si Christine habang nakasunod sa kanya si Gemalyn. Ng makita ng bata ang tagpong iyon ay bigla itong umiyak. Dali-dali naman itong binuhat ni Gemalyn at inalo. Ngunit hirap talaga itong patahanin.

Me And The Bastard Billionaire(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon