Writters Note: Ang pangalan ng lugar at character na napaloob sa kwento ay pawang katang isip lang ng may akda. Kung may kahalintulad man ay nagkataon lang.
.
.
.
.
IKA nga nila marami ang nagagawa ng pera, maaring nakakabuti o minsan naman ay nakakasama. At kung ang kasama mo sa kasamaan ay halang ang kaluluwa ay daig mo pa ang sinanla kay kamatayan. And once na nagkagipitan ay kanya-kanya kayo ng hugas kamay.Dahil sa pagkahuli kay Mr. Lim ay agad itong nakakulong sa Cagayan De Oro detaintion jail. At wala itong kamalay-malay sa maaring sapitin ng buhay niya.
"Hello, alam muna ang gagawin mo kay Mr. Lim. Wag kang mag-alala sa pera dahil ipapadala ko agad sayo. Basta patahimikin niyo lang siya bago kumanta." Boses ng tumawag sa isang kasapi ng kapolisan sa Cagayan de Oro detaintion jail.
"No problem, ako na ang bahala." Anito sa tumawag. Matapus ang pag-uusap ng mga ito ay agad nitong hinanap ang tao nila sa loob ng detaintion jail upang ipagawa nito ang mission nito.
"Pssstttt," agad naman itong lumapit. "May tratrabahuhin ka." Anito. "Ano yun?" Taka namang tanong ng lalaki sa kausap.
"Patahimikin mo yung bagong pasok na inmates. At gusto ko ng malinis na trabaho. Ayaw kung pumalpak kayo. Dahil alam muna ang mangyayari kapag pumalpak kayo." Saad pa nito. "No problem, boss. Kami na ang bahala." Pagtalima naman nito.
"Tonyo, meron tayong trabaho." Biglang anang tumabi sa kinauupoan ni Tonyo. "Ano yun?" Curious nitong tanong.
"Nakita mo yung bagong inmates?" Sabay nguso niya sa tinutukoy. "Oo, yung mukhang instek hilaw?" Paniniguro nito.
"Siya nga." Pagkumperma nito. "Oh! Anong gagawin natin dyan?" Kunot noo namang tanong ni Tonyo.
"Papatahimikin daw natin siya, kailangan bukas na bukas ay wala ng buhay iyan. Baka malaki ang maging parte natin kapag nagawa natin ang trabahong ito." Paliwanag ng isa kina Tonyo. "Sige, walang problema." Saad nito.
Kaya naman ay naghintay ang grupo nila Tonyo ng tamang pagkakataon upang itumba ang target nila.
Nang marinig nilang tinatawag silang lahat para kumain ay nagkatinginan naman ang mga ito. Nagpapahiwatig ng plano nila ay dapat nilang isakatuparan.
Ang lahat ng inmates ay nakapila upang kumuha ng kanilang makakain. "Oh! Kayo, umayos kayo. Hindi na kayo nagtanda. Manggugulo na naman kayo." Sita ng isang police sa grupo nila Tonyo. Tila naramdaman kasi nito ang kinikilos ng mga ito.
"Boss, naman. Wala naman kaming ginagawa. Nagbibiruan lang kami." Katweran dito ni Tonyo. "Wag na kayo mangatweran pa, kilala ko na kayo." Ang iiling-iling na anang police sa kanila.
"Mainit ang mata ng bagong police na 'to sa atin. Kaya hindi tayo pweding gumawa ng hakbang ngayon." Anang isa sa mga ito. "Tama si Macario, kailangan natin mag-isip ng ibang paraan para mapatahimik natin ang lalaking yan." Ani Tonyo sa mga ito. Habang nag-uusap ang mga ito ay sila-sila lang na nasa isang mesa ang nagkakarinigan.
"Alam niyo itong bagong hipe dito ay kuntrabida talaga sa buhay natin. Mula ng dumating yan dito ay hirap na tayong pumuslit ng bato." Saad naman ng mga kasama nila Tonyo.
"Wag kayong mag-alala baka maaga rin yan paglamayan." Ani Macario na kinatawa ng mga kasama niya.
"Mukhang nagkakatuwaan tayo dito?" Anang taong pinag-uusapan nila Macario. "Hindi po, sir. Itong si Tonyo kasi ay kinwento sa amin ang nanay ng naging syota niya." Mabilis namang paliwanag ni Macario.
Iiling-iling naman itong tinalikuran sila. "Ang lakas talaga ng pang-amoy niya." Ang natatawang turan na namang ng isa sa mga kasama nila Tonyo na kinatawa nila. "Parang bulldog lang ang ilong." Segunda naman ng isa.
BINABASA MO ANG
Me And The Bastard Billionaire(Completed)
ActionAndrie Dela Rosa➡Certified Playboy. "She's mine. And don't dare to touch her. I swear I will kill you."