Chapter 12

35.2K 999 355
                                    

NANG malocate nila ang lugar kung saan nagtatago si gobernador Marlon Sunega ay agad naman pinagplanuhan ng mga NBI, kasama ang magkakaibigan na GSB, ang paglusub dito at kung paano nila ito mahuhuli.

"Okay. Dahil sasama kayo mga bro, ay ang gawin natin ay hahatiin natin ang ating grupo ng dalawang team. At hindi tayo pupunta sa lugar ng araw kundi sa gabi natin ito pupuntahan." Paliwanag ni Renan sa kanilang lahat.

"Ang team ng NBI ay dito dadaan sa harap ng rest house at ang team ng GSB ay dito naman kayo dumaan sa likod. Ang sniper natin ay dapat tatlong pwesto sila. Ang isa ay magiging look out sa front, ang pangalawa ay magiging look out sa likod at ang isa ay sa maaring gawing exit ng grupo nila." Paliwanag nito muli.

"Kami na ang bahala sa tatlong pwesto." Ani Jeb kasama si Elijah at Ace.

"Okay. Remember men, hindi ito basta-basta. Dahil baka meron silang mga kasamang NPA na nagbabantay sa seguridad ngayon ni governor Sunega. Kaya duble ingat ang kailangan natin." Ani Renan sa mga itong lahat naman ay tumango.

"Sige, mga 5:00 pm ay magkita-kita tayong lahat dito. At mga 6:00 pm ay aalis tayo para puntahan ang lungga ni Sunega." Huling ani Renan sa mga ito bago sila naghiwa-hiwalay.

Kaya matapus ang meeting nilang lahat upang pagplanuhan ang gagawin nilang paglusob sa pinagtataguan ni Sunega ay sa opisina naman niya pumunta si Andrie.

Pagbungad pa lang ni Andrie sa kanyang secretary ay agad niya itong nakitang tila nababalisa.

"May problema ba?" Kunot noo niyang tanong dito na muntik ng ikabuwal nito sa gulat. "Sir, naman. Ginulat niyo ako." Anito sabay hawak niya ng dibdib.

"I'm sorry." Hingi nito sa secretary niya. "So, anong nangyari?" Muli ay taong niya dito.

"Eh! Sir, meron impakta dyan sa loob ng opisina niyo. Pinigilan ko pero inaway niya ako. Kaya wala akong nagawa." Sumbong nito kay Andrie. "Tapus nakita niya ang picture ni baby Christine at yung picture ni doktora Marquez. Tapus nasabi kung anak at asawa mo sila." Dagdag paliwanag nito sabay yuko sa takot na mapagalitan siya ng boss niya.

"Okay. You did a good job." Nakangiting ani Andrie sabay pasok niya sa kanyang opisina. Sumunod naman dito ang kanyang secretary.

"Hey! Babe, finally you come." Malanding anang babaeng inabutan ni  Andrie sa opisina niya. "What are you doing here?" Seryosong ani Andrie dito sabay iwas niya dito.

"I miss you that's why I'm here. Hindi muna kasi ako tinawagan kaya ako na lang ang pumunta dito. Sa katunayan niyan ay kararating ko lang ng Pinas ngayong umaga at dito agad ako tumuloy." Mapang-akit nitong aniya na kinaismid ng secretary ni Andrie.

"Look, Lucy I'm busy right now. I have a lot of works na dapat kung tapusin. So, kung ano man ang kailangan mo ay sabihin muna." Anito na hindi pinagkaabalahang tingnan si Lucy.

"Nandito nga ako dahil namimiss kita. At gusto kitang ayain for dinner." Malambing nitong aniya. "I can't. I have a important work tonight." Sagot nito agad.

"Fine. How about lunch?" Sasagotin na sana ni Andrie ito ng tumunog ang tawagan niya. Kaya agad niya itong sinagot kahit unknown number ang nakalagay.

"Hello."

"Ellow! Daddy." Matinis na ani Christine sa kabilang linya. "Hey! Princess, anong ginagawa mo?" Nakangiti nitong tanong ng mapagsino niya ang nasa kabilang linya.

"Daddy, luto kami ng sweet ni Miss Maganda. Gusto mo rin try Daddy? Yum yum." Excited na pagbabalita ni Christine na kinatawa ni Andrie. Si Lucy naman na nakikinig ay biglang nag-isang linya na lang ang kilay nito.

Me And The Bastard Billionaire(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon