Chapter 13

32.1K 944 391
                                    

KINAGABIHAN matapus kumain nila Gemalyn ng dinner ay agad nitong dinala sa silid niya si Christine. Agad niya itong nilinisan at pinalitan ng damit para patulugin.

"Why, baby?" May pag-aalala nitong tanong ng makita niyang tila umiiyak na si Christine. "I want Daddy here." Nakapuot nitong aniya.

"Okay. Mamaya nandito na si daddy. Pero ngayon ay ako muna ang magpapatulog sayo." Malambing niya ditong aniya.

Agad itong tinabihan ni Gemalyn at kinwentuhan pero malungkot parin ito. Kaya agad siyang bumangon. "Halika." Sabay lahad nito ng dalawang kamay. Agad naman itong sinunod ni Christine.

"Um. Sa kwarto tayo ng daddy mo matutulog okay. Isipin muna lang na nasa tabi rin natin ang daddy mo. At bukas nandito na siya. Meron lang kasi siyang importanting gagawin ngayon." Paliwanag nito kay Christine habang buhat-buhat niya ito patungo sa kwarto ni Andrie.

"Ano pong importanting trabaho ni Daddy?" Inosente nitong tanong. "Um. Huhulihin nila daddy mo ang mga bad guys. Kaya ipagpray natin ngayon sina daddy mo at mga friends niya na maging safe sila, okay ba yun baby?" Malambing nitong aniya pagkalapag niya kay Christine sa kama ni Andrie. Pakiramdam ni Gemalyn ay nasa paligid lang ang binata dahil ang amoy ng pabango nitong nanunuot sa ilong ay langhap na langhap niya.

Magkatabi silang nahiga ni Christine sa kama ni Andrie. Agad naman pinagsiklop ni Christine ang dalawang kamay at itinapat niya ito sa kanyang dibdib bago pumikit.

"Dear God. Help mo po sina Daddy ko na mahuli nila yung mga bad guy. Wag mo po tila pabayaan ha. Thank you po. Amen."

Napangiti naman si Gemalyn ng marinig niya ng dasal ni Christine. Kaya agad niya itong hinalikan sa noo. Agad naman ipinikit ni Christine ang mga mata niya at yumakap ito sa kanya.

"Tana po, ikaw na lang po ang Mommy ko." Anito. Hindi alam ni Gemalyn kung ano ang sasabihin. "Gusto mo akong maging mommy?" Nakangiting tanong ni Gemalyn ng bumuka ang mga bibig niya. Agad naman itong tumango kahit nakapikit ang mga mata niya.

"Then you can call me, mommy from now on baby." Pabulong nitong aniya. "Thank you po. I love you, Mommy ko." Anito kay Gemalyn. Para naman hinaplos ang puso niya sa narinig. Dahil narin sa naging kwento ni Andrie sa kanya kung ano ang totoong pagkatao ni Christine ay pakiramdam niya ay gusto niyang gampanan ang papel ng isang ina sa bata.

"I love you, too, baby." Habang sinusuklay ni Gemalyn ang buhok ni Christine ay nakatulugan na niya ito.

SAMANTALA agad na gumayak ang dalawang grupo sa pagtungo kung saan ang pinagtataguan ni gobernador Sunega. Sa bawat galaw nila ay tudo ang pag-iingat dahil ayaw nilang matunogan sila agad ng mga ito.

"S1 over." Rinig nila ng magsalita ang isa sa mga sniper nila. "S1 copy." Sagot nila dito.

"Target positive. May dalawang nakabantay sa labas ng gate. Sa loob ay meron din dalawa." Imporma nito sa kanila.

"Copy that S1." Sagot ni Renan na siyang team leader ng mga NBI na dadaan sa harap ng rest house ni Sunega.

"S2 over." Rinig naman nilang anang pangalawa nilang sniper. "Copy S2." Sagot rin nila dito.

"Mag-ingat kayo, dahil marami ang nasa loob ng rest house." Imporma din nito. "S3 over." Boses naman yun ng pangatlo nilang sniper.

"S3 Copy." Sagot naman nila dito. "Meron apat na nagbabatay sa likod. Pero ako na ang bahala. Kaya hintayin niyo muna ang go signal ko bago kayo pumasok." Anang pangatlong sniper nila na si Elijah.

"Copy that bro." Sagot sa kanya ni Frank na siyang tumatayong team leader ng nasa likod ng rest house dadaaan.

Gamit ang maliit na teleskupiyo ay kitang-kita ni Elijah ang apat na lalaking nakabantay ilang metro din ang layo sa mismong rest house. Ng maghiwa-hiwalay ang mga ito sa pagmatyag sa paligid ay siya namang sinamantala ni Elijah upang asintahin ang mga ito isa-isa.

Me And The Bastard Billionaire(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon