01/4

16.9K 262 0
                                    

On the way na kami to school. Palagi kasi kaming sabay pumasok.

Hindi nako kumuha ng school service, my own car naman kasi kami tsaka same school lang din naman pinapasukan namin ni kuya kaya bawas sa malaking gastusin. Kahit sa pag-uwi, sabay parin kami.


8:30 am
[rush hour time]

"Kuya wait! Please, stop the car!" I blurted out.

Agad naman niyang inihinto ang car sa gilid ng kalsada. Gosh, muntik pa akong tumilapon.

"What the hell is wrong with you?!" sigaw nya.

"Huwag mong sabihing may nakalimutan ka? Ayaw ko ng bumalik sa bahay late na tayo! Tsaka pwede ba, wag ka ngang bigla bigla nalang sumisigaw? Akala mo naman kung emergency. Tsk, ano ba yon?!"

At nanermon nanaman po ang lolo nyo. Taas talaga ng anger issue neto.

"Eee basta! Dito ka lang okay? Wait lang." sabi ko saka ako dali-daling bumaba ng sasakyan.

"Manong! Manong!" pagtawag ko habang hinahabol yong manong na nagtitinda ng ice cream.

Napalingon naman siya agad at huminto upang pagbilhan ako.

"Ano iyon, iha?"

Kahit bakas ang pagod at tumatagaktak ang kanyang mga pawis ngunit nakangiti parin siya.

Kahit na lumaki ako sa mayamang pamilya ngunit ramdam ko ang paghihirap ng mga taong nagtratrabaho para lang may maipakain sa kanilang pamilya. Nakaramdam tuloy ako ng awa kay manong. Siguradong pagod na pagod na siya.

I gave him a bright smile kasi someone told me before na kahit gaano pa kapagod ang isang tao kapag nginitian mo sila, kahit papano mababawasan ang pagod nila.

"Pabili po ako ng ice cream please! Gusto ko po yong strawberry flavor and... one chocolate flavor narin for my brother. Magkano po ba yan?"

Manong smiled back at me.

"Ten pesos lang naman ang isa, iha. Kaya bali twenty pesos lahat ang babayaran mo."

I was shocked.

"Wow, galing nyo naman sa math." biro ko.

But suddenly i realized something, so i decided to tease him more. Gusto ko lang naman pasayahin si manong.

"Huh?! Twenty pesos na agad yan? Wala bang discount manlang? I mean, kahit eighteen point five pesos nalang po?"

Napakamot sya ng ulo.

"Naku iha, malulugi naman ako sayo." he cried out.

Hindi ko maiwasang di mapatawa sa reaction ng mukha nya.

"Haha si manong naman hindi mabiro, joke lang po. Oh heto po bayad ko." sabay abot sa kanya ng 500 pesos.

Hindi ko na kinuha yong sukli. Tumakbo na agad ako pabalik ng car. As what i know, shock parin sya sa hawak-hawak nyang pera.

Pagpasok ko, patay! Ang sama makatingin sakin ni kuya. Bumungad sakin yong sharp eyes and fierce looking face nya.

I could only gave him a nervous smile.

"Hi kuya hehe. Want some ice cream? " sabay abot sa kanya nong isang ice cream na hawak ko.

I can see his jaw clenching sa sobrang inis. And finally let out a deep sigh. Mukhang yari talaga ako neto.

"Makasigaw ka kanina parang emergency bibili ka lang pala ng ice cream?!" sermon nya.

"Pinahinto mo'ko para lang bumili ng ice cream kahit alam mong nasa rush hour tayo?!" he asked in disbelief.

Omg, umuusok nanaman ilong nya. Minsan talaga di ko matukoy kong monster ba sya or a dragon. Okay lang yan Yuna, chelax lang okay? Your dragon brother won't eat you for sure.

"Errr, favorite ko ee. Tsaka ang sarap kaya neto." explain ko habang kabado.

"Oh heto, chocolate flavor. Di ba favorite mo yan? Magpasalamat ka na lang kasi libre ko yan. Oh kahit di mo na bayaran okay lang." syempre kahit kabado tayo di dapat tayo papakabog sa asungot na'to.

Yon nga lang dahil isang malakas na batok ang natanggap ko from him.

"Arayy!!" i screamed while holding my head.

"Manahimik ka na nga lang! Ang daldal mo." he frowned sabay paandar ng car.

Jusko, mukhang titilapon nanaman ako neto. Sakit non ah. Pasalamat ka babae ako or else tatapon kita out of the window aargghh!!

[Under REVISION] The Naughty Sang'gre (In The Human World)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon