15/2🖤❤️

7.1K 104 0
                                    

"May gusto rin akong malaman... bat niisa sa mga bulaklak ko wala ka manlang tinanggap? Hindi mo ba nagustuhan? Eh kasi nong isang araw, nakita kong tinapon mo lang sa basurahan." i asked her when i remember something.

Nanlaki ang mata nya.

"Y-yon ba? Naku, pasensya na. Hindi naman sa ganon. Ang totoo nyan, nagustuhan ko. Ang gaganda nga eh. Nakakapanghinayang kaya lang kasi... hindi ako tumatanggap ng mga bagay na galing sa diko kilala. At isa pa, pagagalitan ako ni kuya pag nalaman nyang may nagbibigay sakin ng bulaklak. Baka isipin non, may boyfriend nako." explained nya.

"Napaka-estrikto talaga ng kuya mo noh? Mahal na mahal ka nga talaga nya." sabi ko nalang kahit medyo dissapointed ako.

"Naku sinabi mo pa. Napaka-estrikto talaga non napakasungit pa tsh. Pagmamahal ba ang tawag don? Nasobrahan naman yata." she said.

"So ibig sabihin ba neto... NBSB ka?" asked ko tuloy.

Tumango naman sya.

"Parehas pala tayo. NGSB din kasi ako. Nakakatawa noh?"

"Really?" asked nya na mukhang hindi makapaniwala.

"Hmm." i nodded.

Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa pagitan naming dalawa. Sumagip tuloy sa isipan ko bigla yong time na nakita kong natuyot agad yong mga bulaklak sa trash can. Nagtataka parin kasi ako hanggang ngayon kung paano nya nagawa ang bagay na yon. Ngunit nagdadalawang isip akong tanungin sya tungkol doon.

Hayst! Dibale nanga lang.

"Hmp, Yuna..." pagbasag ko sa katahimikan.

"Hm?"

"Pwede ko bang malaman kung... may nararamdaman parin ako sayo?" asked ko.

YUNA POV

"Pwede ko bang malaman kung... may nararamdaman parin ako sayo?" asked nya bigla.

Ano daw?

"What do you mean?"

"Can i ask a favor? Wag ka sanang magagalit." he said.

Diko magets kung anong point nya pero para malaman... oh sya sige na.

"Okay? What is it?"

Tiningnan nya ko ng seryoso nang bigla nalang nya kong halikan. Isang dampi sa labi.

Natulala nalang ako sa ginawa nya. Bigla ko tuloy naalala si kuya Knox. Yong time na aksidente nya kong nahalikan.

Pagkatapos, isang dampi ulit. This time, medyo matagal na.

After 1-2-3-4-5-6-7-8-9-10 seconds... i pushed him away.

"Anong ginagawa mo? How could you-"

"Im sorry. Now, i realized that... wala nanga akong nararamdaman sayo. Hindi nanga ikaw ang gusto ko. Wala nakong maramdaman nong hinalikan kita. Totoo nga, sya na yong nagugustuhan ko. May iba nakong gusto. Simula nong makita ko sya... sya na agad ang laman ng puso ko." he cut me off.

Kaso diko gets.

"Huh? Hindi kita maintindihan. Kanina lang sabi mo gusto moko tapos ngayon- well, okay. At sino naman yang lucky girl na yan? I'm sure, bagay na bagay kayo." sabi ko nalang kahit naguguluhan ako.

Mabuti naman at hindi nya nako gusto dahil kung nagkataon, lagot ako kay kuya neto. At isa pa, diko rin naman sya gusto. Bilin kasi ni mommy at daddy sakin yon bago sila mamatay. Hindi pako pwedeng magbf hanggang hindi pako nakakagraduate ng college.

"Yon nga lang... hindi sya babae." bigla nyang sabi.

"Huh?! What do you mean? Tomboy sya?!" react ko.

"No! That's not what I mean. Actually, may gusto sana akong ipagtapat sayo bukod sa gusto kita. But please, keep it secret. Tayong dalawa lang ang nakakaalam neto okay?" he begged at me.

"O-okay? Promise."

"Yuna... bakla ako. At... at si Sir Knox ang type ko." he finally confessed it to me. Wait, WHAT?!😱😮

Nanlaki tuloy mga mata ko sa sinabi nya.

"A-ano? Teka, joke ba yan? Infernes huh, nakakatawa ahahaha! Magaling ka pa lang joker." natawa tuloy ako. Hindi ko alam kung nagbibiro ba sya or seryoso?

"Hey look, im not joking! Nagsasabi ako ng totoo. Bakla nga kasi ako beshie. I'm a gay!" he confirmed to me.

"Seryoso ka?"

Tumango sya.

"Jinjjayo? Woah, i really can't believe this!"

"Uy bess yong promise mo huh? Don't forget!" and now, he's talking like a girl.

He really drived me crazy.

[sigh]

"Okay, okay! Yes, i know. Promise is a promise. So, pwede na ba tayong lumabas? Ang init kasi dito eh grabe, nakaka-stress! Tara na, baka malate pa tayo. Hinalikan mo pa ako di mo nalang sinabi tsh! Crazy boy - oh I mean... barbie."

"Ssshh! Wag ka na ngang maingay baka may makarinig pa sayo. Nakakainis ka naman eh." he whined at me. "Sorry na okay? I didn't mean to-"

"Okay fine, fine!" i cut him off para wala ng mahabang usapan.

At simula ng araw na yon, naging mas malapit pa kami sa isat isa bilang magkaibigan. Pero... secret nga lang haha!

[Under REVISION] The Naughty Sang'gre (In The Human World)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon