Kabanata 5

1K 46 3
                                    

Kabanata 5
Tadhana

"Mauna ka na, Day." ngiti ni Ady sa kaibigan habang inaayos ang mga gamit noong uwian na.

Agad naman na nag-angat ng isang kilay ang kaibigan, "Bakit? Don't tell me, hindi mo ako isasama sa pang-s-stalk mo kay Sammy boy mo!" agad na reklamo naman ng kaibigan at itinuro-turo pa siya. "Okay, I'll believe in you na. Magkakilala na nga kayo."

Nangunot naman kaagad ang noo ng dalaga bago binigyan ng matatalim na titig ang kaibigan, "Gaga! May meeting kami sa club! Ito daw ang pinaka first meeting namin para makilala ang isa't isa!" defensive na sagot naman nito na inirapan lang ni Daiah, bago ito nang-mock ng mga linya ni Adelaide na pa-lip sync.

"Siryoso nga, Day!" pangungulit pa ng dalaga sa kaibigan.

"Day!"

Sabay napapalingon si Daiah at Ady sa front door ng room upang makita si Deirdre na nakatayo doon hawak ang braso ng tila nasa Grade 6 pa lamang na batang lalaki.

"Yes, Drey?" tanong kaagad ni Daiah sa kaniyang pinsan.

Agad namang tumingin sa ibang direksyon si Ady at nagpanggap na hindi niya nakikita ang babae sa front door.

Medyo naiirita na kasi siya sa presensya nito magmula nang makita niya sila ni Samuel sa Math Garden noong isang araw.

Idagdag pa na secretary ito ni Samuel sa SSC at magkaklase pa silang dalawa. Kaya naman mas malinaw kung sino ang madalas makasilay sa lalaki at kung sino ang hindi. Siyempre, siya na ang talo.

"Sama mo na si Seb pauwi, may meeting kami now 'e. Favor lang," sambit nito bago ngumiti ng pagkatamis-tamis sa kaniyang pinsan.

Napangiwi na lamang si Ady sa sigla ng boses ng dalaga. Looking at the other direction, she tried mimicking her voice soundless with exaggerated facial expressions.

"Sure, I'm on my way na rin naman 'e. May meeting din kasi sa club niya si Ady." sagot naman ni Daiah bago nagsimula nang lumakad papunta sa pinto upang kunin si Sebastian sa kamay ng kaniyang ate.

"Sige, thanks Day." tipid na sagot ng dalaga at agad na nilingon si Ady na busy na sa kaniyang cellphone, "Thanks din, Adelaide. Anyway, Ady, what club are you in?" pagtatanong pa nito na kinayamot lalo ni Ady.

"Mangaka." tipid niyang tugon without even looking up to see Deirdre.

"Oh, that's great! Sa Gardening ako e." sagot naman ni Deirdre.

"Of course, they should learn from the best." ani Daiah naman at saka niyakap ang kaniyang pinsan, "You are the best florist and gardener kaya! Too passionate to Mother Nature!"

"Nambola pa." ngisi ni Deirdre sa kaniyang pinsan.

"Eh, bakit ba? Sige na, iuuwi ko na si Seb. Go to your meeting na."

"Okay, bye, couz. Bye Ady!" tapos ay nawala na ito.

"Ady, paano ba iyan? Iuuwi ko na itong batang 'to sa kanila." pagpapaalam na ni Daiah sa kaibigan nang mawala na ang pinsan.

Ngumiti na lamang ng tipid si Ady at saka tumango sa kaibigan. Hinila naman ni Daiah si Ady papunta sa kaniya para bigyan ng alight hug. "See you tom!"

"I can go home alone, Day." nguso naman ng batang lalaki sa nakakatandang pinsan.

"No, you can't, Sebastian. Muntik kang masagasaan the last time. Hindi ka sanay ng walang driver." tugon naman ng pinsan bago inakbayan ang batang lalaki at saka na nilingon muli ang kaibigan. "Bye na for real, Ady!"

"Babay na din!"

"Galingan mo pang i-stalk, ha!"

"Gaga!" natatawang sambit na lamang ni Ady bago kinuha na rin ang bag at lumabas na ng room.

Forgetting SamuelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon