Kabanata 55

346 11 1
                                    

Kabanata 55
Plan

Warning: Read at your own risk!

"Be good, okay?"

Ipinulupot ni Ady ang dalawang braso sa leeg ng kaniyang fiance na si Samuel. She was staring at him intently.

"I will not do anything that will upset you. Tomorrow's our wedding day." sagot naman ni Samuel bago yumuko upang maabot ang labi ng dalaga. "Tomorrow, you'll be an official Dalton."

Napangiti si Ady sa binata. Hindi pa rin siya makapaniwalang bukas na ang kasal nila ni Samuel. Napakabilis na dumating ng bawat araw sa buhay nila. Tila parang kailan lamang noong umuwi si Samuel dito sa Pinas. Parang kailan lang ang kasal ni Maxelle, at ang pangamba niya na hindi na makasal kahit kailan pa. Pero ngayon, ito na nag katuparan ng kaniyang mga pangarap.

Tomorrow, she'll be an official Dalton.

Ang matagal niya nang gustong makamit.

Ang makasal sa isang Samuel Martin Dalton

"Bye. See you at the altar." sambit ni Samuel at hinalikan ang tungki ng ilong ng kaniyang bride-to-be.

Kanina pa siya nakatambay sa unit ni Ady. Tila ba kanina pa nga yatang umaga. Kanina pa sila nagku-kuwentuhan patungkol sa mga nangyari noong nakaraan. Lalo na noong nasa isang relasyon pa sila noong kabataan nila.

"Bye." Ady whispered, her eyes closing. Hinalikan ni Samuel ang magkabilang talukap ng kaniyang mga mata bago ito bumitaw.

"Bye. Any minute by now, dadating na sila Gigi para sunduin ako." sambit niya sa binata na napatawa rin ng bahagya.

"Okay. I love you." he answered before finally letting go. With one last wink of his eyes at her, naglaho na si Samuel mula sa front door.

Nilingon ni Ady ang kabuuan ng kaniyang unit. Ito na ang huling oras na mananatili siya sa kaniyang unit. Bukas ay titira na sila ni Samuel sa mansyon ng mga Dalton sa Pintados.

Napakabilis. Tila hindi pa rin siya makapaniwalang magbabago na ang takbo ng kaniyang buhay bukas.

May kumatok sa pinto, na pumutol sa pagde-daydream ng dalaga.

Nagtungo agad siya sa front door at saka binuksan ang pinto.

"Girls!" tila nagulat na sambit ni Ady nang makita sila Gigi, Max, at Tina na nakasuot ng bridal gown. May bitbit pa silang spare, na malamang ay ipasusuot kay Ady.

"Anong trip ninyo?" natatawang sambit ni Ady nang magsipasukan ang tatlong babae.

"Come on, wear it. Pupunta na tayo sa 'clean and decent' bachelorette's party mo. Or so called 'bridal shower'. There ain't no amount of bachelorette's party in it." bitter na sambit ni Maxelle, na tila disappointed sa kung ano mang hinanda ni Daiah.

Napangiti si Ady sa kaniyang looban. As long as Maxelle is frustrated. Alam ni Ady na malinis nga ang gagawin nila.

"Oh, satisfied?" lumabi pang sambit ni Maxelle na ikinatawa ng tatlong dalaga.

"Hay, nako, come on, Adz. Wear it na. Mabubulok na si Day do'n sa venue." ani Tina at saka tinulak ng bahagya si Gigi, na siyang may hawak ng gown.

Napailing na lamang ang dalaga sa mga naiisip ng kaibigan na plano. Hinigit naman ni Gigi ang kaniyang braso at hinila na siya patungo sa kuwarto upang magpalit.

"Are you ready?" Gigi started, her voice a mix seriousness, sincerity, and concern. She helped to zip up the dress at her back.

"Of course. I've been ready all my life." ani Ady habang nakatitig sa kaniyang repleksyon sa salamin sa kaniyang kuwarto.

Forgetting SamuelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon