Kabanata 6

992 49 1
                                    

Kabanata 6
Garduce Residence

Kanina pa pa-atras-abante ng lakad niya si Ady sa loob ng kaniyang kuwarto.

Si Samuel ang magiging kapareha niya sa kanilang first activity sa Mangaka's Club. Theme? Sensuality. Hindi tuloy siya mapakali. It felt so surreal. Parang noong nakaraang araw lang ay gustong-gusto niyang makita ito sa kahit saang parte ng school, makasilay lang. Tapos ngayon, ni hindi niya alam ang gagawin sa kaba at parang ayaw na niya pang makita ito.

Francis gave her Samuel's contact information. But still, hindi niya magawang kunin ang telepono at saka tawagan ito dahil baka hindi siya makapagsalita. Isa pa't hindi naman aware si Samuel na binigyan si Ady ng contact info nito. Nahihiya siya para sa sarili niya. Ayaw niyang magmukhang tanga sa harap nito lalo na't may ganito pa silang activity ngayon na due on Monday!

Napasapo na lamang ang dalaga ng kaniyang noo at saka naupo sa edge ng kama niya.

Hindi na niya alam kung ano ang iisipin. Sana yata ay hinayaan na lamang niya si Maxelle na angkinin ang kaniyang papel. Sana ay hindi na siya nakipagtalo pa upang ipagtanggol ang sarili niya.

Ngunit kung hahayaan niya naman si Maxelle na apihin siya ng gano'n, ay baka naman matanggal siya sa grupo dahil sa pang-aagaw niya di-umano sa papel ng iba. Tapos ay lalo lamang lalaki ang ulo ni Maxelle, to think na napa-give up niya ito that easy. Hindi siya kakagat sa mansanas nito-it's a trap and she knows it. She isn't that gullible.

"I was the girl at her back no'ng bumunot siya ng paper niya, Franny. She must have disliked what she picked, and stole my paper without my knowledge nong malaman niyang si Prez ang nabunot ko!" dagdag pa ni Maxelle noong dinuro-duro niya si Ady.

Nanlaki ang mga mata ng ibang estudyante sa narinig.

"Grabe! Si Maxelle ninakawan niya? Grabe naman, ang lakas ng loob niyan!"

"Dapat sa ganiyang ineexpel agad. Sa susunod hindi na lang maliit na papel ang nanakawin niyan!"

Sumama ang timpla ng mukha ni Franny sa mga narinig na bulungan. Pakiramdam tuloy ni Ady ay sinapak siya sa tiyan nang binigyan siya ng admin ng mapanghusgang tingin, alam na agad ng dalaga na mapapatalsik siya sa grupo.

"Enough, guys!" suway ni Franny kasabay ng pagsasalita ni Ady para sa sarili niya.

"No, I didn't do it." ani Ady, tapos ay itinaas ang kaniyang papel. "Why would I steal this paper, when in fact, ako nga lang ang walang interes sa kaniya dito."

"That's it. So she said it all!" sambit agad ni Maxelle habang nakaduro pa rin sa dalaga, animo'y isang detective na nakuha na ang pinaka malaking clue na magpi-fit sa puzzle. "She pretends she doesn't like Prez, para 'pag ninakaw na niya ang papel, walang manghuhusga, like it was plain luck. But it wasn't. It's her plan all along! Nanguna pa siya sa pila kanina, ta's sinaggi ako."

Nangunot ang noo ni Ady sa huling sinabi ni Maxelle. Hindi siya nanguna sa pila, in fact, panglima sa huli pa nga siya. Malamang ay sinisiraan lamang siya ni Maxelle. Kahit kailan ay napaka bitter talaga nito sa kaniya, hindi lang nakakapalag kay Daiah.

"I was at the back of the line. Paano kita maabot, Maxelle?" flat na sagot ni Ady, pero sa loob niya ay gusto na niyang sabunutan si Maxelle. Sayang at wala si Daiah sa tabi niya ngayon. Kay Daiah lang naman ito tumitiklop dahil alam niyang kailangan niyang mapaamo si Day.

"Yep, Adelaide was at the back. In fact, kasunod ko si Adelaide sa pila." pagdepensa pa nong isang babae para kay Ady, na agad ikinangiti ni Ady sa babae. Yung babaing naniko sa kaniya kanina, patungkol sa fair nagbunot.

Forgetting SamuelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon