Kabanata 31
TeresitaWarning: Mature content ahead. Read at your own risk.
Tumigil si Adelaide sa gitna ng staircase habang nagba-browse sa kaniyang cellphone.
Adelaide was too engrossed with the idea of Beach Weekend with the Mangakas at wala na siyang iba pang pinagkaabalahan nitong mga nagdaang araw kung hindi ang maghanap ng perfect swimsuit on line, for that day.
"Bakit one-piece, Miss Ady?" usisa ni Hera na pababa rin ng staircase at nakatanaw sa kaniyang ginagawa.
"May Beach Weekend kami, remember?"
Tumango agad si Hera, "Kaya nga, Miss Ady, pero bakit one-piece?"
Napakurap ng kaniyang mga mata ang dalaga at hindi alam ang isasagot, "Because I was supposed to wear a swimsuit, because it's a beach trip?"
Tumawa si Hera. Noon lamang napansin ni Ady ang bitbit ng katulong. Mga papeles ito na maayos na nakasalansan at may cover ng extending folder, "Nandito si Mama, or si Dad?" tanong niya.
Tumango si Hera at saka ngumiti, "Nasa kuweba niya ang Daddy ninyo."
Tumango rin si Ady sa katulong, "Okay, para makapagpaalam na rin ako for Saturday. Come on, sasabay na ako."
Sabay nang naglakad pababa ang dalawa ng hagdan nang magsalita muli si Hera, "Maganda kasi ang katawan mo, Miss Ady. Ang ibig kong sabihin, bakit hindi ka mag-two piece? Sige ka, magulat kang lahat sila nakatwo-piece tapos ikaw lang ang parang bata."
Napaisip si Ady sa sinabi ng katulong. Ni hindi niya man lang naisip ang magiging hitsura niya sa beach o ang posibleng magiging hitsura ng mga kasama niya. Nasanay kasi siyang one piece at jean shorts sa beach kaya iyon ang ginagawa niya ngayon. Nakalimutan niyang mga kasing age niya ang nandoon at mga dalaga't binata na sila.
Hera really knew life. Tila ba ang daming nawawala si Ady na si Hera lamang ang tanging may kakayahang sumagot.
"Okay, help me find one, please?" ani Ady, pleading with her palms pressed against each other.
Ngumiti ng malaki si Hera, "Ikaw pa ba, Miss Ady? Aba, ang lakas mo kaya sa akin!"
Samuel was sitting on the couch when Ady walked on the living room with Hera.
Nag-angat ang may spectacles na mga mata ni Samuel at nginitian ang dalaga.
"Come here," he commanded with a slight nod of his head.
"Later," Ady responded and winked, "I'll talk to Dad first. He's here daw."
Samuel nodded at once and continued reading his book.
"Nagkabalikan na ba kayo?" tanong ni Hera nang makalayo na sila sa sala.
Umangat ang ngiti sa labi ng dalaga, "Apparently, hindi daw kami nagbreak kasi hawak ko daw ang puso niya sa relasyon namin."
Nag-angat ng hindi makapaniwalang kilay si Hera, "Sinabi niya talaga 'yon?" tila matatawang sambit ng katulong.
Tumango agad si Ady, "Oo naman! You have my heart in your hand, baby."
Tumawa si Hera sa pag-imitate ni Ady sa malamig at baritonong boses ni Samuel. Kumunot ang noo ng dalaga.
"Why are you laughing? Sabi niya 'yon! Nakakakilig kaya."
Umiling ang katulong, "Nagulat lang akong may pagkaromantiko pala ang Sir," sambit nito kasabay ng isang malaking ngiti.
Napailing na lamang si Ady, pero kababakasan ng kilig ang kaniyang hitsura, "I know, right?"
BINABASA MO ANG
Forgetting Samuel
RomanceThere is no other guy like Samuel Dalton. Siya ang tipo ng lalaking babalik sa sistema mo kapag nasa bingit ka na ng tuluyang pagkalimot sa kaniya. And then there's Adelaide, buong buhay niya ay minamahal niya si Samuel from afar. When she finally g...