Wakas
Samuel came back.
Miraculously, he came back walking again after months of Physical Therapy. He went back in Ady's arms that one night, wearing a white tux... and bringing the church to her.
Ady opened the door. She slapped him until her hands went sore... and then she went out on the their front yard and got married with him that instant.
It was a miracle that he came home.
That he came back for her.
That he never got over her.
Because she knew she'd never ever forget him.
***
HINIGPITAN ni Ady ang balabal sa kaniyang balikat. Napakalamig ng simoy ng hangin. Rinig na rinig niya ang paghampas nito sa malulutong na dahon ng punong sumasayaw sa ere.
Every now and then, may lumilipad na dahon sa kanilang paligid.
Nakaupo siya sa nakalatag na picnic blanket sa isa sa mga hill malapit sa rancho. Hinihintay niya ang kaniyang asawa na kanina pa nawawala. Kukunin lamang daw nito ang picnic basket na hinanda nila ni Mira kaninang umaga.
Nilingon ni Ady ang kabuuan ng kanilang mansyon mula sa burol na kinalalagyan niya. Kitang-kita niya ang lumawak na nilang garden ni Mira. May mga bagong tubo na itong bulaklak.
Lumabas ng mansyon si Dante, bitbit ang bagong alaga niyang binili ni Samuel para sa kaniya. Isang hamster. Mas mabuti na raw ito kaysa sa daga. At least, malapit ang specie na ito sa mga daga. Ang kulungan naman ay binili ni Pancho sa bayan.
Nagtungo si Dante sa mga bulaklak at agad na hinila ang stem ng isa sa mga ito. Napapikit si Ady sa natunghayan. Mag-aaway na naman ang kambal mamaya, kapag napansin na ni Mira ang nangyari. Hindi naman siya masaway ni Ady dahil napakalayo nito. Miski sumigaw siya, ay hindi siya nito maririnig. Mahihirapan pa siyang magtatakbo para sawayin ang bata dahil mabigat na siya ngayon.
Hinimas ni Ady ang kaniyang tiyan at naghintay sa kaniyang asawa. Pumasok na muli si Dante sa mansyon nang may dumating na tao ng rancho at may binigay na ilang bungkos ng celery sa bata.
Bumukas muli ang pinto ng mansyon.
Natanaw niya ang pigura ni Samuel na may bitbit na ngang basket. Nananakbo na ito padaan sa tulay sa tapat ng mansyon nila sa Moneva. Dito na sila nakatira ni Samuel. Napagdesisyunan nila, dahil nahirapan na rin si Ady na iwan ang napakagandang lugar.
Isa pa't, isang dahilan na rin ito upang makalayo sila sa mainit na tingin ng media sa kanilang pamilya, especially with Samuel's real identity.
Being a Caballero, and not really a Dalton.
Nalaman na kasi ng buong nila pamilya ang patungkol sa pagiging Caballero ni Samuel, even though Steven is persistent that Samuel should keep his name as a Dalton. Tinanggap rin naman iyon ng malugod ni Samuel dahil isa iyong pribilehiyo.
The whole Caballero clan already knew about what happened, even Daiah and Keya. Miski sila Tina, Gigi, at Maxelle ay aware din. At ang buong Garduce lan. They swore na itatago ang sensitive na impormasyon about Samuel's identity. It will just spark further chaos sa buhay ng mga Dalton, at baka maapektuhan rin ang pamilya ni Aries. Hindi na rin naman iyon mahalaga. Naging tulay rin iyon para sa tiyak na pagkakaayos ni Aries at Samuel.
Walang suot na tsinelas si Samuel. Puno naman ng bermuda grass ang paligid, it's not like masusugatan ito o kung ano pa man. If anything, may mainam pa ngang nakayapak.
Last month nangyari ang kanilang kasal, with the same setup.
Si Daiah pa rin ang kaniyang Maid of Honor. Napagdesisyunan din nila na dito na lamang sa garden ng mansyon nila magpakasal. Pumayag naman si Samuel, at boto rin ang kaniyang ina.
BINABASA MO ANG
Forgetting Samuel
RomanceThere is no other guy like Samuel Dalton. Siya ang tipo ng lalaking babalik sa sistema mo kapag nasa bingit ka na ng tuluyang pagkalimot sa kaniya. And then there's Adelaide, buong buhay niya ay minamahal niya si Samuel from afar. When she finally g...