Kabanata 21
Sitio Malabon"So what do you guys plan to have on Campus Party?" nakangiting tanong ni Daiah sa kaibigan nang ilapag na nila ang kanilang pagkain sa isa sa mga table sa cafeteria. "Malapit nang mag-December!"
It was the first time na bumili ng pagkain si Adelaide sa ginto ang palitan nilang cafeteria. Nangyari kasing tinanghali na ng gising ang dalaga at inaatake naman ng rayuma ang matanda para maghanda ng pagkain ni Ady. Nagdesisyon na lamang si Ady na sa school cafeteria na lamang kumain upang hindi na magpumilit pa ang matanda. Isa pa't malelate na rin naman si Ady.
The fault was Ady's. Kanina pa siya ginigising ni Hera ngunit ayaw niyang bumangon. Tuloy, nakaalis na si Samuel noong hinihila pa lamang niya pabangon ang kaniyang katawan mula sa kama.
"Wala pa." sagot ni Ady sa kaibigan at ngumiti, "Hindi pa nagpapatawag ng meeting si Franny." sagot ni Ady sabay binuksan ang wax paper na nakabalot sa BLT sandwich na binili niya.
Bacon stips, lettuce, and thick slice of large tomato. Ito yata ang favorite kind of sandwich ni Adelaide. Ang lagi naman kasing ginagawa sa kanila ni Hera ay BTC. Imbes na lettuce, and nakalagay ay Mozarella cheese, which is also fine by Ady, pero kung papipiliin siya ay BLT talaga.
Campus Party.
Para itong block party na ginaganap matapos ang first semester. Kadalasan ay tumatapat ito sa third week ng November, kung saan imbis na residents ng isang block or even cities, ay mga students ng buong campus ang magpaparty.
A gathering, exclusively for St. Anne students. Whole day celebration kung saan lahat ng students ay free of all stress, projects, and assignments. Naging tradition na ito ng St. Anne Institute, dahilan para ipagpatuloy ganapin taon-taon.
Pero ngayong taon, kaakibat ng Campus Party ang isang Charity event na ginagawa naman bago mag-Christmas break. Kung saan ang bawat club ay maghahanda ng tig-iisang booth.
Ang bilis ng mga araw, hindi namalayan ni Ady na Campus Party na naman. Matatapos na ang taon at wala pa ring progress sa relasyon nila ni Samuel na noong unang buwan pa lang ng pasukan ay lumipat sa kanilang bahay. Ilang buwan nang nasa kanila si Samuel, pero wala pa rin silang pagbabago.
"Ask me what's ours." tila kinikilig namang sagot ni Daiah sa kaibigan at napa-beautiful eyes pa na akala mo ay nagpapacute.
"Oh, ano bang inyo?" kunwari ay curious na tanong naman ni Ady sabay muling kagat sa BLT sandwich niya.
"Kissing Booth!" pasigaw na bulong ni Daiah at saka nagtitili sa kilig. Napamake face naman si Ady sa kaibigan.
"Oh, ngayong ganiyan ka na, sobra ka nang madismaya sa akin ha." sagot naman ni Daiah at saka sumimangot.
"Oh, ano na namang ginawa ko? Napaka sensitive mo na naman." reklamo naman ni Ady sa kaibigan.
Nangyari kasing sinusog siya ni Daiah sa room kanina upang itanong sa kumakalat ng pictures mula sa birthday celebration ni Maxelle. Mas trending ang totoong buhay ni Adelaide Garduce at isang stolen shot ng bahay nito.
"You don't tell me everything! Ako, sinasabi ko sa'yo lahat. We've been friends for like eternity, tapos hindi ko alam na 'Garduce' ka pala." reklamo ni Daiah. Tumawa si Ady at saka pinunasan ang side lips niya.
"Alam mo kaya. Alam mo buo kong pangalan, friends tayo sa FB. Magkaklase tayo. Of course, alam mo."
Umirap si Daiah sa failed sarcasm ng kaibigan, "You know that's not what I mean... but honestly, natatakot ka ba?"
Nawala ang hint ng sarcasm or kwela sa mukha ni Ady sa narinig, "What do you mean?"
"I know you. If you did this for a long time... You let them bully you like that, may catch. I don't know what's the catch, but something's wrong kaya mo itinago 'yung identity mo sa amin. So, now that you're out... That the whole campus knows you're richer than Maxelle... aren't you afraid?"
BINABASA MO ANG
Forgetting Samuel
RomanceThere is no other guy like Samuel Dalton. Siya ang tipo ng lalaking babalik sa sistema mo kapag nasa bingit ka na ng tuluyang pagkalimot sa kaniya. And then there's Adelaide, buong buhay niya ay minamahal niya si Samuel from afar. When she finally g...