Kabanata 14
Façade“Miss Adelaide, hapunan na po.”
Bumangon si Adelaide sa pagkakahiga at saka nag-inat-inat, “Sige, Hera, bababa na ako.” aniya habang humihikab pa.
Narinig ng dalaga ang papalayo nang mga yabag ng katulong kung kaya’t nagtungo na ito sa kaniyang closet upang humila ng damit pambahay. Hindi pa siya nakapagpalit ng suot kanina at nagtanggal lamang ng sapatos. Kinalas ni Ady ang suot na kurbatang kulay abo at saka naman isinunod ang mga butones ng suot na polo. She shimmied down her skirt after unzipping it.
Habang nagbibihis ay tumunog ang kaniyang cellphone dahilan kung bakit nagmamadali niyang isinuot ang isang icon printed white tees niya at saka na kinuha ang cellphone sa tabi ng kaniyang dating pink and violet Jansport bag.
Ang kaniyang limited edition na LV bag naman na hinagis ni Maxelle noon ay nakatago sa ilalim ng sink ng kaniyang CR. Doon ito nangangamoy imburnal dahil sa kanal pa nalaglag, dahilan kung bakit isinilid ito ni Ady sa loob ng garbage bag at hinayaan na sa ilalim ng kaniyang sink. Mapapagalitan lamang siya kung ipapalaba niya iyon kay Hera kung kaya’t tinago na lamang niya, dahil panigurado ay aabot iyon sa tainga ng kaniyang ina.
“Bakit, Riego de Dios?” diretsong tanong ni Ady pagkasagot sa tawag habang lumalabas ng kaniyang pinto.
“My mother wanted to meet you.” Elias’ voice was reluctant when he broke the news. Napatigil si Ady sa pagbubukas ng pinto, pilit na pinagsisink in sa kaniyang isip ang sinabi ng kaniyang pretend boyfriend.
“Pretend lang ‘to, bakit mo ako ipapakilala?” galit na sambit ni Ady nang makakuha siya ng opportunity na magreklamo. Tinuluyan na ng dalaga na pihitin ang seradura ng kaniyang pinto.
“I know, I know. Pero pinipilit niya ako. She wanted to meet this Adelaide-girl.” pangungulit pa nito.
Napairap sa hangin si Ady at saka hinila pabukas ang pinto. Doon nakita ng dalaga si Samuel na saktong kabubukas lamang rin ng pinto nito at matama nang nakatitig sa kaniya.
“Ady? Ady? Please? This is a one time thing, I promise you. Just please, Ady. Let them see you lang.” pampipilit ni Elias sa kabilang linya.
Umiwas agad si Ady ng kaniyang tingin kay Samuel at bahagyang umubo pulling her door close again nang makapag-step out na siya.
“I’ll think about it, Ellie. Just not today.” mahinang sagot na lamang niya sa kabilang linya.
“Okay, thank you, Ady. I love you.” sambit ni Riego de Dios sa kabilang linya.
Napairap na lamang si Ady after hearing the last words. Agad naisip ng dalaga ang imahe ni Riego de Dios na nakatayo sa gitna ng sala habang kausap siya at nakikinig sa mga sagot niya ang kaniyang parents. Hindi napigilan ng dalaga ang mapatawa bago ibinaba ang kaniyang cellphone.
Nilingon muli ni Ady si Samuel sa kaniyang tapat, ngunit wala na ito sa kaninang puwesto at nasa gitnang bahagi na ng hagdan pababa. Napaka haba ba naman ng biyas, ay talagang mabilis itong maglakad.
Alam ng dalagang iniiwasan na siya ni Samuel. Sa kung anong dahilan ay hindi siya sigurado.
Napalingon si Nana Sela sa magkabilang dulo ng dining table. May namumuong tensyon sa dalawang taong nakaupo at hindi maiwasan ng matanda na makaramdam ng lungkot.
“Ito, hija, Sinigang na bangus. Paburito mo iyan.” pag-aalok ni Nana Sela sa dalaga at saka kinuha ang bowl ng sinigang at inilapit kay Ady.
“Thank you po, Nana. I want po yung belly.” sambit ni Ady at saka ngumiti ng malaki sa matanda.
BINABASA MO ANG
Forgetting Samuel
RomanceThere is no other guy like Samuel Dalton. Siya ang tipo ng lalaking babalik sa sistema mo kapag nasa bingit ka na ng tuluyang pagkalimot sa kaniya. And then there's Adelaide, buong buhay niya ay minamahal niya si Samuel from afar. When she finally g...