Kabanata 18

703 41 1
                                    

Kabanata 18
Tsismis

Buo ang ngiti ni Ady habang sakay ng puting van papunta sa school. Nasa kaniyang tabi si Samuel. Alam ni Ady simula nang bumaba siya sa hapag at nakita si Samuel na kumakain na ng agahan habang nagbabasa ng broadsheet, kasabay niya, ay siguro na siyang walang makakasira sa araw niya.

Sabay silang kumain ni Samuel ng agahan sa ikaunang pagkakataon sa weekdays. Palagi kasi itong nauuna sa kaniya. Pagkababa niya ay nakaalis na ito. Kaya naman naghihintay pa siya ng ilang minuto kay Mang Dom na makabalik upang siya naman ang ihatid sa school. That way hindi sila magkakasabay, at walang makakakita sa kanilang magkasama.

Pakiramdam niya ay handa nang makipagkaibigan sa kaniya si Samuel. Matapos mangyari ang kagabi na tila ay panaginip pa rin sa kaniya. Ang pag-oopen up ni Samuel sa kaniya patungkol umano sa kalayaan nito... Napangiti muli si Ady habang iniisip ang pangyayari.

Sana ay lagi silang gano’n.

“Nandito na ho tayo sa parking lot, Miss Ady, Sir Samuel.”

Pinagbuksan ni Mang Dom si Ady ng pinto ng kotse. Kinuha ni Ady ang kaniyang pink and violet Jansport bag sa kaniyang tabi giving Samuel a slight smile bago lumabas ng kotse.

Napansin agad ng dalaga ang paapproach na si Maxelle at ang dalawang alipores nitong sila Marjorie at Margaret.

Kunot ang noo ni Maxelle na napunta ang tingin kay Samuel na kabubukas lang rin ng pinto sa side niya at saka ito isinara.

“Mauna na ho ako, Sir, Miss.” paalam ni Mang Dom sa dalawang amo at saka ay bumalik na sa loob ng kotse. Tipid na tumango lamang si Ady sa kanilang driver at hinayaan nanitong mag-pull out sa parking lot.

“So, hinahatid ka rin pala ni Samuel?” kumento ni Maxelle sa nasaksihan at nag-angat ng kaniyang freshly drawn eyebrow kay Ady.

Bago pa man makapagsalita si Ady para depensahan ang kaniyang sarili ay agad nang nagtungo si Maxelle sa gawi ni Samuel. Sinamaan lang ng mga alipores ni Maxelle ang dalaga.

Ady was about to leave nang marinig niya ang sinabi ni Maxelle kay Samuel. So, she stayed to listen to their conversation. Ahas si Maxelle, at hindi siya papayag na sirain siya nito sa harap ni Samuel. O, kung ano mang binabalak ng maitim na budhi nito.

“Hey, Prez! I’ve been waiting for you, kanina pa. Just want to inform you na ikaw ang escort ko bukas sa party ko.”

Napangiwi si Ady sa narinig. Nilingon niya si Samuel na sa kaniya na nakatingin. Blanko ang mukha nitong nakamasid sa kaniya. Humarang si Maxelle sa tingin nito at saka kinawayan si Samuel.

“I’ll take that as a yes. Thanks, Samuel!”sambit agad ni Maxelle at saka pininch ang pisngi ni Samuel.

Parang nilukot ang puso ng dalaga sa nakita at hindi na napigilan pang ikuyom ang dalawang kamao, “O, anong problema mo, Adelaide?” mataray na tanong ni Marjorie, “Go!” sigaw pa niya sa dalaga sabay tulak sa balikat nito.

“Prez, I just wanted to know.” bigla ay sambit ni Margaret na nakatitig kay Ady. Lumingon ito kay Samuel na puno ng suspicion ang mga mata, “Bakit magkasabay kayo ni Adelaide?”

Pakiramdam ni Ady ay pinigilan siyang huminga, despite the windy morning na sumasalubong sa mukha niya. Pakiramdam niya ay may kung anong bumara sa kaniyang ngala-ngala at mabubulunan siya kapag nagsalita siya.

Forgetting SamuelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon