Kabanata 52
AnnouncementFor the last time that moment, hinila muli ni Samuel si Ady papalapit sa kaniya at saka siniil ng isang halik.
Hindi na pagilang napahagikgik ng dalaga sa pagitan ng paghalik sa kaniya ng binata.
“Tama na, pumasok ka na sa trabaho mo.” ani Ady at saka tinulak na palayo ang dibdib nito sa kaniya. “Sobra-sobrang halik na ‘yon para sa paghatid sa’kin dito.”
Ngumisi ang lalaki at saka muli ay inilapit ang kaniyang mukha sa dalaga. Binigyan niya ng isang halik ang tungki ng ilong nito.
“Bye. I’ll see you tonight?”
Tumango agad si Ady sa binata.
“Oo nga. Unli?” aniya. Hindi na rin niya napigilang mapangiti muli.
Samuel nodded at once.
“We’ll announce the wedding.” sambit nito at saka kinindatan si Ady bago nagtungo na sa kaniyang kotseng nakaparada sa harap ng Doll House.
Hindi mawala ang ngiti sa labi ng dalaga hanggang sa nakapasok na siya sa loob ng kaniyanng studio, ay para pa rin siyang nasa langin.
Iba talaga kapag busog sa pag-ibig. The irony is, hindi nakakabigat ng damdamin. Sa sobrang gaan mo, pakiramdamam mo ay lilipad ka na. Hindi ka nilalaglag, hinahayaan kang lumutang sa ere. If it feels like that, it’s the right kind of love.
The sacrifices Ady had done in the past were all paid. Hindi na siya makapapayag pang mahiwalay siyang muli kay Samuel.
“Mukhang iba ang aura natin ngayon, Adelaide, ha?” pansin ni Margo nang mag-angat ito ng ulo at agad nakita ang kaniyang associate. “Mukhang busog tayo sa pag-ibig?”
Napangiti si Ady sa kaniyang associate.
May pakagat-labi pa siya nang sinabing, “I paid my dues. I deserve this kind of happiness.”
Ipinihit ng dalaga ang kaniyang tingin kay Margo nang may marealize siya over the gpod things she’s feeling.
“Kayo ni Simon, kumusta?” tanong niya dito.
Agad pinamulahan ang mukha ni Margo sa narinig.
“Anong kami ni Simon? Wala namang kami!” depensa agad nito at saka ay itinuon na ang atensyon sa pagbibilang ng stocks ng bagong hangong styles.
“Gano’n?” ani Ady at napahimas pa sa kaniyang baba, “Hindi ba’t siya ‘yong Marshall Gomez na sinasabi mo sa akin noon?”
Lalong namula si Margo at saka napasampal sa kaniyang mukha.
“Oo, pero…” sambit nito at napailing na lamang. Tila hindi alam ang sasabihin sa kaniyang katrabaho.
“Pero, ano?” tanong ni Ady sa dalaga.
Umiling muli si Margo at saka binigyan ng ngiti ang dalaga, “Never mind… nakakahiya.”
Lalong naintriga si Ady sa inakto ng dalaga. Dinaluhan niya itong naka-indian seat sa lapag. Naupo rin siya sa malamig na tiled floor, at saka ipinatong ang bag sa pinaka malapit na sofa.
“What? Tell me. Malay mo, makatulong ako.” ani Ady na napuno na ng excitement ang aura.
She felt older.
Pakiramdam niya ay siya na si Hera sa time niya, at si Margo naman ang batang siya. She thought her experiences were enough to feed for Margo, kahit na hindi naman gaano ang layo ng agwat nila sa isa’t isa.
“Adelaide… I really don’t think…” ibinaba ni Margo ang tingin niya sa sahig. Hindi niya magawang tignan ang dalaga.
“It’s okay. You can tell me anything.” Ady insisted.
BINABASA MO ANG
Forgetting Samuel
عاطفيةThere is no other guy like Samuel Dalton. Siya ang tipo ng lalaking babalik sa sistema mo kapag nasa bingit ka na ng tuluyang pagkalimot sa kaniya. And then there's Adelaide, buong buhay niya ay minamahal niya si Samuel from afar. When she finally g...