Kabanata 9

774 37 1
                                    

Kabanata 9
Leadership Training

Napahalukipkip na lamang ang dalaga nang maupo ito sa bermuda grass sa likod ng makapal na halamanan. Naiirita siya sa nakikita niyang maya't mayang paglapit ni Deirdre kay Samuel. Palibhasa magkagrupo sila sa activities!

"Okay, leaders! This will be the first activity for today. So, there are 10 teams here. Each team, ito ang gagawin. So, listen to the mechanics." sambit ng emcee nila at talagang umaliwangwang ang boses nito na nagpainit lalo ng ulo ni Ady.

"But first, where is the team SAI? Introduction muna tayo." tanong ng emcee kaya agad ay napaalerto si Ady at talagang lumingon at humanap ng magandang view upang makita ang iba't ibang SSC officers ng iba't ibang campus sa kanilang lalawigan.

SAI.

St. Anne Institute, kung saan sila nag-aaral nila Samuel.

"So, ayan! Nandito na ang team SAI with their team leader in front, Samuel Martin A. Dalton." sambit ng emcee at agad ay nagpalakpakan ang mga malalandi sa gilid.

Napairap na lang ng kaniyang mga mata si Ady sa hangin. Bakit kailangang magkatabi pa si Samuel at Deirdre? Eh, di hamak na secretary lang naman ang babae na iyon. Diba dapat ang katabi ni Samuel ay si Elias Riego de Dios, dahil ito ang Vice-President ng SSC sa SAI?

Napapakuyom na lang talaga ng kaniyang mga kamao si Ady at pinipigilan na lamang ang sarili na manakbo papunta doon.

Mas naiinis lang siya kapag nakikita niya si Elias Riego de Dios sa pinaka dulo na nakikipagkilala lang sa mga taga-ibang school. Dapat ito ang nasa tabi ni Samuel, hindi ang higad na pinsan ni Daiah! Kahit kailan talaga, ang bwisit na baklang si Elias Riego de Dios! Walang ginawa kundi magpasikat. Nakakalimutan tuloy kung saan ang dapat na lugar at posisyon niya. Lugar niyang tabi ni Samuel, at posisyon niyang paglayuin ang dalawa!

"Hayaan muna natin silang magpakilala!" dagdag pa ng emcee at saka ay inabot kay Samuel ang hawak nitong mic.

"I'm Samuel Dalton, from Team SAI. I hope magkasundo tayong lahat at maging matagumpay ang Leadership Training." simpleng sambit ni Samuel sa unahan na agad ay pinaulanan ng tili ng mga kababaihan, pinangungunahan pa talaga ng presidente ng ibang grupo.

Napangiwi na lamang si Ady at saka napairap muli sa hangin. Nanlaki naman ang mga mata ng emcee at hindi napigilang magkumento tungkol doon sa tilian ng mga mag-aaral.

"Elias Riego de Dios po, Ellie for short! I'm from team SAI. Tilian niyo rin san—"

"BAKLA!" huli na nang matakpan ni Ady ang kaniyang bibig o makagat ang kaniyang dila. Agad nang naabot ng boses niya ang mga tao sa event na iyon.

Kay Elias Riego de Dios na tuloy niya nailabas ang kaniyang inis kay Samuel, dahil sa pagiging incompetent nito, as usual. Kahit kailan ay gwapong-gwapo sa sarili ang famewhore.

Nanigas pa ang katawan ni Ady nang marealize kung ano ba talagang kahangalan ang nagawa niya, at hindi pa sana agad magtatago o dadapa kung hindi pa agad na lumingon sa direksyon niya si Samuel. Agad ay may tumama sa kaniyang braso pagkadapa niya. Medyo masakit ito dahil parang hard pero hindi naman bato.

Mas lalo tuloy bumilis ang tibog ng puso niya.

Huminga na lamang siya ng malalim at niyakap ang sarili habang nakasandal sa halamanan ang kaniyang likod bago kinapa ang kung anong matigas sa medyo gilid ng halamanan. Hindi na siya nagdare na magmasid ulit doon sa event. Paniguradong magtatama agad ang tingin nila ni Samuel kung magkataon, at alam niyang mahuhuli siya nito ng buhay kung magkataon. It's a dumb thing to do after all, sundan mo ba naman ang crush mo sa isang leadership training, just because you're a jealous pig. Yung ekspresyon pa lang nito na nakakunot ang noo nang nilingon ang direksyon niya, alam na kaagad ng dalaga na narecognize ni Samuel ang boses niya.

Forgetting SamuelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon