Kabanata 13
Talo"So, Good morning, Mangakas!"
Nasa unahan si Franny ng mga miyembro ng Mangaka's Club, Wednesday ng umaga nang magpatawag ito ng assembly sa mga members ng club.
"Mabuti naman at pinaunlakan ninyo ang munti naming imbitasyon upang ianunsyo kung sino ang nanalo sa maliit nating patimpalak." dagdag pa nito.
Sa unang pagkakataon ay nagpunta sa club meeting si Samuel, dahilan kung bakit lahat ng atensyon ng mga kababaihan ay nasa kaniya at hindi kay Franny na nagsasalita sa unahan. Napangiwi na lamang si Ady na malayo, at nakatanaw lamang kay Samuel. Pabilog kasi muli ang upo nila habang naka-indian seat sa lapag.
"Siyempre, yung art work na ni Prez ang panalo!" kinikilig na sigaw ng isang babae na agad kinaltukan naman ng katabi nitong lalaki.
"Aw! Ano ba, inggit ka ba?" sita naman nong babaing tumili sa nangkotong sa kaniya.
"Siyempre, si Prez na! Teka, sino nga pala yung nakapartner ni Prez? Swerte naman no'n!"
"Balita ko, si Adelaide, diba? Swerte talaga! May Riego na, may Dalton pa! Iba rin!"
"Luh! Sana ako na lang. Sa susunod talaga, nako!"
"Enough, everyone!" biglang sigaw ni Franny sa unahan bago kinuha ang inabot ni Ara na isang maliit na papel kung saan nandoon ang mga winners.
"So, hindi na namin patatagalin, dahil may mga klase pang naghihintay sa inyo. Punta na tayo sa Third Placer." ngiti ni Franny sa lahat na agad naman ay tumingala na ang atensyon sa kaniya.
"Our Third Placer is Dinari Lato's Bruised Lips. I'm impressed with this work, kasi ipinakita ang Sensuality through giving us a sight of bruised lips. Bruised lips-it makes you intrigued, right? Why is it bruised? Who made it? How? And the list of questions goes on. It's bare and prominent, in some people it will be attractive, in some it will be cringy in a certain point. It gives us chills, pleasure, actually mixed-it even makes our insides turn. Too emotional. So, there you have it, for Third Placer. Let's give her a hand!"
Tumayo si Dinari upang makita siya ng buong miyembro, tapos ay nagbow siya at saka ngumiti bago kinuha ang kaniyang certificate at medal kay Franny.
"For the Second Placer." mas ngumiti ang mga mata ni Franny bago bumaybay ang ngiti patungo kay Samuel.
"Samuel Dalton's Non-Aphrodisiac. It's a common setting but that doesn't mean it's not reality. The depression is very prominent in black and white. What we also admired in Samuel's work is the details, as if the drawing was full of uncontrollable emotions-of love, rage... and deep sadness. He has a natural talent in drawing. It made me tear up, I'll admit. Congratulations, Samuel."
Agad na napaangat ang mukha ni Ady at saka ay nangunot. Second lang si Samuel? Kung gayon ay sino ang pang-una? May pag-asa kayang maging siya? Napangiti si Ady sa gano'ng ideya.
Agad nagpalakpakan ang mga tao sa loob ng room no. 145, kung kaya't nakipalakpak na rin si Ady. Pero bakas sa mukha ng lahat ang pagkataka sa kung sino ba ang talagang nanalo.
"And the winner in our mini contest will be, Maxelle Delara's Indian Rhythm. I know what you're going to say. You will rant why this piece won, 'e hindi naman arousing, because it's only a jewelried feet. And that's the point.
Listen, Mangakas, this is important. You don't have to strip naked to be sensual. You don't have to do sexual stuffs to be arousing. Sensuality and Arousal are two different things. Sensuality isn't related to Pornography. Just like what I always tell you, we don't promote pornography here.
BINABASA MO ANG
Forgetting Samuel
RomantikThere is no other guy like Samuel Dalton. Siya ang tipo ng lalaking babalik sa sistema mo kapag nasa bingit ka na ng tuluyang pagkalimot sa kaniya. And then there's Adelaide, buong buhay niya ay minamahal niya si Samuel from afar. When she finally g...