Kabanata 20
Pagbabago“Bakit may graze ang left cheek mo?” bulong ni Elias Riego de Dios nang makakuha ito ng pagkakataong kausapin ang dalaga sa kanilang entrance sa grandiose debut ni Maxelle.
Puno ng golden drapes na maayos na nakasabit sa malaking pavilion ng Casa Del Fereiro, kung saan ang venue. Marami ring golden butterflies ang naka-hang at animo’y ginawang ginto ni Midas ang lahat—miski sa mga table setting at sa covers ng upuan.
It was indeed a golden night.
Kalahati ay inimbita ng parents ni Maxelle, at kalahati naman ay friends and members ng Elite Society niya. Wala naman masyadong kaanak si Maxelle dahi only child lamang siya, at only child din ang parents niya. Nasa reception din ang kaniyang lolo at lola sa ina. Habang patay naman na ang kaniyang lolo at lola sa ama.
“Halata ba?” tanong ni Ady sa kabigan matapos niya itong lingunin sandali bago kumlick ang camera.
“You’re good to go.” sambit ng photographer sabay hawi ng kamay nito sa kanila para sa next naman sa pila.
“Nope, not obvious. Kilala ko lang ang mukha mo that’s why I asked.” Elias shrugged and smiled at his date. Inangat niya ang kaniyang kamay at saka inilahad sa dalaga. Malugod iyong tinanggap ni Ady at saka na tuluyang pumasok sa mismong reception.
“What the actual fudge?” mahinang bulong ng dalaga nang makita ang lahat ng pamilyar na mga mukha.
Lahat ng taga-St. Anne na mga bisita ay nakasuot ng bughaw na dress, even the the guys na nakasuot naman ng kulay bughaw na polo sa loob ng kanilang mga coats.
“I told you, but I’s fine…” sagot naman ni Elias at binigyan ng encouraging smile ang dalaga.
“No, it isn’t. Ako lang ang naiiba!” sagot naman ni Ady. Nagsisimula na siyang lamunin ng kaniyang anxiety. Binitawan niya ang kamay ni Elias at saka ay humalukipkip.
“Hindi ka naiiba. Kulay Salmon Orange din ang suot ni Maxelle. It’s fine.”
Hinawakang muli ni Elias ang kamay ni Ady at dapat ay dadalhin na ito sa seat assigned to them pero hindi nagpatangay ang dalaga. Nanatili ito sa kaniyang kinatatayuan na nanlalaki ang mga matang hindi makapaniwala.
“What did you just say?”
“Pareho kayo ni Maxelle ng suot na kulay?” tanong naman ng naguluhang si Elias. Napahilamos na lamang ng kaniyang mukha ang dalaga.
First of all, hindi siya informed na may color coding. She wasn’t informed na kailangan blue ang suot ng mga bisita.
Second of all, she wasn’t informed na magiging Salmon Orange ang outfit ni Maxelle… although, she had the thought dahil sa salmon orange paper na nasa loob ng golden envelope. She thought that was the theme color. Even Hera thought the same.
“Anong problema?” naguguluhan nang tanong ni Elias.
“Everything!” madiing nasambit na lamang ng dalaga, “I wasn’t suppose to wear this color dahil iisipin ni Maxelle sinasabotahe ko ang party niya!”
“Eh, bakit ba kasi ganiyan din ang suot mong kulay kung alam mong ayun pala ang iisipin niya?”
Napasampal na lang si Ady sa kaniyang noo. “Because!”
Napuno ng frustration ang dalaga. Hindi na siya nagsalita pa dahil nagsimula nan tumugtog ang sound system.
“Maxelle?” someone tapped Ady on her right shoulder. Agad lumingon si Ady sa taong iyon na napatitig lamang sa kaniya sa gulat sa realisasyon.
“Adelaide Kale?” tanong nito na tila inaaral ang kaniyang mukha. Kumunot ang noo ni Ady sa may katandaan nang babaing hindi pamilya sa kaniya.
“I’m Geneve Alameda. I’m a friend of your mother.” sambit nito at saka hinila si Ady payakap sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Forgetting Samuel
RomanceThere is no other guy like Samuel Dalton. Siya ang tipo ng lalaking babalik sa sistema mo kapag nasa bingit ka na ng tuluyang pagkalimot sa kaniya. And then there's Adelaide, buong buhay niya ay minamahal niya si Samuel from afar. When she finally g...