Kabanata 29

651 29 0
                                    

Kabanata 29
Klaripikasyon

Hindi alam ni Ady ang gagawin matapos nang hindi inaasahang nangyari. Pero aware siya sa mga kinikilig na audience, bukod sa isang pigura sa hindi kalayuan na nakamasid lamang sa nangyayari sa mini stage ng Mangaka’s Club.

Tanaw niya ang bagsik ng mga mata ni Samuel na naglalagablab habang nakatitig sa kaniya. Ngunit hindi siya nito pinuntahan.

Napaiwas ng tingin ang dalaga. Hindi niya maisip kung bakit nakakaramdam siya ng guilty feeling. Wala na siyang balak pang idagdag kasama sa kaniyang iisipin ang halata namang galit ni Samuel matapos ang pangyayaring iyon sa harap ng maraming tao. Umabot siya ng tissue at patagong binura ang kaniyang lipstick, hoping na kasama sa pagbubura ang halik ng lalaki sa kaniya.

"Adelaide Kale Garduce." bigla ay banggit muli ng lalaki sa kaniyang pangalan.

Agad napabaling kay Jake ang atensyon ni Ady, sabay tago niya sa kaniyang tissue, at saka inosenteng napaangat ng dalawang kilay, "Yes?" mahina niyang tanong.

"Pwede ba kitang ligawan?" buong lakas ng loob na sambit ng lalaki, dahilan upang bigla ay lumipad muli ang tingin ni Ady papunta sa gawi kung nasaan nakatayo si Samuel kanina. Ngunit wala na ang binata doon.

Napakagat siya sa kaniyang ibabang labi.

"Diba, boyfriend na ni Adelaide si Samuel?" bigla ay basag ng isang babae sa katahimikan.

Agad, ang mga nagtitipon doon ay napalingon sa babaing iyon nang may kunot ang noo, "Duh? Matagal na silang break, ano ba? Sa tingin mo papayag si Prez na halikan ang GF niya dito kung sila pa?”

Napakunot ang noo ni Ady nang marinig ang sinabi ng babae. Tila hindi niya maproseso sa kaniyang utak ang narinig. Sila na ang sumasagot sa mga tanong na nasabit sa gilid ng kaniyang utak.

"Just because Prez isn’t here to brand her girlfriend as his, ‘e ibig sabihin no’n break na sila. E, si Prez nga guest ng Kissing Booth mamaya." tugon naman ng isa.

“Ano bang pinaglalaban mo? Obvious namang break na sila?!”

Alam na ni Ady na sa mga salitang iyon ay napabagsak na ang kaniyang bunganga sa kalsadang inaapakan niya. Bakit ba mas maalam pa sa istorya ng buhay niya ang mga taong nasa paligid niyabat hindi naman niya kaanu-ano? And the nerve of them na sa harap niya pa talaga magtalo!

“Enough with that issue! H’wag ni’yong pakialam ang relationship status namin! Maghanap kayo ng inyo!” naisigaw na lamang ni Ady sa ngitngit.

Nagtinginan ang lahat sa kaniya at doon kinonfirm nila na ang huling claim ang totoo. Break na nga si Adelaide at Samuel. At ang defensive mode ni Ady ang nagconfirm nito sa madla.

Napakunot na lamang ng noo ang babae na tumutol at saka napairap ng mga mata nito bago nag-walk out.

"Uhm, Adelaide... I was asking you a question." bigla ay sabat na ni Jake muli sa usapan. Muli rin ay nagtilian ang crowd sa naudlot na panliligaw umano.

Napakamot na lamang si Ady ng kaniyang batok bago dapat ay magsasalita na. Kaso biglang may malakas na speaker na umugong, at saka ang audience ng Mangaka’s Booth kanina ay tumakbo na papunta sa ibang direksyon.

Napahinga na lamang si Adelaide ng malalim, dahil hindi niya rin alam kung paano mam-busted sa harap ng maraming tao. Mabuti na rin sigurong nadistract ng ingay ang mga audiece nila.

"Actually, Jake, I think I got to go. Thanks for buying my drawing!" ngiti agad ni Ady sa lalaki bago nagtatakbo palayo sa kabilang booth upang sundan ang crowd na nagtatakbuhan papunta sa isang partikular na booth, na tila ay may pasabog kung kaya't biglang dinumog.

Forgetting SamuelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon