Kabanata 58

392 11 0
                                    

Kabanata 58
Truth

"I'll make him pay. Samuel, let me handle this all. Ako mismo ang huhuli sa kaniya. Let me handle this."

Bumuntong-hininga si Samuel at tumango sa kaniyang ama. Tinanguan niya si Elias na kausap na ngayon ang dalawang mag-asawang pulis. He left the study room with ache in his heart.

"Samuel, mijo."

Napalingon si Samuel nang tawagin siya ng kaniyang inang si Rowyna at hawakan sa kamay. Napalingon agad si Samuel, at nakita ang luhaang mukha ng tila nabugbog sa pagkakaalam ng pangyayari, na kaniyang ina.

"Ma." paanas na sambit ni Samuel. Hinila siya nito at saka niyakap.

"Samuel, anak..." paalong bulong nito sa binata. Hinagod niya ang likod ni Samuel. Nagsimula na namang ugos ang kaniyang luha. Bawat hagod ni Rowyna, ay tila hagod sa kaniyang sugatang puso.

"Just remember, we can conduct a DNA test to confirm it all. Kung hindi ka man kadugo ng Papa mo... you're always a Dalton by heart, anak." bulong nito na lalong ikinahagulgol ni Samuel.

"I don't care about the name anymore, Ma." he whispered. "All I care is the justice my mother should have received noon pa man."

Napaiyak na lamang rin si Rowyna habang patuloy sa pag-aalo sa kaniyang anak.

***

Halos mag-aalas dose na yata ng hating-gabi nang magdesisyon na si Ady na umuwi hotel room na kinuha niya. Malaki na ang kaniyang tiyan. It was already a month after that incident with Samuel, at hindi na niya muli pang nakita nag binata.

The reason why Ady was in the city again ay binisita niya si Margo at ang Doll House. Bukas naman ang pagbisita niya sa OB-GYN. Ito ang unang prenatal visit ng dalaga, para sa second month ng pagbubuntis niya. Naisipan niyang sa San Juan na magpacheck up dahil syudad ito, at mas maayos ang sistema, kaysa sa probinsiya. Para may dahilan na rin siya upang mabisita si Margo.

Bitbit ang kaniyang handbag at car keys ay lumabas na siya sa Doll House. Kanina pa niya pinauwi si Margo dahil kanina pa naman sila nagsara. Tanging gusto lang ni Ady na nagstay sandali upang marinig niya ang sarili na mag-isip-isip. At magkaroon na rin ng alone time with her studio.

"I'll give you a ride home." she immediately heard a voice talk, eksaktong pagkapadlock niya sa pinto ng Doll House.

Napalingon siya sa gulat nang magpark si Samuel sa labas ng kaniyang studio. Hindi niya inaasahang makikita niya ito dito. Sa nilaki-laki ba naman ng San Juan ay nagkakabanggaan pa rin sila.

"No, thank you, Samuel." pag-iwas agad ni Ady. Trying to brush him off. Nagsimula nang maglakad ang dalaga. Anong oras na rin ito, at gusto na niyang makahiga sa lambot ng kutson ng kaniyang hotel room. "I have my own car."

"Where is he anyway?" Samuel said and immediately went to her, grabbing her on her waist while walking, as if to support her.

Medyo gaanong malaki na ang tyan ni Ady. She was current wearing a maternity dress and a coat to support her from the chilling wind.

"Nasa trabaho. He's a police, Samuel. He can't fetch me whenever he wants to." tila may iritasyon sa boses ni Ady nang sambitin niya iyon. Hindi lang talaga siguro naganda ang anggulo ni Samuel, dahilan kung bakit naiirita siya dito. Or maybe, it's the pregnancy hormones kicking.

"You're pregnant. Can't he at least consider that? Fucking scumbag." he muttered under his breath.

She flinched, hearing the words coming from his mouth.

Kung malaman ba niyang sa kaniya itong dinadala ni Ady, nandito pa rin kaya siya?

Agad na hinawi ni Ady ang kung anu-anong naiisip niya at saka ay huminga ng malalim. "I'm fine, Samuel. Just go home."

Forgetting SamuelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon