Kabanata 53
ApprovalUmuwi mag-isa ng Ignacio ni Adelaide upang kausapin ang kaniyang ina.
Napagdisisyunan nila ni Samuel na umuwi sa kanilang mga pamilya upang ipaliwanag nang masinsinan ang naging desisyon nila. This was the time Ady realized that there really isn’t an easy way to get Samuel. Kahit noon pa naman, naging isang malaking challenge na ito sa kaniya.
Hindi niya lubos maisip kung bakit hindi niya makuha sa mabilisang paraan ang taong tunay niyang mahal. Na tila ba tutol si Zeus sa galing niyang humanap ng taong totoong kabiyak niya.
There was this myth about Zeus and the mortals back in College na tila ay nakaukit na sa isipan ng dalaga. The myth said that originally, ang tao ay may apat na kamay at paa, may dalawang ulo. Dahil sa galit ni Zeus, he punished the mortals and cut them into half.
Habang buhay daw hahanapin ng tao ang kanilang kabiyak… at hinding-hindi mangyayari ‘yon.
Kaya masakit ang break-up. Because, that’s the point when you’ll realize na hindi siya ang tamang kabiyak mo. People are forever condemned. Ang iba namamatay nang hindi nahahanap ang totoong taong para sa kanila.
Adelaide thought, if Samuel wasn’t her right half… pakiramdam niya ay hindi niya makakayanan.
He’s Samuel.
Unang pagmulat pa lamang niya ng kaniyang mga mata sa lalaki, ay pinangarap na niyang mapasakaniya ito.
Napasakaniya.
Nagkaroon ng hiwalayan.
And yet, ang kaluluwa niya ay nakaluhod pa rin kay Samuel.
Na tila ba nahanap na talaga niya ang kaniya, at alam niyang kaniya iyon. Kung kaya’t hindi na siya muling umalis pa.
It was too difficult to forget Samuel. He was carved in each spaces of her skin. She was his alone. At hindi na siya mapupunta pa sa kahit kanino.
“Adelaide!”
Namimilog ang mga mata ni Hera nang bitawan nito ang mop at saka ipinunas ang kamay sa kaniyang suot na pambaba.
“Jusmio, Adelaide.” sambit pa nitong muli bago kumaripas ng takbo patungo sa dalaga.
Inilapag ni Ady ang dalang maleta sa kaniyang gilid at hinintay si Hera na salubungin siya ng yakap nito.
“Kumusta ka na? Napaka tagal mong hindi bumisita!” natutuwa pang sambit ng katulong.
Lumawak ang ngiti ni Ady sa mainit na pagtanggap ni Hera sa kaniya. Iniangat niya ang dalawang kamay at saka binigyan rin ng tugon na yakap ang katulong.
“Namiss ko po kayo.”
“Nako, tara at mag-usap tayo.” sambit ni Hera at saka hinawakan ang kamay ng dalaga matapos niyang bumitaw sa yakap.
“Petra, ipagpatuloy mo ang ginagawa ko.” utos pa ni Hera sa isang katulong na dumaan. “Ta’s iakyat mo sa kuwarto ni Adelaide ang gamit niya.”
Tumango naman si Petra at saka ay inuna nang kuhain ang gamit ni Adelaide upang iakyat sa taas.
Hinila naman ni Hera si Ady patungo sa kitchen.
“Kumain ka na ba?” tanong ni Hera nang magtungo ito sa kakukulo lang rin niyang kape sa electric kittle. Kumuha siya ng dalawang baso at saka inilapag sa harap ni Ady ang para sa kaniya. “Kape?”
“Sige po, Ate.” anas na sambit ni Ady. Tanging ang tango na lamang niya ang naintindihan ng ng katulong sa hina ng kaniyang boses.
“Kumusta ka?” tanong ni Hera nang salinan niya ng kape amg mug ng dalaga.
BINABASA MO ANG
Forgetting Samuel
RomanceThere is no other guy like Samuel Dalton. Siya ang tipo ng lalaking babalik sa sistema mo kapag nasa bingit ka na ng tuluyang pagkalimot sa kaniya. And then there's Adelaide, buong buhay niya ay minamahal niya si Samuel from afar. When she finally g...