Kabanata 50
ConfessionWarning: Mature content ahead! Read at your own risk!
“I have no idea, Tita.” Ady faked a smile as she tried to shrug her shoulders, awkwardly doing so.
All though out, magmula nang magharap-harap sila sa high table pagsimula nang dinner ay si Samuel at siya na ang kanilang topic. Samuel never showed up though, katulad na lamang nang sinabi nito sa sulat kasama ang bouquet.
“I’ll talk to Sam. We’ll fix this, Sophie.”
Napapikit na lamang si Ady nang marinig ang pang-aalong boses ni Rowyna Dalton sa kaniyang kumare. Hindi na naman dapat pa tutuloy si Ady sa Golf Course nang mga Climaco nang mismo ay sinundo siya ng bagong driver ng kaniyang ina. Wala na siyang nagawa kundi ang magtungo doon kahit na sinabi na ni Samuel na huwag.
The wedding idea was too surreal for her, dahilan marahil kung bakit nabawi agad sa kaniya—hanggang pangarap na lamang.
“Samuel won’t show up.” Stephen pulled the other chair near Ady and sat beside her. “We had a deal. That bastard never lose a deal.”
Agad kumunot ang noo ni Ady sa ibinulong sa kaniya ni Stephen at saka ito sinamaan ng tingin.
“What do you mean?” she asked, with full bitterness in her mouth.
“It’s not for you to find out. It’s a Dalton thing, anyway—you’ll never be one.”
Ipinihit ni Ady sa kabilang direksyon ang kaniyang ulo dahil sa linya ni Stephen na nakaiinsulto. Nahagip pa ng kaniyang tingin ang ngisi nitong tila sa demonyo bago siya makalingon sa kabila.
Natapos ang buong dinner nang nakasulasok ang mukha ni Ady. She was too far away from San Juan. Mukhang sa mga magulang pa niya siya mamamahinga ngayong gabi dahil ito ang pinaka malapit. Isa pa’t wala naman siyang dalang kotse dahil sinundo lamang siya. Most likely ay pauwiin siya ng mga ito sa Ignacio.
Hinila ni Ady ang kaniyang sarili patayo sa isa sa mga bangko sa high table. Nagtungo agad sa kaniya si Rowyna Dalton upang ibeso siya at saka ay binulungan, “I’ll talk Samuel into this.”
Napakurap na lamang si Ady ng ilang beses at saka ay bahagyang ngumiti sa matanda, kahit na alam naman na niya sa loob niyang malabo iyong mangyari—lalo pa’t ipipilit nila ito sa kaniya. Lalo lamang iyong aayawan ni Samuel.
Bakit ba kasi kailangan pang i-arranged marriage silang dalawa? Ngayon ay lalo na lamang kumukulo ang sikmura ng dalaga kapag iniisip niya iyon. O, bakit ba ayaw ni Samuel na sundin na lamang ang utos ng kaniyang ina?
Gano’n ba kahirap maikasal sa taong hindi niya gusto?
Maybe, he can never love her the way she does.
“Hija, Sophie, Jon. Take care.” Rowyna pulled Sophia Garduce into a hug, shook Jon’s hand, and hugged Ady too.
Stephen smirked at Ady, his devilish eyes saying something silently. Hindi iyon gusto ni Ady. Good thing though that Caligula isn’t around. Kundi, ay issue na naman ito sa kaniyang asawa.
Seth was all quiet the whole dinner though. He’s quite immersed in his own world. Noong nagpaalaman lamang ay at saka siya tumango ng bahagya kay Ady at nagpaalam sa mag-asawang Garduce.
Simon didn’t show up as well. Maybe the kid’s too busy for events like this, that he didn’t bother accepting the invitation. And since, napakalayo ng interes niya sa center topic nitong dinner ay hindi na rin siya pinilit ng ina na sumama pa.
“Seth.” pagtawag ni Adelaide sa binata nang mawala na sa paligid si Stephen. She seized this opportunity to find out more about what Stephen was talking about earlier.
BINABASA MO ANG
Forgetting Samuel
RomanceThere is no other guy like Samuel Dalton. Siya ang tipo ng lalaking babalik sa sistema mo kapag nasa bingit ka na ng tuluyang pagkalimot sa kaniya. And then there's Adelaide, buong buhay niya ay minamahal niya si Samuel from afar. When she finally g...