Kabanata 36
DuwagMatamlay ang enerhiya ni Adelaide nang buong linggo matapos ang break up nila ni Samuel.
Miski nang pagbaba niya galing sa kuwarto upang kumain ng almusal, isang umaga ng kanilang Charity Event sa Malabon, Agoncillo. Matagal pa nga bago siya napabangon ni Hera sa kaniyang higaan, sumuko ito at saka ay bumaba na, pero naalimpungatan na naman si Ady noong sinukuan siya nito.
Ilang beses niyang sinabing mamaya na, kahit na wide awake na siya; naniningkit na ang mata, hindi dahil sa pagkaantok, kundi dahil sa matinding sikat ng araw na naramdaman niya sa pagbukas ni Hera sa kaniyang kurtina.
She's never felt this kind of depression before, as if there's a magic making her weak and sick. Samuel is that magic-Samuel, his words, and his actions that's acting like a spell on her.
"Maupo ka na, Miss Ady." yaya ni Hera noong makita nang nakatayo si Ady sa unang palapag ng hagdan.
Napahinga ng malalim si Ady at saka bahagyang tumango sa katulong.
Humakbang na sa flooring ang dalaga. May malalakas na kabog sa kaniyang dibdib sa bawat paghakbang niya patungo sa kanilang dining area.
Ilang beses niyang ipinagdasal na sana'y nauna na si Samuel sa kaniya, dahil hindi niya yata kakayaning makita ito ngayong umaga.
Hindi na nasanay pa ang dalaga. Hindi na niya nakikita pang umaaligid ang binata sa kanilang bahay matapos nilang maghiwalay. Para bang umalis na ito, o sadyang nakakulong lamang sa kaniyang kuwarto... o, kaya naman ay laging nasa labas. Tila ba sinadya ni Samuel na huwag na silang muling magkita o magkabanggaan pa sa hallways.
"Si Samuel po?" hindi rin naman niya napigilang hindi magtanong nang makitang walang nakaupo sa dining table, at isang plato lang ang nakahain.
"Kanina pa ho lumabas si Sir." sagot agad ni Hera kay Ady. Ngumiti ito ng tipid sa dalaga. Alam niya ang nangyari, dahil naikuwento na ito ni Ady noong gabi ng kanilang hiwalay. Walang magawa ang dalaga kung hindi umiyak nang umiyak habang yakap ni Hera.
Pumasok nang kusina si Mang Dom bitbit ang isang baso ng kape.
Agad nangunot ang noo ni Ady nang makita ang kanilanh driver, dahil sa pagkalito. Kung nandito pa si Mang Dom, malamang ay hindi pa umaalis si Samuel. Pero bakit ang sinabi ni Hera ay kanina pa lumabas ang binata? Posible kayang napaka agang umalis ni Samuel kaya nakabalik na si Mang Dom?
"Kinuha niya ang susi kay Mang Dom." pahabol ni Hera na tila ba ay nabasa niya ang mga iniisip ni Ady sa pagkakita kay Mang Dom.
"Ah." tipid na lamang na nasabi ni Ady sa katulong tapos ay nagtungo na siya papunta sa dining table upang kainin ang inihanda sa kaniya.
Hindi nakatakas sa mga tainga ni Hera ang lungkot sa boses ng amo. Pero wala siyang magawa para aluin ito.
Hindi alam ni Ady kung bakit may katiting na lungkot siyang nararamdaman sa pag-iwan sa kaniya ni Samuel ngayong umaga. Akala niya'y nasagad na iyon sa pag-iwan sa kaniya ni Samuel, at dapat ay pigang-piga na siya ngayon. Wala na namang iba doon dahil hindi maganda ang naging break up nilang dalawa. Ni hindi niya pa rin maintindihan ang sanhi ng paghihiwalay nila. Kung totoong natakot ba talaga ito dahil sa inanunsyo ng kaniyang ina.
Marriage is indeed a big thing. Ang actual na haba ng relasyon nila ni Samuel ay wala pang isang buwan, dahil nasayang ang isang buwan noon sa hindi nila pagkakaunawaan ng binata.
Napaisip tuloy siya kung sakaling hindi iyon nababanggit noong araw na iyon. Ngayon kaya, magkahawak pa rin sila ng kamay?
Maybe.
BINABASA MO ANG
Forgetting Samuel
Roman d'amourThere is no other guy like Samuel Dalton. Siya ang tipo ng lalaking babalik sa sistema mo kapag nasa bingit ka na ng tuluyang pagkalimot sa kaniya. And then there's Adelaide, buong buhay niya ay minamahal niya si Samuel from afar. When she finally g...