Kabanata 7

996 43 0
                                    

Kabanata 7
Desidido

Nilapag ni Nana Sela ang coaster ng kupitang may lamang tsaa sa tiled floor na edge ng pool.

Kanina pa nakababad sa tubig si Ady at lumalangoy, pero ngayon ay nakaahon na ito at nakalublob na lamang ang nga paa sa surface ng tubig.

"Penny for your thoughts, hija?" ani Nana Sela sabay patong ng tuwalya sa balikat ng dalaga. Madilim na rin kasi at baka sipunin pa ito.

Agad kumurap si Ady at saka napangiti ng bahagya sa kaniyang Nana. She always say the exact words sa tuwing nakikita niyang malalim ang iniisip ng Nana Sela. Ngayon ay ibinabalik naman ito ng matanda sa kaniya.

"Hindi lang po ako makapaniwala, Nana." ani Ady at saka napakibit-balikat.

Naupo sa lupa ang matanda at saka pinagmasadan ang dalaga. Hinintay niya itong magsalita pa, ngunit hindi na nadagdagan ni Ady ang mga sinabi niya. Napalingon na lamang siya sa buwan.

"Tungkol pa rin ba ito sa Tata Mio mo?" tanong ng matanda at saka tipid na ngumiti, "Naiintindihan naman niya iyon. At saka, tama na rin iyon nang makasama niya si Idang sa bahay sa Malabon."

"Si Idang na anak ninyo po?" there's this sudden spark in Adelaide's eyes when she recognized the name.

Ngumiti ng malaki si Nana Sela at bahagyang tumango bago kinuha muli ang tsaa at saka inoffer kay Ady.

"Oo, hija. Nako, naalala mo nong bata-bata ka pa, lagi kong dinadala si Ate Idang mo dito para makapaglaro kayo?"

Ngumiti ng malaki si Ady at saka paulit-ulit na tumango, "Opo, Nana. Kumusta na ho siya? Bakit hindi na po dumadalaw dito si Ate Idang?"

"Eh, may inaasikaso na sa bahay ang Ate Idang mo." sagot ng matanda, "May anak na siyang inaaruga. Tapos trabaho pa."

Tumango agad si Ady at ipinakitang naiintindihan niya ang sitwasyon. Tinanggap niya mula kay Nana Sela ang kupita ngunit hindi muna niya iyon ininom. Dinama niya muna ang init nito dahil sa malakas na ihip ng hangin.

"Namimiss ni'yo po ba ang Tata?" seryosong tanong ni Ady sa matanda.

Ngumiti ng tipid si Nana Sela at bahagyang tumango, "Siyempre naman, hija. Pero, mas mabuti na rin iyong nangyari. Kumusta pala si Sir Samuel? Nakapag-usap na ba kayo?"

Agad namilog ang mga mata ni Ady sa biglaang tanong ng matanda at saka pinamulahan sa mukha. Pakiramdam niya ay nahulog siya sa patibong sa biglang paglabas ng pangalan ni Samuel sa bibig ng matanda. She was distracted with what happened earlier at pilit niyang inaalis iyon sa kaniyang utak. Ngayon ay nabuhay na naman ito sa kaniyang isipan at pakiramdam niya'y iniimbistigahan na siya.

"Okay naman po, Nana." mabilis niyang sagot at agad na inangat ang kamay na may hawak ng kupita ng tsaa at saka inisanlagok.

"Aw!" ngawa ni Ady at saka napabitaw sa kupita dahil napaso ang kaniyang dila at gilagid.

"Nako, bata ka, hinay-hinay kasi at kakukulo lang." sambit agad ni Nana Sela at saka nagmamadaling tumayo upang kumuha ng tissue.

Tumayo rin si yakap-yakap na ang tuwalya sa kaniyang Ady at saka nanakbo patungo sa loob ng bahay sa kusina, upang kumuha ng malamig na tubig. Pakiramdam niya ay nagbabalat ang loob ng bibig niya dahil sa pagkapaso.

***

"You'll look good naked on a bath tub full of bubbles. You should stare at me with desire, para madrawing ko iyong sensual art work ko." paliwanag ni Samuel sa babae habang nagpupuno ito ng tubig sa kaniyang bath tub.

Napangiwi naman si Adelaide sa utos ni Samuel sa kaniya bago ito nagdisisyong maupo sa tuyong tiled floor ng CR.

"Seryoso na ba talaga ito? Wala na bang iba?"

Forgetting SamuelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon