Kabanata 17

714 37 0
                                    

Kabanata 17
Bati

Really?”

Daiah snatched the golden envelop from Adelaide’s grasp. She couldn’t believe na ang isang mapangmataas na Maxelle Delara ay yayayain ang isang katulad ni Adelaide sa engrandeng 18th birthday nito. Based sa history ni Maxelle at Daiah, this just wouldn’t click. Maxelle wouldn’t invite a person na hindi naman belong sa circle niya. There is something going on.

“You were invited… and not me? Despite her persistence na isama ako sa circle niya?”

The smile on Ady’s face was suddenly wiped away. Ngayong inilatag na ni Daiah sa mukha niya ang mga salitang pilit niyang iniiwasan simula nang makita niya ang  pagtatakang nakapinta sa mukha ng dalaga ay alam na niyang may mali.

It was suspicious enough.

“Maybe I was invited dahil boyfriend ko si Elias?”

Daiah took in the answer and nodded, “Right. Of course.” aniya at saka ay nagsimula nang buksan ang transparent square-shaped tupperware niya na may lamang salad. She started to fork some of the sliced cucumbers. “You want some?”

Napangiti si Ady at saka agad na kumuha ng ilang slice ng cucumbers pati na rin ng red baby tomatoes.

“Kailan ka ba kakain ng proper food? Puro kay diet.” ani Ady habang isine-set aside ang tomatoes at cucumbers na kinuha niya sa container ni Daiah. Ady’s food is a couple of bacon stipes and veggies side dish. Isang cup ng kanin lang ang hiningi niya kay Nana Sela and she’s good to go.

“I can’t risk my figure para lang sa masasarap na food. You know my case, mabilis kaming tumaba. As much as I want pasta dishes.”

Napabuntong-hininga na lamang si Ady at hindi na humirit pa sa kaibigan. Ipinagpatuloy na rin niya ang pagkain niya.

“Ady,” Daiah started again, she hesitatingly dropped her fork and reached out for Ady’s arm.

“Why?” gulat na tanong ni Ady, nang tinignan niya ang kaibigan at sinalubong siya ng remorse sa mukha nito. “What happened to you?”

Bumuntong-hininga si Daiah, “I just can’t still believe na kayo na ni Elias. You know my history with him.” sambit nito saka hinaplos ang braso ni Ady, “I hated him because of what he did to me... tapos ikaw...” she clammed her mouth shut and shook her head. “Why? I just can’t understand why.”

Pakiramdam ni Ady ay ipinako siya ni Daiah sa krus. Pakiramdam niya ay napaka makasalanan niya. Mali ang magpanggap para lang makuha niya ang gusto niya. Isa pa’t, hindi lang siya nagsisinungaling sa buong school. Nagsisinungaling rin siya kay Samuel para makuha niya ito. Nagsisinungaling rin siya sa kaniyang kaibigan, at nasasaktan na niya ito. Nagsisinungaling rin siya sa sarili niya, to think na ginagawa niya ito para lang makuha si Samuel o mapalapit sa kaniya. Kahit na alam naman niya ang magiging outcome. She’s becoming too desperate after that barker-raining incident.

Masyado siyang nauuhaw sa atensiyon ni Samuel even when she doesn’t deserve to have it.

It just doesn’t make sense at all. Bakit ba kailangang si Elias pa? Can’t she just confess to Samuel despite the assumed rejection, para matapos na ang lahat ng ito? Para mamatay na rin ang feelings niya kay Samuel at tuluyan na niya itong makalimutan?

After all, even with Samuel near with her. So near, na nakatira na ito sa kaniya bahay, ay wala pa rin namang progression sa relationship nila. Isa lamang ang ibig noong sabihin. They aren’t just meant for each other. Hindi siya kahit kailan naging kay Samuel. Doing this only strengthens the fact na ipinagsisiksikan niya lamang ang sarili niya sa taong hindi naman siya gusto.

Forgetting SamuelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon