Kabanata 48

337 10 0
                                    

Kabanata 48
Ex

Adelaide drank as many shots as she can possibly drink until she can’t think straight anymore.

“Hey, hinay-hinay, Ady! You’re drinking too much, Dios mio.” anang Gigi nang kumagat ito sa second set ng Nachos na inilapag ng waiter.

Ngumisi si Tina sa kaibigan at saka napailing, “Ady, for what it’s worth, the alcohol will only keep you honest tonight, so don’t drink too much.”

Agad ibinaba ni Ady ang shot na hawak nang marealize niya ang punto ng kaibigan. Pinunasan niya ang kaniyang bibig at binigyan ng makahulugang tingin ang kaniyang kaibigan.

“I don’t need to be honest, dahil wala akong tinatago. But I will consider your claim, dahil gusto kong makauwi ng matiwasay.” sambit naman ni Ady at saka ibinaba ang kaniyang baso, “Happy?” dagdag pa nito at nag-angat ng isang kilay kay Tina.

Kumunot ang noo ni Gigi, “Why don’t I have any idea about your topic?” Nilingon niya si Tina at binigyan ng kaniyang perplexed look, “What do you mean?”

Tumayo si Margo matapos ang isang shot sa alak. Puno ng unknown determination ang mukha nito, ngunit bago pa siya makapagsalita ay tumayo na agad si Simon.

“I’ll wait for Kuya Samuel outside.” sambit ng binata at saka binigyan ng isang tingin si Margo bago nagsimula nang umalis noong tanguan ito nila Gigi.

“Ikaw?” tanong naman ni Tina kay Margo na tila nanigas sa kinatatayuan nito. “Uuwi ka na ba?”

Pinamulahan ng kaniyang mukha ang dalaga at agad na umiling, “Mag-c-cr lang po ako.” sambit nito at saka ay nagmadali nang umalis patungo sa comfort room.

Napakunot si Tina sa reaksyon ni Margo, “Anyare do’n, Adz? Parang balisa.”

Tumawa si Gigi sa word na ginamit ni Tina at saka ito malokong hinampas sa braso. “Tina!” aniya sabay muling tumawa.

Ngumiwi si Tina sa kaniyang kaibigan, “Bakit totoo naman, a?” sambit nito sabay himas sa brasong tinamaan ni Gigi, “At saka, G, ang sakit no’n, ha!”

Napailing na lamang si Ady sa dalawang kaibigan bago tinanaw ang papalayo nang pigura ni Margo.

Bumuntong-hininga si Ady at saka tumayo, “Okay, sundan ko lang para kausapin.” desisyon naman ni Ady at saka ay tumayo na mula sa kaniyang pagkakaupo sa booth. Tumango sila Gigi at Tina sa dalaga.

Ihinilamos ni Ady ang kaniyang dalawang paalad sa mukha. Hindi niya ikakailang umiikot na ang paningin niya, especially sa maya’t mayang pagtama ng strobelights sa kaniyang mukha. Nakailan rin kasi siyang shot ng alak.

Pinuno ni Ady ng hangin ang kaniyang baga at saka ito ibinuga palabas gamit ang kaniyang bibig. Tumitibok na ang kaniyang sentido sa sakit ng ulong nararamdaman niya.

Hindi lamang kasi niya alam kung paano haharapin si Samuel ngayon matapos ang nangyari sa Serpentine Drive, lalo na sa presensiya pa ng kaniyang mga kaibigan sila magkikita.

Tanging panghuhugutan ng kompiyansang naiisip niya ay alak. Tutal, proven and tested na. Alak at alak ang binabalikan ng tao, kapag down na down na ito. But of course, it has its own disadvantage.

Unang-una na doon ang katotohanang some of alcohol takers can’t remember exctly what they are doing. Lalo na kung hindi mo kayang I-handle ang pagconsume mo ng alak.

Tumigil si Ady sa harap ng tatlong pinto. Umiikot na ang paningin niya habang tinititigan ang bawat signs. Nagtungo siya sa pulang sign knowing na pambabae iyon. Pinihit ng dalaga ang pinto at saka pumasok sa loob.

Forgetting SamuelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon