1st chapter

6K 150 18
                                    

New mayward fan here

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

New mayward fan here...so I'm addicted to them and decided to make some stories inspired by ours truly...
Hope you like it guys

● ● ●

Grade 9...inabutan na kasi kami ng K12 curriculum kaya heto ilang years ko pa makikita ang school namin. Sabi nila high-school life daw ang most memorable part ng teenage life,  masaya, puro adventure...Sana nga. Last two years ng buhay estudyante ko, ok lang naman. Wag ko lang makakasalamuha ang grupo nila Hershey. Hindi sa ayaw ko sa kanila,sila ang may ayaw sa akin. Hindi ko alam kung bakit mabigat dugo sa akin ng mga yon, inggit ba sila sakin? At ano naman kaya yon, bukod sa skinny ako, morena, matangkad at hindi kagandahan, yon ba? Isa lang ang alam ko, siguro dahil lagi akong nasa top 1 sa klase namin which is classmates ko din ang grupo nila. At palagi kong kalaban sa pwesto si Hershey yun nga lang mas nalalamangan ko siya. Maganda siya, yon lang ang alam ko. Yung barkada niyang sina Kara, Tracey at Bella pareho pareho lang sila. Masyadong mahangin at bully. Hay first day na naman, ano na naman kaya ang haharapin kong pang bu-bully.

Pagpasok ko sa room, konti pa lang ang mga estudyante, kilala ko na sila halos lahat dahil sila sila parin ang naging roommate ko. Naupo ako sa pinaka sulok dahil ayaw kong nagiging center of attention. Maya maya pa nagdatingan na halos ng mga classmates ko, first day kaya maingay daldalan at walang sawang kwentuhan tungkol sa kakatapos lang na bakasyon. Tumingin ako sa bintana, tanaw mula dito ang basketball court. Marami paring nasa labas ng room, kwentuhan as usual. Pagtingin ko sa katabi ko, medyo nagulat pa ako, hindi ko siya kilala, new transfer malamang at halatang may lahi.  Mestizo,  matangkad siguro kahit nakaupo, ang ilong bes ang tangos, at yung labi, maganda pa sa labi ko. Bigla siyang lumingon sa gawi ko at nag smile naman siya kaya nag smile na din ako. Shaks mga beks super duper sa gwapo. Kamukha niya si crush...Enrique Gil....0__0 nanlaki mga mata kong dati ng malaki. Kinilabatutan ako, gosh I kenat. Hindi ako makakapag concentrate nito mga beks.

At pumasok na ang aming new adviser. First day kaya uubusin namin ang oras sa "introduce yourself " ilang years ko na ba yong na gagawa.
At walang kamatayang botohan ng class officers at sangkaterbang rules na lagi namang na ba-violate.

"Morning class", bati ni Mrs. Resureccion.

"Morning ma'am ", chorus kami. Pwede na sa choir.

"So lahat naman kayo kilala na ako halos di ba, I'm Mrs. Resureccion, new advicer niyo, and of course dahil first day...may mga bago tayong student kaya all of you introduce yourself", sabi nito at naupo na habang nakaharap sa amin.

At isa isa nang nagpakilala ang dati kong mga classmates. Halos sinasabayan ko pa yung iba dahil iyon lang din ang sinasabi nila every first day of the school year. Pero napansin ko, marami pala kaming new classmates.

in timeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon