5th chapter

1.9K 128 8
                                    

faking a smile is easier
than explaining

● ● ●

Comfort room. Doon ko binuhos lahat ng galit ko. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa mapagod ako. Narinig ko ang pagtawag sa akin ng mga kaibigan ko pero hindi ako lumabas. Ayaw kong makipag usap sa ngayon  kahit kanino. Si Bella, si Kara, si Hershey at si Edward...sila lahat ang may gawa nito.  Ito ang gusto nila, ang mapahiya ako sa buong school. Nang wala na akong mailuha, nilinis ko ang sarili ko, pero hindi na mawala ang mantsa ng dugong bumuhos sa akin,sa muka sa damit sa balat...pati sa kalooban ko nagmantsa ito. Kuyom ang mga palad kong lumabas ako ng comfort room. Tuloy tuloy ako kahit pinipigilan ako ng mga kaibigan ko. Huminto ako sa tapat ng venue, muli kong pinagmasdan ang lugar kung saan panandalian akong naging masaya at nagbigay sa akin ng masakit na alaala na alam kong dadalin ko buong buhay ko. Nakatingin silang lahat sa akin. Hinanap ko ang grupo nila Hershey,  nakangiti parin sila...ngiting tagumpay sa ginawa nila sa akin. Si Edward...nakatitig lamang siya. Galit ako...galit na galit. Isa isa kong itinatak sa isip ko ang mukha nilang apat....darating ang panahon. Ibinigay ko sa kanila ang isang sulyap ng taong puno ng galit. Naramdaman ko nalang na hinihila na ako ng mga kaibigan ko. ..kabilang sina Marco, Yong, Christian at Alfred. Walang nagsasalita, alam nilang katahimikan ang kailangan ko ng mga oras na iyon hanggang sa makarating kami sa tinitirhan ko.

"Salamat sa inyo...wag kayong mag alala ok lang ako", huling salita ko.

"May are you sure", si Viv.

"We can sleep here if you want, you need us I know", si Kisses.

"I'm ok, don't worry, get back to the prom", sabi ko.

"No way, after what happened,.baka makasakal lang ako ng tao", sabi ni Viv.

"Calm down, everything will be ok", sabi ni Marco.

"Marydale, if your really ok,can you give us a smile", sabi ni Christian.

"Dito nalang kami tatambay May", sabi ni Yong.

"Ano ba kayo, ok lang ako. I'm used to it so don't worry", Alfred ikaw na bahala sa mga friends ko ha", sabi ko.

"You want me to stay...", si Alfred.

"No, ok lang ako, just bring them home safe...don't worry about me guys...I'm ok",

"Ok if you say so...I'll call when I get home ha", si Viv.

"Me too", si Kisses.

"Thanks guys...I love you all", sabi ko. Niyakap ko silang lahat kahit madumi ako. Mahigpit din ang ginanti nilang yakap sa akin at doon naramdaman ko na may karamay akong mga tunay na kaibigan.

● ● ●

There's nothing change. Ito parin ang school na nagbigay sa akin ng napakaraming alaala. Ngayon ibang henerasyon ng mga estudyante ang nakikita ko. Sana walang matulad sa akin.

"Good morning ma'am Dale", bati ng receptionist.

"Good morning", I greeted back.

"Good morning ma'am beautiful ", bati ng guard.

"Ikaw talaga manong, pinapaganda mo lalo umaga ko...good morning din po",

"Morning ma'am. ..fax from Mr. Wong, e-mail from Mr. Mata", sabi ng secretary ko.

"Thanks Anne...by the way what's for me today", I asked my schedule.

"9:00 am meeting with the board
2:00 pm meeting with our new client
6:00 pm dinner with other CEO at the Manila hotel ",

"Ok thanks Anne",

Naupo ako sa table ko at binasa ang pangalan ko na nakaukit sa wood craft..."MARYDALE ENTRATA CEO"...bunga ng pagsisikap ko...I am now the CEO of this company "the MDE Corp"...all ends well.

I was scrolling at my laptop, then I saw a post that catches my attention.
"Lourdes Academy Grand Reunion batch 2003"...for more info just email us at lourdesAC@gmail.com."

Loudes Academy...how can I forget you? It's been nine years...after that incident hindi na ako muli pang nagpakita sa school na iyon. I moved out and went to other school to finish my studies. Gladly all of the teachers agreed on my decision. They made me a recomdation para mas mabilis akong matanggap sa ibang school. They knew what happened and suspended Hershey and her friends for about 2 weeks.

"May open it...please talk to us..si Vivoree to.

"May please, it's me Kisses. Marco, Yong and Christian was here also. Please open the door",

"Marydale si Marco to..I know we're not that close but believe me we care for you..

"Marydale don't do anything ...don't even try to hurt yourself...si Christian

"May...usap tayo bai. Buksan mo na tong pinto May. Sige na...si Yong.

Nasa isang sulok ako at umiiyak. Habang tinitingnan ko ang katawan ko na puro dugo, lalo akong naiiyak. Gusto ko lang maging masaya kahit ngayon lang pero bakit ganito pa nangyari sa akin. Ano ba nagawa ko para mangyari sa akin to..bakit nila nagawa sa akin to????
Halos kalahating oras ako sa loob ng comfort room ng school namin. Gusto ko munang mapag isa, mapakalma ang sarili ko sa kakaiyak. Lahat ng pang bu-bully nila, pinapalamapas ko nalang pero sobra na. Yung pagdidikit nila ng papel sa likod ko na kung ano ano ang nakasulat,pagtisod habang naglalakad ako, habang may dalang tray ng pagkain, pagbuhos sa damit ko ng kung ano ano, pagtawag sa akin ng kung ano anong pet name. ..lahat yon kinaya ko. Pero ito, hindi ko na kaya..sobrang kahihiyan na ang inabot ko.

Alam kong matagal nag intay ang mga kaibigan ko sa labas ng cr kaya napagpasyahan kong lumabas na. Pero ayaw ko munang magsalita ng kahit ano. Hindi ko alam ang sasabihin ko, puno ng galit ang dibdib ko. Katahimikan ang gusto ko ng sandali ng yon. Nakasunod lamang sila sa akin, wala ring gustong magsalita ang kahit isa sa kanila.

"Gosssh look at her...she's stinky"
"Ewww yuckk"
"Garbage"
"What is she still doing here"
"Get the hell out of here"

Lahat ng iyon...lahat ng salitang binitiwan nila, itinanim ko sa isip ko. Balang araw babalik sa inyo ang mga sinabi niyo.
Naramdaman ko nalang na tumutulo na pala ang luha ko sa pagbabalik ng mga masasakit na alaala.

"Ma'am. ..ma'am? ", si Anne. Nasa harap ko na pala siya.

"Oh yes...Anne I'm sorry what is it?", I get myself back.

"Ma'am need na po kayo sa meeting...malalim po yata iniisip niyo?",

"Ha hindi, may iniisip lang ako...Sige I'll be there in a minute",

"Ok ma'am",

All those things from the past still hunting me. I am not wounded but it leaves scars deep within my soul. And those scars will remain till I die.

Happy reading...hope you'll follow my stories

in timeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon