May's povPagmulat ng mga mata ko, nasa isang abandonadong building na ako.
Bakit nandito ako?
Si Hershey ?
Siya lang naman ang alam kong pwedeng gumawa nito...
"Hello there again May!"; nakangising bati niya sa akin at may hawak itong baril.
"Hindi ka na ba talaga titigil Hershey. Ano pa ba ang gusto mo? Hindi mo ba maintindihan , hindi ka mahal ni Edward. Pwede ba, tigilan mo na ang kakahabol sa kanya", pasigaw na sabi ko.
"Sorry my dear. If he doesn't love me, its fine. But you know what, to be fair. If I can't have him, you can't have him either", sabi ni Hershey habang pinapaikot ikot sa daliri nito ang baril na dala niya.
"Pakawalan mo na ako Hershey, hindi ka ba napapagod sa ginagawa mo. Hindi ka ba natatakot?", sigaw ko.
"Hinde...", paasik na sagot nito, kaya manahimik ka. Dahil walang magagawa yang kakasigaw mo. Mapapagod ka lang. Walang makakatulong sayo dito, walang makakarinig sayo kahit ano ang gawin mo. Alam mo kung bakit? Dahil lahat ng tao sa paligid nito, hindi pwedeng magsumbong. Dahil makakalaban nila ako", sagot nito.
"Darating si Edward alam ko. At tutulungan niya akong makawala sa hayop na katulad mo", sabay dura ko sa mukha niya, at nagulat ako sa ginawa niya. Hinampas niya sa muka ko ang baril na hawak niya, dahilan para pumutok ang labi ko.
"Hayop ka Hershey! Hayop ka!", galit na galit na sabi ko.
"I know right. And I will let you taste how bad I am", nakangising sabi nito. May kinuha ito sa bandang likuran ko. Pero hindi ko makita dahil nakatali ako.
Nang biglang "Agghhhhh, aghhhhh ", malakas na sigaw ko. Doon ko lang napagtanto na latigo ang kinuha nito sabay hampas sa akin. Ilang beses niya itong inulit ulit hanggang sa halos wala na akong maisigaw. Hindi ko na alam kung ilang hampas ng latigo ang inabot ko, pero sa nakikita ko sa braso at binti ko na halos dumudugo na, alam ko, sobra sobra ang inabot ko.
Sing tindi ng galit ko ang pait ng luhang umaagos sa pisngi ko.
Bakit ba lagi nalang akong nasasaktan? Bakit ba lagi nalang may hadlang para maging masaya ako? Bakit may mga katulad ni Hershey na walang kasing sama?
"Hershey! ", tawag ng isang Lalaki habang papalapit sa amin.
"Leandero? Anong ginagawa mo dito?", tanong ni Hershey na halatang nagulat sa pagdating nito.
"Hayop ka, ngayon ko lang natuklasan ang lahat. Ginagamit mo ang pera ko pambayad sa mga alipores mo, ginagamit mo din ang position ko para magawa mo ang mga gusto mo. Akala ko iba ka Hershey ", galit na galit na sabi nito.
"Oh well...since alam mo na. Ano naman ang gagawin mo?", tanong ni Hershey.
"Ngayon pa lang, pinuputol ko na kung ano man ang meron tayo...
BINABASA MO ANG
in time
FanfictionHanggang saan ang kaya mong ibigay para lang sa taong mahal mo... Kaya mo bang ibigay ang sarili mo kapalit ng mahal mo... O kaya mo bang mawala ang taong mahal mo kapalit ay ang kaligtasan niya... Lalaban ka ba o susuko ka nalang ? Cover ctto : na...