21st chapter

1.5K 117 12
                                    

Edward's POV

"Sana pag gising mo, ok na tayo. Yung hindi mo na ako susungitan. Hay ewan ko ba...bakit ba mahal na mahal kita. Kaso ikaw, hindi mo naman ako gusto"

"Ang manhid mo naman. Di mo pa ba nahahalata, na inaasar lang kita para mapansin mo ko. Kaso, sa halip na lumapit ang loob mo sakin, lalo lang lumalayo. Ano pa ba pwede kong gawin? "

Para na akong tanga dahil kinakausap ko sarili ko. Sana naririnig niya ako.

Past 9 am na...late na kami para sa challenge. Late na kasi kami nakatulog pareho. Sure ako na talo na kami. Pero ok lang, panalo na ako kasi kasama ko siya. Mas worth naman siya kaysa prize na makukuha namin.

"May, gusto ko malaman mo na, hindi ako kasama nina Hershey na nag plano para mapahiya ka. Hindi ko yon alam at kung alam ko, pinigilan ko siya. Una akong nasaktan sa nangyari sayo, pero hindi ako makalapit para damayan ka. May kasunduan kasi kami, na titigilan ka niya pag sumama ako sa kanila. Pero hindi siya tumupad sa pangako niya.
"I'm sorry May. Hindi ko gustong masaktan ka at mawala sa akin. Mahal kita noon pa. Nung una kitang makita na umiiyak sa loob ng classroom.
"Sana dumating yung time na...mahalin mo rin ako",

Unti unting nagmulat ng mga mata si May. Nakaramdam ako ng kaba, parang tanga lang.  Bakit naman ako kakabahan. Tulog siya kanina kay sigurado ako na wala siyang narinig. Wala naman siguro....di ba?

Gustuhin ko mang lumayo, hindi pwede, naka unan kasi siya sa mga braso ko, kahit manhid na manhid na, tiniis ko. Mahal ko eh💕

"Totoo ba lahat ng sinabi mo?", tanong niya.

Napatakip tuloy ako ng muka. Bakit ba ngayon pa ako nahihiya?

"So?", sabi niya.

"If I say yes, it's true. Would you believe?", hay Edward. Magpaka totoo ka nga...Sabi ko sa sarili ko.

"Of course...........no. I'm old enough para maniwala sa mga sinasabi mo", sabi nito. Akmang babangon ito pero pinigilan ko.

"May", mahinang sabi ko habang yakap yakap ko siya.

"Alam ko galit ka sa akin dahil sa nangyari dati pero believe me, I'm  not part of it. And I won't allow them to hurt you. I'm sorry if they did. I'm sorry if I wasn't there to comfort you", mahinang sabi ko sa kanya. Tahimik lang siya at nakikinig sa mga sinasabi ko.

"May...please say something", sabi ko. Hinawakan ko siya sa muka para humarap sa akin.

"Kung totoo ang mga sinabi mo...eh bakit lagi mo akong binu-bwiset.....Sabi niya saka ako pinag kukurot, pero napansin ko, nakangiti siya. Is it a sign na may feelings din siya para sa akin.

"Wala lang...Sabi ko nga para mapansin mo ako. Effective ba?", nakangiting tanong ko. Ito na siguro ang pinaka masayang umaga sa buong buhay ko.

"Oo na", sagot niya.

"Mahal kita May. May pag asa ba ako sa puso mo?", tanong ko. Pwede kasing mahal niya din ako pero may doubt pa siya at yun akong kailangang mawala.

"Let's see", sagot nito sabay kibit balikat.

"Let's see? Meaning may pag asa ako?", nanunuksong tanong ko.

"I don't know. I won't say yes but I won't say no. Time will tell", sagot niya.

"Buhay pa ba ako ng mga time na yon?", sabi ko na kina kunot nang noo niya.

"Ano?", tanong niya.

"Kasi sa sobrang tamis ng pagmamahal ko sayo...baka ma diabetes na ako. Ikamatay ko",,pabirong sagot.

Tumawa siya sa biro ko "Ang cheesy mo Edward.  Tara na late na tayo. Matatalo tayo niyan eh",

"Hayaan mo na sila. Winner na ako kasi kasama kita", sabay hila ko muli sa kanya para mahiga sa tabi ko.

"Ayaw mong pumunta ng Hong Kong...free everything?", she was teasing me with the prize that we can get if we win.

"Ok...let's go", sabi ko. Mas ganado na akong lumaban, dahil kasama ko siya. Dalawa na ang ipinag lalaban ko ngayon. Yung prize at higit sa lahat si May.

Magka hawak kamay kami habang ipinag papatuloy ang paglalakad. Hindi ko nararamdaman ang pagod, kung pwede nga lang, hindi na matapos ang paglalakbay naming dalawa.

I look up at the sky....and say my little prayer.

"Thank you...for this moment. Hope it won't last. And help me to win her heart",

"Anong tinitingnan mo?", takang tanong niya.

"Nothing. Let's go",

A/N : hay pag ibig nga naman. Hahamakin ang lahat, kahit gabundok na lakaran....ano daw?

In love din si otor....

Keep reading guys. ..

in timeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon