Chapter 14-Higop Man

2.8K 111 12
                                    

[Jerish POV]

Nagulat ako ng gumalaw sya at dumikit ang labi nya sa bibig ko.

Shet!!Bakit hindi ko sya maitulak?Hindi pwede to!!Pero nanghihina ako sa halik nya!

Ang lambot ng labi nya!Parang nasa cloud nine ako!!

Pinikit ko na lang ang mata ko at tinanggap ang halik na binigay nya.Gumalaw ang labi nya at sa di ko malaman ay kusang gumalaw rin ang labi ko.

Kapos na kapos ako sa hangin ng pinakawalan nya ang labi ko,hindi pa ako nakakakuha ng hangin ay hinatak ulit nya ako at hinalikan.

Bakit ba ang hilig nito sa halik?Di na nga ako magrereklamo!Gusto ko rin naman eh.Hehehe!!

At mga ilang segundo ay binitawan nya ulit ang labi ko.

Pinagdikit nya ang noo namin.Sobrang lapit ng mukha namin.

Shet!Kinikilig na ba ako?

“Nakakaadik ang labi mo."binigyan nya ulit ako ng isang mabilisang halik bago ako pinakawalan.Pinaandar nya yung kotse habang nakangiti.

Ako?Tulala!!Di ko alam kung anong gagawin ko.Gusto kong magtititili sa sobrang kilig!!Shet!!!!Emerghed!!

Shet!Wala na ang first kiss ko!!Shocks!!

Nakarating kami sa mansyon ng matiwasay.Pero yung mga laman loob ko,nagwawala.Lalo na si Little Heart.

Nakangiti pa rin sya which is kakaiba kay Zero.Hindi sya usual na ngumingiti.Samantalang ako,mukha akong pinagsakluban ng langit at ng lupa!

Parang gusto kong magkape para malaman kung gising ba talaga ako o hindi.Hindi ko sure kung nangyari ba talaga iyon.Kasi pakshet talaga!Yung f-first kiss ko!!Huhuhuhu!

Dumiretso ako sa kusina.Feeling ko natuyo ang lalamunan ko!Pati yata laway ko,hinigop nun eh!

Sheteng asungot kasi yun eh!!Higop man.Hinihigop ang labi ko!!Uwaah!!

Paano ako makakatulog nyan?!

*NIGHT*

“Oh?Kanina pa kayo nakauwi?"tanong ni Storm na kakapasok lang sa kusina.Nagluluto kasi ako ng dinner.

“Uhm.Yep!"

Uminom ako ng tubig.

“Nasaan si Zero?"bigla kong nabuga ang iniinom ko.Pakshet naman!Sa dami rami ng oras na sabihij yun,habang umiinom pa ako?

“Uy anong nangyari sayo?"agad na tanong ni Storm.

Shete!!Ipaalala pa kasi!!

“Uhm wala lang.Nasaan ba yung mga pinsan mo?"pag-iiba ko ng tanong.

“Ah nasa sala sila.Pagod na pagod kami sa pinagawa ni G.Pops."

Biglang kumunot ang noo ko.Umupo sya sa upuan kaya humarap ako sa kanya.

“Ano bang pinagawa sa inyo ni G.Pops at napagod kayo ng ganyan?"tanong ko.

“Ah yun ba?Wala lang yun.Akyat na ako.Tulog na ako.Kayo na lang ni Zero kumain.Bye na!"umakyat na sya at iniwan ako sa kusina.

Dumating naman si Zero na nakangisi.

“Oh?Anong nginingisi mo dyan?"tanong ko habang nilalagay ko yung mga ulam at kanin sa lamesa.

“Wala lang."umupo sya at kumain na.

“Ano nga kasi?"pangungulit ko.

“Gusto mong malaman?"

“Oo nga!!"

“Yung kanina sa kots-"

“WAAAH!!WALA AKONG NARIRINIG!"tinakpan ko yung tenga ko at tumakbo paakyat.Narinig ko yung tawa ni Zero mula sa baba.

Kyaah!!Nakakahiya!!!

Pashnea ka talaga,Zero Smith!!I hate you to death.

A/N:Pasensya na po dahil ma-SPG ang chapter na to!Malandi lang talaga si Zero!Nanghihigop!!Hahahaha!!Mamaya mahigop rin kayo ni Zero!!Haha!

Living with these Five Hot Jerks [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon