[Jerish POV]
"Oh kanina pa yang ganyang mukha mo ah!Mukha kang pinagsakluban ng langit at ng lupa."
Kung alam lang niya na nakatira ako sa ilalim ng lupa kasama ang mga demonyo na yun!
"Just shut up,Lexi."umiling na lang sya at umalis.Alam naman niya na hindi ako makakausap ng matino kapag galit ako at baka madamay pa siya.
Kung alam lang niya kung sino ang mukhang mga lupa na may dahilan ng mood ko ngayon.
Kanina pa ganito ang mood ko simula ng makasalubong ko ang mga asungot na unggoy na yun.Nakakabwiset kasi eh!Hindi ko alam kung bakit pero kumukulo ang dugo ko kapag nakikita ko sila.
"Andito ba si Eris?"bigla akong napatingin sa pinto ng marinig ko ang Eris,wala namang Eris ang pangalan rito sa room namin,at base sa boses kilala ko na kung sino ang tumatawag ng ganun at iisa lang unggoy ang tumatawag sakin ng ganun.
SI REX SMITH!!
"Eris?Who is that,Baby Rex?"malanding sabi nung isa naming babaeng kaklase ko.
Siya ang kaklase naming madalas magreklamo na binabastos daw siya.Pero ang pananamit niya naman ay kabastos-bastos.Paano ba naman!Pinaigsian niya ang hanggang tuhod naming palda sa hanggang kalahati ng legs niya na palda.Sana nagpanty na lang siya para maganda!!
Atsaka kailan pa naging baby ang mukhang T-rex na antukin na yan?!
"Hahaha!Girls wait lang ah."nilibot nya ang mata nya at nagkasalubong ang mga mata namin.Biglang ngumisi ang loko at naglakad papuntang upuan ko.
Mukhang nakakaramdam ako ng masamang mangyayari ah!At alam kong dala ni Rex Smith ang bad vibes na yun.
"Hi Eris!!"bati nya sakin.Makabati parang close kami.Psh!May pa- ‘Hi Eris' pang nalalaman.
Ano namang sinadya ng maitim na budhi na ito?
"Well,hello.Why you're here?"masungit na tanong ko.
"So si Jerish pala yun?"
"OMG!!Mamamatay na yata ako!!"
"Si Jerish?Paanong naging Eris ang name nya?"Napatingin ako sa huling nagsalita.
Ako rin eh.Di ko alam kung bakit naging Eris ang name ko.Iniisip ko kung pinalaki ba ng maayos ng mga magulang nila ang magpipinsan na ito pati makabisado ang simpleng pangalan ay di magawa!
Iyan ang sinasabi ko kaya ayaw kong makitang nag-uusap kami ng mga Smith.Nakakainis lang na ang mga atensyon ay nakatutok sakin.Well,gusto ko naman yun kung sikat ako sa pagiging super ganda.Okay lang.De charot lang.Pero kung dahil sa mga asungot na unggoy na mga Smith.No thanks.Nakakasira ng ganda.Psh!
"Gusto lang kitang ayain lumabas,pag-uwian."nakangiti pa yan ng sinabi nya na lalong nakapag-painit ng ulo ko.Nambwi-bwiset ba to?
Ayain?Ako gusto ko silang ayain!Ayain papuntang hell!
"Di ba sinabi ko na tigilan nyo ako kapag nasa school tayo?"mahina pero pagalit kong bulong.Lintek to eh.Nampapahamak.
"Sorry,Eris.Pero utos samin to ng 'napaka-bait' naming pinsan.May kasalanan pa kami dun kaya wala kaming magagawa.Pasensya na."hinalikan muna nya ako sa cheeks bago umalis.Natulala naman ako sa ginawa ng T-Rex na yun.
Pakshet!Hinalikan ba ako nun sa pisngi?!
Loading.....
Loading......
Loading.....
INFORMATION ACCEPTED!!
"REX SMITH!WHAT THE HELL?!"
Napatingin naman sakin ang mga kaklase ko.Yung iba ang sama ng tingin sakin at yung iba nakatingin sakin na parang nang-aasar.Aba't walang-hiya talaga yung lalaking yun.
"Hi Girls."biglang sumulpot at lumapit sa table ko sila Calyx,Kaizer at Storm.
Jusko!Di pa nga ako maka-get over sa ginawa nung isang Smith,dinagdagan pa ng tatlo.Anak ng tokwa naman oh!
"Oh?Bakit kayo nandito?Baka may balak rin kayong ayain ako?May kasalanan rin kayo kay Zero?"nakangiwi kong tanong.
"Yup.Gala tayo pag-uwian na.See you."hinalikan nila ako isa-isa sa pisngi at umalis.
WHAT THE HELL?!
Jusko!Naghalo-halo na ang laway ng mga Smith sa pisngi ko.Yuck!Kadiri naman oh!!Anak ni Majin Buu!Mahal ko pa po ang buhay ko!Baka may rabies ang mga lalaking iyon.
Kung ang iba,gusto ng halik nila.Ibahin nila ako!!Feeling ko nasusuka ako kapag naiisip ko na hahalikan nila ako sa pisngi!Ganun ang galit ko sa kanila!
Lintek na nga Smith na to!!Talagang pinlano pa ng magaling nilang Leader ah!Iyong leader nila na si Barney Zero!Letse kang Zero Smith ka!Papatayin kita pag nagpakita ka sakin.Sasaksakin talaga kita!
"I HATE YOU MGA SMITH!GO TO HELL!!"
[Zero Smith POV]
"Mission accomplished na Zero."
"Good."
"Ano kaya ang reaction ni Ish?"tanong ni Kaizer.
"Paniguradong nanggagalaiti na yun sa galit."sabi naman ni Rex.
“Basta wala tayo diyan.Si Zero ang dahilan ng lahat."sumang-ayon naman ang iba kong pinsan.
Bakit kaya hindi namin silipin ang babaeng yun?Paniguradong galit na galit na yun.Pero huwag na rin at baka akalain ng war-freak na yun na ini-istalk namin sya.Asa pa sya.
Bagay lang sa kanya yung ginawa namin.Kinalaban nya ang mga Smith kaya yan ang kabayaran nya.Tch!
Nagtitimpi lang talaga ako na gumanti sa babaeng yun!Lagi na lang galit samin!Palag pang nakasimangot!Akala mo buong mundo galit sa kanya!Hindi ko nga alam kung pinaglihi ba siya sa sama ng loob.
Sumandal na lang ako sa upuan ko.Patuloy lang na nag-usap ang mga pinsan ko.Nakikinig na lang ako sa mga pinagsasabi nila na walang kwenta.
Buti nga at may kasalanan pa tong mga pinsan ko sakin at natupad ang plano kong bwisetin ang war-freak na yun.
"Hindi ba masyado naman yung plano mo Zero?"tanong ni Storm.Kung hindi lang talagang mabait tong ugok na to,iisipin ko na may gusto ito dun kay War-freak.
And that girl never reach our standards that's why I'm sure that none of my cousins like that war-freak.Maski kuko nga nun di kagusto gusto!
"Bakit ba masyado kang concern kay Rish?May crush ka dun no?"Calyx asked.
"Aba,baka bago mo pa mahawakan ang kamay nun eh nasa sementeryo ka na.Bwahaha!"asar ni Kaizer.
"G*go.Unahin kaya kitang ilibing sa sementeryo."
Nag-earphone na lang ako dahil ang ingay ng mga pinsan ko.Nasanay na naman ako.Tch!Minsan nakakasawa na rin ang ingay nila at lalo na kapag sumigaw pa yung war freak na yun.Parang nakalunok ng microphone o kaya ng speaker sa lakas ng boses!
BINABASA MO ANG
Living with these Five Hot Jerks [Book 1]
Teen Fiction[Book 1 of Living Trilogy] Living with them is like living in hell.Hell with a fvcking hot jerks. ~~~~~~~ Started:May 14, 2017 Ended:December 07, 2017