Chapter 20-Selos

2.7K 102 6
                                    

[Jerish POV]

“Apo,pwede bang mamalangke ka muna ng mga karne?Pupuntahan ko pa si Manang Ising para makuha ko na yung mga gulay na ipansasahog ko sa lulutuin sa tanghalian."

Mukhang balak ni Lola na magpapiyesta dahil andito ang mga asungot.Kasi kung kami kami lang,hindi halos gumagamit ng karne si Lola dahil puro gulay ang kinakain namin.Malamang probinsya to eh.

“Naku!Mabigat iyon,Lola.Sasamahan na lang po muna kita bago ako pumunta sa bayan."matanda na si Lola kaya dapat di na sya gumagawa ng mabibigat na bagay.Eh kahit anong pagsasabi ko,makulit si Lola.Di papipigil.

“Kami na lang sasama!"napatingin ako kanila Rex.Himala!Bumabait yata ang mga asungot?Simula ng dumating kami rito,mukhang anghel na ang mga ito ah?

“Anong naisipan nyo at nagmarunong kayo?"

“Wala lang.Hehe!Pumunta na kayo ng palengke ni Zero.Sama mo na yang panget naming pinsan."sabi ni Calyx at nagtawanan ang magpipinsan.Minura lang sila ni Zero.Kaya napailing na lang ako.

~~~~~~~~

“Saan tayo sasakay?"tanong ni Niaaway.Kanina pa to tanong ng tanong.Naghihintay kasi kami ng tricycle.Wala masyadong dumadaan na tricycle dito kasi liblib na itong lugar namin.Na-flat yung gulong ng van kaya no choice kundi mag tricycle.Di nga namin napansin na flat yung gulong eh.Kanina lang.

“Pwede ba manahimik ka na lang?Hawakan mo nga itong bayong!"binato ko sa kanya yung bayong at patuloy na naghintay.

“KUYA DRIVER!!"sigaw ko dun sa dumaan na tricycle.Huminto naman iyon at bumalik sa pwesto namin.

Tumingin ako sa driver.

Wait.....Namumukhaan ko tong taong to!!

“Ding?"
“Je?"

“WAAH!Ikaw nga!!"tili ko sabay yakap sa kanya na bumaba rin sa tricycle.

“Na-miss kita ah!"ginulo nya yung buhok ko pagkatapos ng yakapan moments namin.

“Syempre ma-mi-miss mo ang kakulitan at kagandahan ko.Pang dyosa eh!"sabay flip ng buhok.Itong best friend kong to eh!

“Hoy!Baka gusto nyong tigilan yang paglalandian?"

“Sino yang gwapings na yan?"lintek!Akala ko straight na tong baklang best friend ko.Talagang mapapaisip kang lalaki siya kasi naka-sando sya at tricycle driver pa.Macho rin itong baklang to eh.

Kababata ko kasi itong si Ding.Simula bata pa lang kami,make up na ang hawak nyan o kaya lagi kaming naglalaro ng lutu-lutuan.Bakla na yata ito since birth!

Pero hindi mo mahahalata na bakla sya kasi ang macho nya at ang gwapo.Kaya kung naging straight lang tong si Ding baka matagal ko na siyang boyfriend.Hahahaha!

“Ay naku!Kalandian mo Ding."

“Selos na si Koya!Hahaha!"

“Huh?!"kumunot ang noo ko sa sinabi nya.

“WALA!Pumasok ka na at ihahatid ko na kayo!"pumasok na ako sa tricycle at umandar na iyon.Napansin kong naka-kunot noo si Niaaway.

“Bakit ganyan mukha mo?"tanong ko.

“Ano?!"aba ang sungit naman nito.Nagtatanong lang naman

“Mukha kang constipated."

“Lintek!Constipated talag-FVCK!!"bigla syang napahawak sa ulo nya.Tumama yung ulo nya sa taas ng tricycle.Tangkad kasi tapos lubak lubak pa ang daanan.Hahahaha!

“Niaaway sya!"

“HOY!AYUSIN MO NGA PAGMAMANEHO MO!KANINA PA AKO NABWI-BWISET SAYO AH!!"sigaw nya kay Ding.Tumawa na lang si Ding.Anong kanina pa nabwi-bwiset si Zero?

“Anong kanina pa nabwi-bwiset?"tanong ko kay Zero.

“BASTA!!"sigaw lang sinagot nya sakin.Magaling talaga!!

“Selos sya!"rinig kong sabi ni Ding na narinig ko.

Selos?Sino?Kanino?

Living with these Five Hot Jerks [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon