Chapter 31-Revealed

2.5K 100 7
                                    

[Jerish POV]

“Tara uwi na tayo!"aya ni Zero sakin.Uwian na namin at magkikita na dapat kami ni Katkat.Pero paano itong si Zero?

“Di ka ba sasabay sa mga pinsan mo?"

“Hindi."

“May kasama kasi ako mag-ma-mall ngayon."napataas ang kilay ko ng biglang dumilim at nalukot ang mukha nya.Nagsalubong rin yung kilay nya.Anong nangyari sa niaaway na to?

“Lalaki?!"pasigaw nyang tanong kaya yung mga estudyanteng dumadaan ay napapatingin samin.

Kaysa mainis o magalit ay napangiti na lang ako.

Nagseselos ba sya?

“Hindi ah!Babae kasama ko.Bakit ganyan mukha mo?Parang pinagsakluban ka ng langit at lupa."natatawa ako sa mukha nya.

“Ah ganun ba?Sige umuwi ka agad ng maaga."ngumiti na sya at sumakay na sya sa kotse nya.Saktong nakita ko si Katkat na naglalakad sa hallway.

“KATKAT!!"sigaw ko para makuha ang atensyon nya.Tumingin sya sakin at ngumiti.

“Tara!Mall na tayo!"

Dumiretso na kami agad sa mall.

“Saan na tayo?"tanong ko.Naglilibot kasi rito sa mall.Napansin kong ang tahimik pa rin ni Katkat.Naiilang pa ba sya sakin?

“Naiilang ka pa ba sakin?"tanong ko.Tumingin sya sakin at yumuko.

“Naiilang ka pa nga.Wag ka ng mailang sakin."inaya ko sya sa isang fast food chain.Chinika ko sya ng chinika kaya hindi na sya ngayon naiilang sakin.Masaya rin pala syang kasama.Kalog din sya.Di lang halata dahil mas pinipili nyang itago ang tunay nyang sarili.Natutuwa nga ako na naipalabas ko ang tunay na Katarina Leano.

Actually,nakikita ko na si Katkat noon pa man sa campus.Lagi syang binu-bully ng mga bitch doon.Wala rin akong magawa dahil ayokong mag-feeling bayani dahil baka madamay lang ako.

“Paano mo naging close ang mga Smith?"tanong ni Katkat na nakapagpatigil sakin.

Paano na ito?!Maski si Lexi ay di ko napapagsabihan ng koneksyon ko sa mga Smith.

“Di ko close ang mga Smith."maikli kong sagot.Kapag kasi pinahaba ko pa ay baka magtanong sya ng magtanong.

“Narinig ko kasi sa mga kaklase ko na close na close daw kayo ng mga Smith.Kanina nga daw ay katabi mo si Zero Smith sa room niyo at nag-uusap kayo na parang normal.Kinausap mo si Zero Smith na sobrang cold at napaka-tahimik."

Bakit ko pa ba ililihim?Nalaman na naman ng buong klase namin ang koneksyon ko sa mga Smith especially kay Zero.

“Jerish?"napatingin ako kay Katkat at huminga ng malalim.Umaasa ako na hindi nya ikalat sa iba ang malalaman nya.

“Nakatira ako kasama ang mga Smith sa iisang bahay!"bigla syang napahinto at nanlaki ang mata.

“What?!Kasama mo sa isang bahay ang mga Sm-"tinakpan ko yung bibig nya at dinala sya sa hindi mataong lugar.Binitawan ko na rin ang bibig nya.

“Wag kang masyadong maingay.Mamaya may makarinig sayo."

“Pero seryoso talaga?!"tumango ako bilang sagot.

“Paano?Kailan?"

“Simula noong high school ako ay sa probinsya ako nag-aaral tapos kinuha ako ng lolo nila para pag-aralin rito sa Maynila.Sa mansyon ng mga Smith ako nakatira dahil wala akong titirhan rito.Ayoko namang sabihin na hihiwalay pa ako ng tirahan.Marami na natulong ang mga Smith sakin.Ayoko ring ipaalam sa iba na magkakasama kami dahil iba ang maiisip ng iba dahil iisa lang akong babae tapos kasama ko ay mga lalaki."mahabang paliwanag ko.Gusto kong linawin sa kanya bawat detalye dahil baka mamaya,iba ang maisip nya.

“Wow!!As in wow!!Grabe talaga!!"kita kong manghang mangha sya.Kakaiba ba talaga na kasama mo ang mga Smith sa iisang bubong?

“I never thought na ganyan pala ang pamumuhay mo.Kasama mo lagi ang mga Smith.Ano pakiramdam nun?"

“Uhm....masaya?"

“Grabe!!Close mo talaga ang mga Smith!!"tuwang tuwa na sabi ni Katkat.

“Wag mong sasabihin kahit kanino ah!Ayokong gawing main topic ng chismis ng buong campus."

“Sure,sure!!Di lang talaga ako makapaniwala."nag-shopping ulit kami.

Napangiti na lang ako.May tao rin palang kayang intindihin ang mga sikreto at problema ko.

Living with these Five Hot Jerks [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon