[Katkat POV]
Tinignan ko si Jerish na tulala na naman.
Pinatira ko muna sya rito sa bahay ko dahil alam kong di sya tutuloy sa mansion ng mga Smith.
Ilang araw na rin ang nakalipas mula ng malaman nya ang lahat at mula nun ay tulala na sya at di kumakain.
I'll admit that I knew everything.Everything about the incident involving Jerish's parents,Mikee,and Zero.Ayokong sakin manggaling ang lahat.Mula noong araw pa na pumasok sya rito ay sinusundan ko na si Jerish.Alam kong pinsan sya ni Mikee which is my best friend.
“Jerish,kumain ka muna."nilapit ko yung kutsarang may lugaw sa bibig nya pero umiwas sya.
“Ayoko."cold nyang sabi.
“Jerish.Nangangayayat ka na oh!"
Tinabig nya ang lugaw na nasa tray na dahilan kung bakit nahulog ito.
“Ayoko nga sabi!!!Pwede ba umalis ka muna?!"
Huminga muna ako ng malalim bago lumabas.
Simula nung pinatuloy ko sya ay ganyan na sya.Wala syang kinakausap.Wala ni isa man lang samin.Maski si Lexi.Pinupuntahan sya ni Zero dito pero pinaalis na namin sya.
Alam naming nasasaktan sya pero hindi ito ang dahilan ng ikakabagsak nya.Oo,masakit pero kailangan nyang lumaban.
“Hindi pa rin ba sya lumalabas ng kwarto?"tanong ni Lexi.Dinadalaw dalaw nya si Jerish dito.Hindi na rin muna ako pumapasok ng university at baka may gawin si Jerish na ikakasama nya.
“Hindi pa eh."malungkot kong sagot.
“Bakit kasi si Jerish pa ang pinagbuntunan ng mundo ng mga problema?Matapang si Jerish pero ibang Jerish ang nakikita ko ngayon.Wala na yung masaya at palabang Jerish na kilala natin."
Tumango ako sa sinabi nya.
*kriiingg*
Tumutunog ang phone ni Jerish kaya pumasok ulit ako ng kwarto para iabot ito sa kanya.
[Jerish POV]
“Jerish,may tumatawag sayo."
Nanatili lang akong nakatulala.
Wala akong sa mood makipag-usap.Andito pa yung sakit.Sobrang sakit pa.
“Jerish,baka emergency yang tawag sayo.Kausapin mo na."nanatiling tulala ako.Iniwan nya ang phone sa dulo ng kama at umalis na.
Napadako ang tingin ko sa phone na kanina pa tumutunog.Naiirita na ako sa tunog kaya kinuha ko ito pero aksidente kong napindot ang answer button.
[Thank God.You finally answered my calls.]
Si Hazel pala.Unknown number ito pero nagulat ako ng alam nya ang number ko.
“Anong kailangan mo?"
[Uhm....sorry Jerish sa lahat ng nagawa ko.Pero I really need you right now...]
Napansin kong humihikbi sya sa kabilang linya.Anong kadramahan ito?
“Tell me what you need.Wala akong panahon sa kadra-"
[Alam kong mali ito pero kailangan mo itong malaman.Si Zero kasi....nag-suicide sya.]
Nagulat ako sa sinabi nya.Unti-unting pumapasok sa utak ko ang mga sinabi nya.Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
“W-what happened....O-okay lang ba sya?"biglang nanginig ang kamay ko.
[He's fine right now.Naagapan agad kaya di malala.He overdosed his self.I-i don't know what to do.Takot na takot na ako.Sorry for telling you,Jerish.]
“N-nasaan sya?"nanginginig na ang buong katawan ko.Di ko alam ang gagawin ko pero isa lang ang iniisip ko,kailangan kong puntahan si Zero.
[Smith Hospital.Room 905]
Pinatay ko na ang tawag at agad akong lumabas at sumakay ng kotse.Di ko pinansin ang tawag nila Katkat.
Habang nagda-drive ako ay patuloy na lumuluha ako at naginginig ang mga kamay kong nakahawak sa manibela.
Alam kong kasalanan ko kung bakit nagkaganun si Zero.Kasalanan kong lahat.Ayokong may mawala na namang taong mahal ko.Ayokong bumalik na naman ang sakit ng iniwan ako.Ayoko na.
I never wanted him to die.I just want time for him and for me to move on.I don't want him to lose his life just for me.
Binilisan ko lalo ang pagmamaneho.
Agad akong pumunta sa sinabing room ni Hazel.Naabutan kong nakaupo si Zero sa kama.Nakatulala rin katulad ko ng panahong malungkot ako.
Lumabas si Hazel para makapag-usap kami.
“Bakit mo ginawa yun?!Tanga ka ba?!"
Ngumiti sya sakin.
“Oo,ang tanga ko.Ang tanga ko dahil sinaktan kita!Ang tanga ko dahil wala akong kwenta.So ano pang dahilan para mabuhay pa ako?"
Lalo akong napahagulgol sa sinabi nya.
“Nandyan ang mga taong nagmamahal sayo,mga pinsan mo,si G.Pops,mga kaibigan mo.So bakit mo kikitilin ang buhay mo?!"napapaiyak na ako sa galit sa ginawa nya sa sarili nya.
“Bakit?Di ka ba isa sa nagmamahal sakin?"napatulala ako sa kanya dahil sa sinabi nya.
Hindi nga ba?
“Hindi.Uulitin ko ang tanong ko sayo.May tayo ba?"
Akmang aalis na ako ng hawakan nya ang kamay ko.
“Stay with me.Please,Jerish......Doon ko lang maituturing na mahalaga ang buhay ko kapag nasa tabi kita.Pinagsisisihan ko ang lahat ng ginawa ko noon sa magulang mo at kay Mikee.But please stay with me."
“No..."
“I have to bet my life just to have you.Choose me and I will not do this anymore."
Muntikan na nyang patayin ang sarili nya so kaya nyang tuluyan ang sarili nya sa susunod.I'm scared that he'll end his life because of me.
BINABASA MO ANG
Living with these Five Hot Jerks [Book 1]
Novela Juvenil[Book 1 of Living Trilogy] Living with them is like living in hell.Hell with a fvcking hot jerks. ~~~~~~~ Started:May 14, 2017 Ended:December 07, 2017