[Jerish POV]
Ngayon naglalakad kami sa hallway ng school.Kasama ko ang mga Smith.
Si Zero kanina pa dikit ng dikit sakin na parang linta.Yung mga walanghiya naman nyang mga pinsan ay inaasar pa kami.
Nakakailang yung mga tingin samin ng ibang estudyante.Actually,ganyan na yung tingin nila samin kanina pa.Simula nung pumasok kami kaninang umaga.
“Omo!Girlfriend ba sya ni Prince Zero?"
“Oo daw.Narinig ko na nahuli sila ng professor na malapit ng maghalikan!"
“Buti naman si Prince Calyx ang idol ko."
“Sakin si Prince Kaizer!!"
“Sakin naman si Prince Rex.Walang aangal."
“Nasaan si Prince Storm?Bakit di nila kasama?"Napatingin ako sa nagsalita noong huli.Si Storm na di kasama sa mga Smith.
Gustong kong pagbatiin sila kaso baka magsimula lang na mag-away kami ni Zero.
Biglang tumunog yung phone ni Zero kaya lahat kami ay napatingin sa kanya.Tinignan nya yung tumawag sa kanya.Nang makita nya yung caller id ng tumatawag sa kanya ay agad syang tumingin sakin.
“What?"tanong ko.Yung tingin nya kasi eh.
“Nothing.Sasagutin ko lang itong tawag."lumayo samin si Zero na parang may sikreto sya o sinisikreto nya yung pag-uusapan nila nung tumawag sa kanya.
“Sino kaya yung tumawag sa kanya?"tanong ni Kaizer na kumakain ng chichirya.
“Baka si G.Pops."Calyx.
“Oh baka si Storm?"Rex.
“Sira ulo ka ba?Magkaaway nga yung dalawa diba?"Kaizer.
Naalala ko na naman si Storm.Nagulo yung relasyon nilang dalawang magpinsan.
“Eris okay ka lang?"napatingin ako kay Rex at ngumiti.
“Okay lang ako."
“Iwan ko na kayo.May pupuntahan lang ako.Samahan nyong kumain yang si Jeje ng lunch.Pakainin nyo ng marami.Eto pera oh!Huwag nyong palapitin yan sa kahit sinong lalaki o kaya magalusan yan.Makita nyo!Mukha nyo ang gagalusan ko!!"mahabang sabi ni Zero na may halong pagbabanta pagkatapos nyang sagutin yung tawag.Nag-abot sya ng pera sa kanyang mga pinsan bago kami iniwan.
Over-protective naman yung Niaaway na yun!!Shet!Kinikilig na naman ako!!
Iniwan na nya kami sa malapit sa fountain.May mga bench dito kaya umupo na kami.
“Nasaan na kaya yung si Storm?Di ko na nakikita yun ah!"napatingin ako kay Rex ng magsalita siya.
Bumalik na naman yung lungkot ko.Lungkot ko para sa magpinsan.
“Bakit ka malungkot,Rish?"tanong ni Calyx habang tutok na tutok sa paglalaro aa phone nya.
Puro phone ang inaatupag.Psh!
“Nami-miss ko lang na magkakasama kayo nila Storm.Di nyo ba nami-miss yung lalaking yun?"
“Syempre,nami-miss rin namin yun.Wala kaming magagawa dahil mas lalong mag-aaway yung dalawang ugok na yun kapag pinilit naming tumira si Storm sa mansyon."Kaizer.
“Choice nya na yun.Mas pinipili na lang nyang lumayo sa away."Calyx.
“Na-mi-miss nyo ako?"nagulat ako ng biglang sumulpot si Storm sa harap namin.
“Lintek!!"sabay sabay na sigaw ng magpipinsan.Halata sa mukha nila na gulat na gulat sila.Ako naman tinatawanan ko lang yung mga mukha nila!Hahahaha!
“G*go ka Storm!!Na-game over na tuloy itong nilalaro ko!!"Calyx.
“Muntik ng lumabas yung puso ko sa gulat!"Rex.
“Gagyou,Storm!!Gagyou!!"Kaizer.Pinagbabato ng magpipinsan si Storm ng kung anong madampot nila.Natawa na lang ako sa mga inasal nila.
“Nahatid mo ba kahapon si Katkat sa bahay nila?"tanong ko kay Storn at agad na nagsitigilan ang magpipinsan sa pagbato ng kung ano-ano kay Storm.
“Girlfriend mo yung Katkat?"Calyx.
“Parang KitKat na chocolate yung name nun ah!"Kaizer.
“Himala nagka-girlfriend ka na agad.Parang noong isang araw lang nabalitaan ko na may bago kang girlfriend ah!"Rex.“No way!!I have standards!"
Agad na nagdilim ang mukha ko sa pinagsasabi nila.
Kaibigan ko yung tao tapos sasabihin nilng harapan sakin na kasi di abot ng standards nila si Katkat.Hindi nga sya kagandahan pero kapag naayusan naman sya,maganda sya.Matalino pa.
Kesa naman sa mga bitch dyan sa tabi tabi na wala na ngang utak,peke pa ang mukha.Parang basahan yung mukha at mukha silang clown.
“Parang sinasabi nyo na low-class si Katkat ah!"
Napatingin sakin ang magpipinsan.Napansin nila na ang sama ng tingin ko sa kanila.
“H-hindi ah..."
“Di kaya..."
“Hindi naman ganun ang ibig sabihin namin..."
“Di lang pumapasa sa taste namin ang mga nerd!!"agad kong nabato kay Storm ang una kong nadampot.
Sira ulo ba sya?!Di pumapasa sa taste nila ang isang nerd?!Aba!!Ginagalit nila talaga ako!!
Agad silang nagtakbuhan palayo.
Pinapapainit lang nila ang ulo ko.Psh!!
BINABASA MO ANG
Living with these Five Hot Jerks [Book 1]
Teen Fiction[Book 1 of Living Trilogy] Living with them is like living in hell.Hell with a fvcking hot jerks. ~~~~~~~ Started:May 14, 2017 Ended:December 07, 2017