[G.Pops POV]
Nalulungkot ako dahil napakatahimik na ng mansyon ngayon simula ng umalis si Jerish.
Alam kong alam na nya lahat kaya ngayon ay wala sya rito.Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat pero si Zero dapat ang magsabi ng lahat.Wala ako sa posisyon na sabihin sa kanya iyon.
Bakit nga ba napunta sa amin si Jerish?May kamag-anak naman sya pero bakit nasa amin sya?Sasagutin ko ang mga tanong nyo.
[Flashback]
Simula noong bata pa si Jerish ay napapansin ko na ang kakulitan nya at lagi nyang kalaro ang mga apo ko.Ang lola kasi ni Jerish ay sinasama siya rito sa mansyon.
“Mga bata,pumasok na kayo rito."tawag ng anak ko,ang nanay ni Rex.
Lumipas ang ilang taon at hindi na nagtrabaho ang lola ni Jerish dito sa mansyon kaya hindi na nakakalaro ng mga apo ko si Jerish.
“G.Pops,hindi pa ba pupunta rito si Jerish?Ganitong mga araw na sya di pumupunta rito!"pinakita nya ang kanyang dalawang kamay.Ibig sabihin ay mga sampung araw na daw na hindi pumupunta si Jerish.Itong si Kaizer,ang kulit.
15 years old na ang mga apo ko at namumulat na sila sa mundo.Lahat ng bagay gusto nila subukan.Hindi ko sila mapigilan dahil alam kong lalo lang silang magrerebelde kung pipigilan.
Pero ngayon ay nagsisisi na ako na di ko sila pinigilan.Dahil hinayaan kong silang mag-drive.Dahil nakabangga si Zero at namatay ang mga sakay ng kotse na binangga nya at siya naman ay na-comatose.
Alalang alala ako sa kanya.
Hindi sya pwedeng makulong dahil minor pa lang sya at napatunayan na hindi gumana ang preno ng kotse ni Zero kaya walang may kasalanan.
Laking gulat ko nang malaman ko na magulang at pinsan ni Jerish,ang apo ng nagtrabaho sa mansyon dati.
“Mercedes...."
“Bakit ginawa ng senorito iyon?Bakit sa anak ko pa?Paano na ngayon si Jerish?"tanong nito habang umiiyak.
Napagdesisyonan ko na ako na ang magpapaaral kay Jerish.
“Ako na magpapaaral sa kanya.Ako na lahat."sabi ko.Napatingin ito sakin.
“Ayoko!Ayokong iwan nya rin ako tulad ng anak ko."
“Ayaw mo naman tanggapin ang pera na ito."
“Ayoko."
“Kapag nakapagtapos na si Jerish ng high school,ako na magpapaaral sa kanya ng college.Sagot ko na lahat.Wag mo na tanggihan."
Sa huli ay pumayag na rin sya.Pagkatapos nun,nagkahiwalay na ng landas ang tinahak namin.
Naisipan kong ipahanap sila Mercedes at Jerish.
Napagalaman kong inaabuso si Jerish ng kanyang tita at tito nya.Kaya sinabi ko kay Mercedes lahat ng napag-alaman ko kaya kinuha na si Jerish.
Tinupad ni Mercedes ang pangako nya na ako na magpapaaral kay Jerish.Sa mansyon ko na sya pinatira para magkaroon sila ng bonding ng mga apo ko.
-End of Flashback-
Hindi ko akalain na magugustuhan pa rin ni Zero si Jerish.Simula noong bata pa pang sya ay nagustuhan na sya agad ni Zero.Di pa rin pala nawala ang pagmamahal ni Zero.
Pero dahil sa mga ginawa ni Zero ay nasira ang pagkakaibigan nila.
Ngayon ay umiiyak si Jerish at si Zero.Parehas silang nasasaktan.
Gusto kong tulungan sila pero alam kong wala akong magagawa at baka lumaki pa ang gulo.
BINABASA MO ANG
Living with these Five Hot Jerks [Book 1]
Teen Fiction[Book 1 of Living Trilogy] Living with them is like living in hell.Hell with a fvcking hot jerks. ~~~~~~~ Started:May 14, 2017 Ended:December 07, 2017