[Jerish POV]
"Seriously?!75 pesos lang yan?!"kinuha ko yung hawak nyang t-shirt.Di ko alam kung namulat ba to sa mundo or wala lang talaga syang alam.Mangmang yata ito eh.Oo nga pala.Mayaman pala siya.Tch!
"Basta isukat mo na!!"
Hahanapan rin namin si Riku ng damit kaya kailangan naming bilisan.Inuna muna namin yung t-shirt namin.
Ikaw kaya matapunan ng buko juice,di ka manlagkit.Si Zero naman ang lansa ng amoy.
Naawa ako para sa bata dahil mapayat at ang dumi ng damit nya.Mamaya ko na itatanong kung nasaan na ang mga magulang nya.
Naghanap na ako ng damit para kay Riku.Si Riku naman nasa tabi ko lang at nakakapit sa damit ko.
"Riku,pwede mong bitawan si Mama at tumingin ng mga laruan sa labas.Basta babalik ka lang."
"Hintayin ko na po si Dada.Sabi po nya pag nagpunta daw tayo sa Maynila.Bibilhan nya ako ng maraming toys."
"Of course.Dada will buy you many,many toys."
Aist!Si Zero talaga.Porket mayaman kayang bilhin ang kahit ano.Di naman sya ang nagtatrabaho para makuha ang perang iyon kundi si G.Pops.
"Sir,Ma'am,baka gusto nyo pong bilhin ang family shirt namin na 100 pesos lang.Ngayon lang po ito."napatingin kami sa babaeng nagbabantay rito.
"Family shirt?"sabay na tanong namin ni Zero.
"Ay naku wag na."iling kong sagot.
"Ma'am.Mura na nga yan.Alam namin na bibili rin kayo ng damit.Makakatipid kayo."
Oo nga naman.Aabot ng 200 pesos kung hiwalay-hiwalay pa.
"Sige patingin nga kami.Nag-iinarte lang itong asawa ko."ngumiti ng matamis si Zero at niyakap ako mula sa likod.
Kinilig naman itong babaeng nag-alok samin at pumasok sa loob.Para siguro kunin yung sinasabi nyang family shirt.
"Baka gusto mo akong bitawan?"tanong ko.Kinakabahan kasi ako sa payakap-yakap nyang ganyan eh.Feeling ko kinikilig ako.Shet!Di ko malaman.
"Ayoko nga!"biglang naramdaman ko yung hininga nya sa bandang batok ko kaya biglang nagsitaasan ang mga balahibo ko.
"Mama?Dada?"napatingin kami kay Riku na nakangiti samin.
"Hay naku!Ang landi landi ng tatay mo.Pagsabihan mo nga!"kinalas ko yung kamay nyang nasa bewang ko.
"Dada naman.Pwede naman sa kwarto na lang eh.Bakit dito?"nagulat ako sa sinabi ni Riku.Paano nya nalaman ang mga ganitong bagay?
"Riku,saan mo nakuha iyang mga salita na yan?"tanong ko.
"Doon po sa anak ng tita ko na nangalaga sakin."sagot nya.
"Ma'am,Sir,eto na po."inabot na nung babae yung t-shirts samin.
Naku!!Mamaya talaga!Tatanungin ko ang past nitong si Riku.
Agad naming binayaran at pumasok sa isang public cr.Sinuot ko na yung akin.Nanglalagkit na kasi ako sa buko juice na tumapon sakin eh.
Pagkalabas ko,saktong pagkalabas rin ni Zero at ni Riku.
Napangiti na lang ako.Mukha talaga silang mag-ama.Hindi ko akalain na malambot ang puso ni Zero sa mga bata.Mukhang marami pa talaga akong kailangan malaman tungkol sa kanya.
"Hi Mama!"binaba na ni Zero si Riku at tumakbo ito papunta sakin.
'I'm the Prince'
Iyan ang nakalagay sa damit ni Riku na nakangiti sakin ngayon.Naglakad naman papunta samin si Zero na mukhang rumarampa.
Shet!Ang hot~~
Bigla kong inalis iyon sa isip ko.Pati ba naman yung utak ko,ang lande.Shete!!
"Hi Mommy Jeje."he smiled at me.Yung smile na parang makahulog panty!
"Bakit po Jeje?"tanong ni Riku.Napatawa naman si Niaaway.Tch!Tawagin daw ba akong Jeje?
"Nothing anak."
'I'm the King'
Iyan naman ang nakasulat samin at ang akin naman ay..
'I'm the Queen'
"Dada,kain na po tayo!!"aya ni Riku.
"Okay.Tara na,Mommy."napanguso na lang ako.Feel na feel nya akong gawing asawa ah!
Nagsimula na kaming maglakad papuntang karinderya.Malamang karinderya bagsak namin dahil wala namang fast food chain rito dahil probinsya nga ito.
BINABASA MO ANG
Living with these Five Hot Jerks [Book 1]
Teen Fiction[Book 1 of Living Trilogy] Living with them is like living in hell.Hell with a fvcking hot jerks. ~~~~~~~ Started:May 14, 2017 Ended:December 07, 2017