[Jerish POV]
“Ang cute nila oh!"
“Bagay sila!"
“Happy family!"
“Ang ganda ng nanay at ang gwapo ng tatay.Paniguradong gwapo ang anak!!"
“Pwede ba akong magpa-ampon na lang?"Yan ang naririnig namin habang naglalakad.Ngumingiti na lang ako.Alangan namang makipag-sabunutan ako ng walang dahilan.
Okay!Ako na mainit ang ulo.Wala lang.Trip ko lang.Bakit ba?Hahahaha!
Actually,feeling ko happy family kami.Kasi may nanay,may tatay,at may anak.Feeling ko kapag may pamilya na kami.Ganito rin sana.
Pero imposible,wala namang kami ni Zero...
Dumiretso na kami sa karinderya.Mukhang kumakain naman si Niaaway sa ganitong mga lugar.Aba!Kung hindi,masasapak ko na talaga siya.
Umorder na kami ng pagkain.Andami ngang inorder ni Zero eh.Mukha na nga kaming malapit bitayin eh.
Si Riku,kain lang ng kain.Kumain na rin kami.
“Oo nga pala.Bakit nandun ka sa palengke?Anong ginagawa mo dun?Nasaan ang magulang mo?"sunod-sunod na tanong ko.Kanina pa gusto kong tanungin yan eh.
“Uhm.....Tumakas po kasi ako sa tita ko.Wala na po akong magulang.Namatay po sila sa isang aksidente."biglang lumungkot yung mukha ni Riku.
“Oh sorry."
“Bakit ka tumakas sa tita mo?"tanong ni Zero.Ako kumain na lang ulit.
“Kasi po sinasaktan ako nung asawa ni tita.Binugbog po ako kapag lasing si tito o kaya walang pera para pang-sugal.Wala naman pong magawa si tita kaya hinayaan na lang nyang saktan ako nung asawa niya."nalulungkot ako para sa bata.
Bakit nila sinasaktan ang isang inosenteng bata?!Paano nila nagagawa iyon?!Di ba sila naaawa?Walang ginawa yung bata pero nagagawa nilang saktan?!Anong klase silang tao?!Tao pa ba sila?!
Biglang bumalik ang mga alaala na pilit kong binabaon sa limot.Ang mga alaala na masakit balikan.Ang mga alaala na sumira ng pagkabata ko.
“Tito,wag nyo po akong saktan!!Nagmamakaawa po ako!!"
“Wala kang kwenta!!"
Kinuha lang ni Tito yung sinturon nya at patuloy akong hinampas gamit nun.
Patuloy lang akong umiiyak habang pinapanood ako ni Tita.
“Tita...."humingi ako ng tulong pero umiling lang ito.
“Bagay lang iyan sayo."malamig na sabi niya at umalis na.Tuloy tuloy ang pagtama ng sinturon sa katawan ko.
Tumigil lang ito ng hindi ko na makayang magalaw ang katawan ko.Tumigil sya ng wala na akong lakas para tumayo pa.
Hindi ko alam kung bakit ito ginagawa sakin pero wala akong magawa kundi tanggapin na lang.Ano bang magagawa ko?Isa lang naman akong palamunin at walang kwentang bata.
I didn't notice na tumutulo na pala ang luha ko.Patuloy lang ako sa pagluha.Dahil sa masamang alaalang iyon na tumatak sa puso at isipan ko.
“Jerish...."lalo kong niyuko ang ulo ko.Ayokong nakikita nila akong umiiyak.
“Mama Jerish...."
“Jerish,look on me."sinalubong ko yung tingin nya.
“Huwag kang umiyak.Nasasaktan ako kapag nakikita kitang umiiyak."sabi nya na tumagos sa puso ko.Hinalikan nya ang mga luhang pumapatak mula sa mata ko
Nagulat ako sa ginawa nya pero hindi ako umangal.Hinayaan ko lang sya.What can I do?Nanlalambot na ako sa hawak pa lang niya.
“Never cry in front of me because I can't stop myself from being mad at my own self dahil hindi kita mapatahan.It makes my heart,broken into pieces."di ko alam kung anong nangyari pero lalo akong umiyak.Ngayon ko lang naranasan na may nagmamahal sakin bukod sa lola ko.
Bakit ba sya ganito?Bakit ganito sya sakin?Bakit......Bakit ganito ang nararamdaman ko?Bakit parang may butterfly sa tyan ko?Ganito ba ang feeling ng in love?Gusto ko na ba sya o mahal ko na?I don't know!!
Pero Jerish,huwag kang umasa.Paniguradong lahat ng babae nasabihan na nya ng ganyan dahil isa syang Smith.Playboy sya!!Sasaktan lang nya ako!Hindi nya ako kayang mahalin.Hindi pwede!!
Tumigil na ako sa pag-iyak at tinulak sya.Nagsimula ulit kumain.
“Mama?"
“I'm okay.Kain ka na lang."napansin kong nagtataka rin si Zero sa nangyari sakin.Gusto nyang magtanong pero tinikom na lang nya ang bibig nya.Mas okay na rin yan.
*kriiing*
Nakita ko yung caller id and yung name ay Hazel.Nakapatong lang naman sa table yung phone niya.Napansin yata ni Zero na nakatingin ako sa phone nya kaya lumabas si Zero sagutin ang tawag.
Who's that Hazel?
BINABASA MO ANG
Living with these Five Hot Jerks [Book 1]
Teen Fiction[Book 1 of Living Trilogy] Living with them is like living in hell.Hell with a fvcking hot jerks. ~~~~~~~ Started:May 14, 2017 Ended:December 07, 2017