Chapter 29-Cry

2.3K 88 1
                                    

[Katkat POV]

Naglalakad ako papasok ng cr.Ayaw kong makasalubong yung mga nambu-bully sakin.Pinapagawa kasi nila ako ng homeworks o kaya inuutusan nila.Wala naman akong magawa kundi um-oo na lang kasi baka saktan nila ako.

Inilapag ko muna yung books na hawak ko at naghugas ng kamay ng may marinig akong humihikbi.Di ko na lang pinansin kasi baka may umiiyak lang sa isa sa cubicle.Lumalakas yung iyak kaya natakot na ako.Baka may multo rito.Sabi-sabi kasi na pinamumugaran daw itong school namin ng multo.Pero di ako naniniwala.Mukhang dapat maniwala na ako.

Paulit-ulit na akong nagdadasal na sana di multo ito.

Napatalon ako sa gulat ng biglang bumukas yung cubicle.Akmang lalabas na ako ng makita ko yung multo este yung lumabas pala.

“Jerish?"

Mukhang galing lang sya sa pag-iyak.

“Okay ka lang?"agad na tanong ko.Nag-aalala ako sa kanya.Kahit na kanina lang kami nagkausap gumaan agad ang loob ko sa kanya.Kasi halos-hindi pala halos,wala talagang kumakausap sakin rito sa school dahil isa akong loner and a nerd na pinaka-ayaw ng mga tao rito sa school.Kailangang lumevel ka sa kanila kung gusto mong sumali sa kanila o tumahimik ka na lang sa isang sulok.

“I'm okay."ngumiti sya sakin pero yung ngiti na hindi abot sa mata.

“Hindi ka okay.Anong nangyari sayo?Bakit umiiyak ka?"tanong ko.

“Wala lang ito."

“You're not okay.You can tell me your problem."nag-aalangan syang tumingin sakin.Napabuntong hininga na lang ako.

Mukhang ako lang pala ang may tingin na magkaibigan kami.Inakala kong may kaibigan na ako.

“Ah okay."akmang aalis na ako ng bigla nya akong hinawakan sa braso.Humarap ako pero sinalubong nya ako ng yakap.

Nagulat ako sa ginawa nya.

N-ngayon ko lang naramdaman ang yakap na sinasabi nila.Walang yumayakap sakin kahit sino maski ang mga magulang ko.

“M-malandi ba ako,Katkat?"rinig kong sabi nya.Umiiyak pa rin sya.Hindi ko namalayang tumutulo rin ang luha ko.

“H-ha?"

“A-ayoko na,Katkat.Ginagawa ko naman ang lahat para mapag-ayos sila.P-pero bakit ako pa yung may k-kasalanan?B-bakit ako yung malandi?B-bakit ako yung mali?"

Hindi sya yung nakikita kong matapang.Nakikita ko na mismo si Jerish.Ang kahinaan ng isang Jerish Lopez.

“Ano bang nangyari?"umiyak muna sya ng umiyak.Pumunta kami sa garden ng school.Wala na namang tao rito.Umiyak lang sya ng umiyak hanggang sa nag-open up na sya sakin.

“Nagawang sabihin ni Zero Smith yun?"tanong ko.Tumango naman sya.

“Masakit pa lang matawag ng malandi.Kahit wala akong ginagawa."tumulo na naman ang luha nya.

“Hayaan mo na.Alam mo namang hindi ka ganun kaya wag mong paniwalaan yun."

“Thank you,Katkat ah.Wala lang akong mapaglabasan ng sama ng loob."

“Okay lang.Malapit na pala ang next class ko.Magre-review pa ako.Bye na muna."paalam ko.

“Sige bye na.Mamayang uwian.Mall tayo?My treat.Okay?"nag-aalangan akong tumingin sa kanya.Magre-review pa kasi ako para sa upcoming exam.

“Wag kang tumanggi.Di ako tumatanggap ng No na sagot.Sama ka na sakin.Bonding naman natin."she said while smiling.

“O-okay."halata sa mukha nya na tuwang tuwa sya.Niyakap pa nya ako.Napangiti na lang ako.

“Promise yan ah.Sige,malapit na rin ang next class ko.Bye na!!"tumakbo na sya palayo.Ngumiti na lang ako habang tumatakbo sya palayo.

Masaya pala sa pakiramdam na nakakapagpasaya ka ng ibang tao.

Ngayong araw lang naman na gagala ako.Pagbigyan ko na ang araw na ito.

A/N:Pasensya na sa ilang araw este linggo na pa lang walang update.Busy kasi ako sa school.Babawi na lang ako.I'll update two chapters ngayong araw.Sorry guys!!Lovelots!!

Votes and Comments are highly appreciated!!

Enjoy reading!!

-Saline0905

Living with these Five Hot Jerks [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon