[Jerish POV]
Hinahanap ko ngayon si Zero para kumpirmahin ang sinabi ni Katkat.
Hindi ko talaga maintindihan ang sinasabi nya.
Si Ate Mikee ang dahilan kun bakit naghihirap si Zero kay Hazel?
Kahit na anong isip ko ay di ko talaga maintindihan.
"Zero!!"nakita ko si Zero sa classroom nila.Nag-iisa sya.
Tumingin sya sakin at nagulat na bigla akong sumulpot.Pero bumalik din ang cold na tingin nya.
"Anong kailangan mo?"
"Magsabi ka sakin ng totoo Zero."
"Totoo?Anong sasabih-"
"Anong koneksyon mo sa Ate Mikee ko?"deretsahang tanong ko.Napahinto sya at nagulat.
Kita na sa mukha nya na may koneksyon nga sya kay Ate Mikee.Kahit itanggi nya ay halata na.
"Hindi ko sya kilala."
"Hindi mo sya kilala?Pero sa pinakita mong reaksyon kanina ay parang gulat na gulat ka pa."napangisi ako sa kanya.Mukha bang kaya nya akong lokohin?!
"Hin-"
"Hindi na ako makikipag-g*guhan,Zero Smith.Sabihin mo sakin ang totoo.Kasi hindi ako nakikipag-g*guhan ngayon."
"Siya ang dahilan ng lahat."napalingon ako at nakita ko si Hazel na may demonyong ngiti.
Dahilan ng lahat?Huh?
"Siya ang dahilan kung bakit namatay ang mga magulang mo at dahilan kung bakit namatay ang tinatawag mong Ate Mikee."
Nagulat ako sa rebelasyon na nalaman ko.
Siya ang dahilan kung bakit namatay ang mga taong mahal ko?Siya ang dahilan ng lahat ng paghihirap ko?!
Napaupo ako sa sahig.
Totoo ba lahat ito?!Si Zero?!
"Jerish!!!"
Litong lito na ako....
Pinatay nya ang mga taong nagmamahal sakin.....Bakit sa lahat ng tao,si Zero pa?Yung taong mahal ko pa?
"S-sabihin mo nga sakin ang totoo Zero!Ipaliwanag mo sakin lahat!!Di naman totoo ito diba?......Hindi naman diba?.....Zero!!Sagutin mo ako!!Hindi naman ikaw diba?"niyugyog ko yung balikat nya pero wala akong nakuhang sagot.
"Alam kong galit ka sakin!!Marami akong nagawang kalokohan sayo!!Maraming beses kitang ininis!!Pero di mo naman kayang patayin sila diba?!Hindi naman diba?"
"Please Zero!!Sagutin mo naman ako!!"tulo na ng tulo ang luha ko.Nagmamakaawa na ako sa kanya para sagutin ako.Kailangan nyang bigyang linaw ang lahat..
"I'm sorry...."
Tuluyang gumuho ang mundo ko sa dalawang salita na yan.
Siya nga?Bakit magulang ko pa?Bakit si Ate Mikee pa?Inabuso at sinaktan ako dahil wala akong magulang at sa Tita ko lang ako makakatira!Naabuso,nasaktan,pinilit ibenta,muntik ma-rape.Lahat yan naranasan ko noong bata pa ako.Di ko man lang naranasan ang maging isang bata,yung naglalaro,tumatakbo,may kalaro.Pero pinilit akong minulat sa mundo.Pilit akong bumabangon sa masamang alaalang iyan at ang mga taong tumulong sakin ay ang mga Smith.Pero di ko akalaing isang Smith pa ang dahilan ng lahat....Bakit ba sya?.....Bakit pa si Zero?.....
"Bakit ikaw pa Zero!!Bakit ikaw pa!!"hinampas ko sya dibdib.Walang wala ang mga hampas ko sa mga sakit na binigay nya.Lahat ng sakit na dinanas ko,ay wala pa sa hampas na yan.
Pinilit kong tumayo para umalis.Hahayaan ko munang tanggapin ng sistema ko ang lahat.Ang lahat ng mga ito.Kasi di ko pa matanggap eh.Mahirap tanggapin ang lahat.Kasi masyadong masakit!Masakit tanggapin na yung taong minahal ko ang taong dahilan ng lahat.
"Please Jerish...let me explain..."sinampal ko sya ng malakas.
"Explain?Anong magagawa ng pag-e-explain mo?!Matatanggal ba nyan lahat ng masasamang alaala ko?!Maibabalik mo yung magulang ko?!M-ma-mababalik ba nyan si Ate Mikee?"tumakbo na ako palayo.
Kailangan ko ng oras para matanggap ang lahat.Kailangan kong magpakatatag katulad dati.
Bakit pa kasi ikaw Zero?Bakit yung mga magulang at si Ate Mikee pa?Sila na nga lang pag-asa ko...Pero naguho na naman ang pag-asang hinahangad ko.
Di ko na alam ang gagawin....
Litong lito na ako......Sana isa lang itong bangungot at magising na ako realidad.
BINABASA MO ANG
Living with these Five Hot Jerks [Book 1]
Teen Fiction[Book 1 of Living Trilogy] Living with them is like living in hell.Hell with a fvcking hot jerks. ~~~~~~~ Started:May 14, 2017 Ended:December 07, 2017