[Jerish POV]
“Lamutak na lamutak na yung mukha ni Storm kanina!!"tawa ng tawa ang magpipinsan habang kinukwento ko kung bakit tulala si Storm.Pinaliguan ba naman ng halik nung matanda eh.Hahahaha!
“Quiet!!"sabi ng katabi ko at biglang tumaas ang kilay ko.
“Aba!Bakit?Paano ka maiingayan eh naka-ear phones ka?Duh?Common sense,Zero Smith."
“Psh!"pumikit ulit si Haring Hambog.
Tumahimik na rin ang magpipinsan.Natulog na lang sila.Ako naman ka-chat ko si Lexi.Inaaya nya kasi ako sa isang party pero dahil papunta kaming probinsya,hindi ako makakasama.Sabi nga nya sasama sya,pero di ako pumayag.Aba!Kasama ko kaya ang mga asungot.
~~~~~~~
“Tama ba tong dinadaanan natin?"tanong ni Kaizer na nakatingin sakin mula sa side mirror.
Tumingin muna ako sa paligid bago sumagot.
“Yep,tama naman.Bakit?"sagot ko.
Tulog ang mga asungot ngayon.Baka dahil sobrang tagal ng byahe namin.Mga 5 oras rin ang tagal ng byahe at salamat sa Diyos,nakarating rin kami sa Santa Barbara.
Dito sa Santa Barbara ako pinanganak at lumaki.Dito talaga ang lupang tinubuan ko.Charot!Lalim ng lupang tinubuan ah!
Pinatigil ko si Kaizer sa isang bahay.Actually,maliit na one-storey house lang sya.Kahit na ganito lang ito,malaki rin yan.Dito ako dati nakatira.Dito ako lumaki.
Bumaba na sila lahat pero di ako makaalis sa upuan ko.Paano ba naman,nakasandal si Zero sa balikat ko.
Shet!Bakit biglang nag-iinit ang mukha ko?
Super duper lapit ng mukha nya!!
“Zero!!Gising na!"inalog alog ko sya.Baka magising pero napanguso na lang ako ng ayaw nyang gumising.
“Bahala ka dyan.Hahalikan kita kapag di ka gumising dyan."bigla akong napahawak sa bibig ko.Langya!Kung ano-ano ang lumalabas sa bibig ko!!
Pinapahamak mo ang sarili mo,Jerish!!Bad mouth!!
Biglang nagmulat ng mata si Zero at nakangisi ngayon na nakatingin sakin.
“So hahalikan mo ako?"nakangisi nyang tanong.
Dahil sa hiya at slight na kilig ko,pinaghahampas ko sya!
Paano akong di kikiligin eh harap-harapan ba naman nyang sabihin yun?Kulang na nga lang mangisay ako rito sa kilig eh!Pero slight na kilig lang ah!!
Pashnea naman!Balewala lang ba sa kanya yung k-kiss?Aish!Di ko masabi yung K word na yun!!KAKAHIYA!!
“Aray naman.Niaaway mo ako?"bigla akong natawa sa sinabi nya.Nawala yung hiya ko.
Seriously?At his age?Niaaway?
“Niaaway?Bata lang?Hahahaha!!"
“Tch!"iniwan nya ako sa van at ako naman ay tawa ng tawa.Napahawak pa ako sa tyan ko.
Kay tanda tanda na ni Zero,niaaway pa rin?Bwahahahaha!
Bumaba na ako ng van after kong tumawa ng tumawa.Paniguradong galit na naman si Haring Hambog na niaaway.Hahahaha!!
“Apo!!Andito ka na pala!!"niyakap ako ni Lola Mercedes.Nanay sya ng tatay ko.Close na close kami ni Lola Mercedes dahil sya ang nagpalaki sakin.Iniwan na ako ni nanay at tatay noong 10 years old pa lang ako.
“Lola na-miss po kita!!"yumakap ako pabalik.Mga ilang minuto lang ay kumalas na si lola sa yakapan namin.
“Mga senorito,sinama po pala kayo ni Jeje."napatingin sakin ang magpipinsan.Hindi man sila magsalita alam kong nagtatanong sila kung sino si Jeje.
Aish!Lola naman kasi eh.Tawagin daw ba ako sa nickname ko?Edi may pang-aasar na naman ang mga asungot!!
“Sino si Jeje?"tanong ni Haring Hambog na niaaway.Hahaha!Kakatawa pa rin yung niaaway eh.
“Uhm.Lola,tara pasok po tayo sa loob."aya ko.Baka makalimutan ni lola at di na masagot.
“Si Jerish yun,ang apo ko."biglang nagngisihan ang mga demonyong asungot.
May pang-asar na sila.Psh!
“Bakit nga pala naparito ang mga senorito?"
“Gusto lang po namin kayong dalawin,Manang Mercedes."hinatak nila Rex si Lola papasok at naiwan kami ni Haring Hambog.
Oo nga pala.Kaya kilala ni Lola Mercedes ang mga asungot ay dahil naging katulong si Lola sa mansyon noong malakas-lakas pa si Lola.Kaya rin kami nagkakilala ng mga Smith.
“Jeje?Langya!Ano yun?Jejemon?"napatingin ako kay Zero na nakangisi.Bakit ba andaming nakangisi sakin ngayong araw?
“Jejemon?"
“Yow,wazzup men,like that.Don't you know?"natatawa na lang ako rito kay Zero.Marami rin pala itong alam eh.Puro kalokohan nga lang.
“Whatever?Feeling niaaway siya!Hahaha!"asar ko.
“Feeling Jeje.Hahahaha!"asar rin nya.Ako unang nang-asar,ako unang napikon.Kakainis kasi eh!Di naman ako feeling jeje.Porket Jeje ang nickname ko eh.
Nauna na akong pumasok sa bahay at iniwan si Niaaway na tawang tawa.
Pashnea na Niaaway.Makakaganti rin ako!!
BINABASA MO ANG
Living with these Five Hot Jerks [Book 1]
Fiksi Remaja[Book 1 of Living Trilogy] Living with them is like living in hell.Hell with a fvcking hot jerks. ~~~~~~~ Started:May 14, 2017 Ended:December 07, 2017