[Jerish POV]
“Oy!Anong nangyari sayo Jerish?"tanong ni Lexi pagkapasok na pagkapasok ko sa room.
“Ah!Wala lang!"ngumiti na lang ako at umupo sa upuan ko.
“Namumugto yang mata mo at napakapula ng ilong mo."sabi ni Lexi.
’“Wala nga sabi."umupo na lang ako.Yumuko na lang ako.Ayoko ng magulo.
Naramdaman kong may nakatingin sakin kaya inangat ko yung ulo ko at nilibot ko ang yung mata ko at nakasalubong ko yung mata ni Zero na nakatingin sakin mula sa bintana na matatanaw mo ang mga dumadaan sa hallway.
Nakipagtitigan ako pero ako rin ang unang nagbaba ng tingin.
Nakakatunaw ang mga tingin nya.Matutunaw ako sa mga tingin nya.
“Good morning class."pumasok na rin sa wakas ang professor namin.May suprise quiz kaya nagsusulat sa white board ang professor namin.Sumulyap ako sa side ni Zero para makita kung umalis na sya pero nanatiling nakatingin sya sakin.
“Anyway,makiki- sit in pala si Zero Smith from class A-I.Mr.Smith maari ka nang pumasok."pumasok si Zero at agad na nagtilian ang mga babae naming kaklase.Maski si Lexi ay nakitili rin.
Tumingin ako kay Zero at nagkatitigan kami.Ang mata nya ay malungkot at nagsisisi.Iba sa Zero Smith na kilala ko.
Yumuko ako at nagsulat na lang.
Naramdaman kong lumipat ng upuan si Lexi sa peripheral vision ko at may pumalit rito.
Inangat ko ang tingin ko at nagulat ako ng si Zero Smith ang katabi ko.Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko.Bakit ganito ang pagtibok nito?Bakit?
“Jerish..."
Ginawa kong walang emosyon ang mukha ko at inusog ang upuan ko palayo sa upuan ni Zero.Ayaw ko ng masaktan pa sa mga sasabihin nya.Tanggap ko na yung sinabi nya.Ayoko ng dagdagan pa nya.
Nagsulat na lang ako sa papel ko at kinopya ang sinusulat ng professor namin.May activity kami ngayon at kailangan naming sagutan ang nakasulat sa white board.
“Please exchange your paper with your seatmate."napaangat ako ng tingin.Si Zero ang kapalitan ko ng papel dahil wala na akong katabi kundi sya lang dahil malapit ako sa bintana.
Inabot ko yung papel sa kanya ng hindi sya tinitignan.Masakit pa kahit tanggap ko na.Kailangan kong tigasan ang puso ko sa kanya.
“Jerish....."kinuha ko yung papel nya at nagulat ako sa nakasulat doon.
Smith,Zero
Class A-II (sit-in)1.I'm
2.Sorry
3.Jerish
4.I
5.Know
6.It's
7.My
8.Fault
9.I'm
10.Sorry
11.Please
12.Give
13.Me
14. A
15.ChanceAgad akong napatingin kay Zero at nakita kong nakatingin sya sakin.
“I'm really sorry on what I've said a while ago.It's not my intention to hurt you or anyone.Nadala lang ako ng galit."base sa boses nya ay talagang nagsisisi na sya.Agad na lumambot ang puso ko.
“Nagsisisi ka ba talaga?"tanong ko.Hindi naman sa di ako naniniwala,hindi lang talaga ako makapaniwala na nagso-sorry ang isang tulad ni Zero.
“Yes,I am."
“Paano kung di kita patawarin?"lalong lumukot ang mukha nya.Gusto kong tumawa pero pinipigilan ko lang ang sarili ko.
“Edi susuyuin kita.Ano ba gusto mo?Ligawan kita?"nakita ko syang ngumisi at di ko alam kung bakit pero napangiti ako.
Yumuko na lang ako para pigilan ko yung ngiti ko.
“Oy!Galit ka?"hinahawi nya yung buhok ko na nakatakip sa mukha ko.
Hinarap nya ako sa kanya at tumitig sya sa mata ko.Gusto kong iwasan ang titig nya sakin pero hawak nya ang mukha ko.
“Galit ka?"tanong nya.
“H-hindi ah!"
“Seryoso?"
“Di nga kasi!!"sigaw ko.Na-realize ko lang na ang lakas ng sigaw ko at napatingin ang buong klase samin.
“Yun oh!!Loving loving pa more!!"narinig kong sabi ni Lexi na kinatawa ng lahat.Yumuko na lang ulit ako at napangiti na lang.
Hindi ko alam kung bakit lahat ng galit at inis ko sa kanya ay biglang naglaho.Bakit ba ganito?Nagugustuhan ko na ba sya?
BINABASA MO ANG
Living with these Five Hot Jerks [Book 1]
Teenfikce[Book 1 of Living Trilogy] Living with them is like living in hell.Hell with a fvcking hot jerks. ~~~~~~~ Started:May 14, 2017 Ended:December 07, 2017