[Storm POV]
Kanina pa tulala si Pretty.Hindi ko alam kung bakit pero alam long konektado ito kay Zero at kay Hazel.
Bakit pa kasi nanggugulo si Hazel?Tahimik na nga ang buhay ni Zero.Dumagdag pa si Kuya Hanz.Tch!
Kahit alam kong gago yung pinsan kong yun.Nag-aalala pa rin ako.
"Psst.."napatingin ako kay Calyx at nginuso nya si Pretty na umiiyak.
Agad akong nanlambot ng makita syang umiiyak.
Nilapitan ko sya at pinunasan ang luha nya.
"Bakit ka umiiyak?"
"Wala lang ito."ngumiti sya sakin sabay punas sa luha nya.Alam kong pilit lang ang ngiti nya.Umakyat na sya papunta sa kwarto nya.
Napa-buntong hininga na lang ako at ngumiti ng mapait.
Alam kong may nararamdaman si Jerish kay Zero at ganun din si Zero kay Jerish.Gusto kong agawin si Jerish kay Zero dahil masasaktan lang sya.Pero nagparaya ako.Oo,gusto ko si Jerish.Gustong gusto ko siya.Hindi ko napaparamdam dahil takot ako.Takot ako na umasa na naman ako.Takot ako na ma bale-wala lahat ng ginawa ko.Dahil kahit kailan di naman ako nanalo laban kay Zero.Lagi na lang si Zero.Siya lagi ang laging lamang.Laging siya ang gusto ng mga nagugustuhan ko.
Ano ba meron kay Zero na wala sakin?Bakit si Zero pa ang nagugustuhan nila samantalang pinaglalaruan lang naman nya lahat ng babae?Bakit hindi na lang ako?Binibigay ko naman ang lahat.Bakit hindi na lang ako?
Tumulo na ang luha ko.Mukha na siguro akong kaawa-awa ngayon.Mukha na siguro akong bakla ngayon dahil umiiyak ako.
Pumasok na lang ako sa kwarto ko at doon binuhos ang iyak ko.
Ang sakit!!
[Jerish POV]
Matutulog na sana ako ng marinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko.Nakatalikod ako mula sa pinto kaya di ko makita kung sino ang pumasok.
"Jerish...."tumulo na naman ang luha ko.Sa boses na yan bumabalik ang inis ko.Inis ko kay Zero dahil pinapaasa lang nya ako.May Hazel naman pala siya.
Pinahid ko yung luha ko bago humarap sa kanya.
"Bakit?"cold kong tanong.
"Si Hazel.......hindi ko sya girlfriend."
"Bakit mo sinasabi sakin yan?Ha?"
"Ayokong magselos ka sa kanya."
Ngumiti ako ng mapait sa kanya.
"Seriously?Sinasabi mo sakin yan?Bakit?Kaano-ano mo ba ako?Wala naman diba?"alam kong garalgal na ang boses ko at ilang sandali lang ay tutulo na ang mga luha ko.
"Jerish...."
Tumayo ako at lalabas na lang kung ayaw nyang lumabas.
Pero napahinto ako ng maramdaman kong yumakap sya sakin mula sa likod at pinatong ang ulo nya sa balikat ko.
"Bakit?"tatanggalin ko sana ang braso nya mula sa pagkakayakap sakin pero lalo lang itong humigpit.
"Wala lang.Hayaan mo lang akong yakapin ka."hindi na lang ako umimik ay hinayaan na lang siya.
Nabalot ng katahimikan ang buong kwarto bago sya muli nagsalita.
"I like you Jerish.."
Biglang tumigil ang mundo ko ng marinig ko yan.
He likes me?Seriously?
"Huh?"
"Nothing.Thank you..."sabi nya bago sya bumitaw at umalis.Pinanood ko na lang ang nilabasan nya.
Ang gulo nya!!Sasabihin nyang gusto nya ako pero bakit ganun ang pakikitungo nya sakin?Dahil ba kay Hazel?
BINABASA MO ANG
Living with these Five Hot Jerks [Book 1]
Dla nastolatków[Book 1 of Living Trilogy] Living with them is like living in hell.Hell with a fvcking hot jerks. ~~~~~~~ Started:May 14, 2017 Ended:December 07, 2017