SIENNA's POV
"Sienna anak gising na" boses ni mama ang gumising saken, haysst ang sakit pa ng katawan ko dun sa raket namin ni Carla kahapon pero kailangan ko na bumangon, trabaho na naman.
"Sige po ma, mag-aayos na po ako" konting stretch-stretch .. Ayan okay na
Napatingin ako sa maliit na alarm clock 3pm , tamang tama lang, kinuha ko na ang towel ko nakasabit sa dingding nitong kwarto ko este namin pala ni mama. Maliit lang ang bahay namin at simple lang ang pamumuhay, awa ng Diyos ay nakakaraos naman. Dalawa ang kwarto ng aming bahay, ang isa ay okupado namin ni mama at ang isa ay sa kapatid kong lalaki, Sergio San Jose.
Oh! Wait! Nauna ko pa ipakilala ang kapatid ko kesa sa sarili ko. Sienna San Jose ang name ko, 20 years old kasalukuyan akong waitress pag may mga event, ayun ang hanapbuhay ko, madalas naman na may event kami pero hindi ako pwede mabakante ng pagkakakitaan dahil nag-aaral ng kolehiyo si Sergio, scholar naman sya kaya wala kami binabayarang tuition nya pero ang pamasahe at kung anuano pang pangangailangan nya sa school ay ako ang nagpupunan. Ayaw ko naman sya mag working student, gusto kong magconcentrate lang sya sa pag-aaral, galingan nya para guminhawa kami sa buhay. Sa kanya ko nakikita ang pag-asa namin.
Luckily, mabait si Sergio hindi ako binibigo ng kapatid kong yon. Kaya naman tuwing magbabalita sya saken sa pag-aaral nya ay kadalasang good news. Tanggal na pagod ko nun
Matapos maligo ay mabilis akong nagbihis, konting suklay, konting pulbos at tadah!! I'm ready to go.Lumabas na 'ko ng kwarto bitbit ang bag ko, nandito ang uniform ko para sa event mamaya.
"Oh! Anak kain ka muna bago umalis" ang butihin kong ina. Napapangiti ako kahit simple lang ang pamumuhay na meron kami, nabiyayan naman ako ng mabait na ina at kapatid. Ang tatay namin ay nasa heaven na, namatay sya dahil sa aksidente sa factory na pinapasukan nya, nabigyan kami ng kompanya na yun dahil nga sa workplace namatay si tatay. Ang pera ay ginamit namin dito sa bahay.
"Thank you Ma," umupo na ako para kumain na.
"Nandito na 'ko" boses iyon ni Sergio. Napalingon ako sa may pinto.
"Aga natin ah" biro ko
"Mmm, Ate.." naupo sya sa tabi ko.
"Kuh hapon na, dyan na kayo, ilalako ko na etong paninda ko" si mama, naglalako sya ng mga luto nyang turon, banana que pag ganitong hapon, sa madaling araw ay mga kakanin, patinda naman sa kanya, pinapatungan nalang at ang tubo ay kita nya na.
"Sige Ma, ingat!" Sabay pa kami ni Sergio
Hinarap ko naman ang kapatid ko dahil naputol ang kaninang sasabihin nya "Ano yun?"
"Kase.. hehe wala pala., Bihis muna ako pambahay" akmang tatayo na sya pero pinigilan ko. Alam ko pag ganito to e! May kailangan sa school pero nahihiyang sabihin.
"Ano yun?" Tanong ko sabay taas ng kanang kilay, "Sabihin mo na" ngitian ko sya para malaman nyang ayos lang.
"Ano kasi may mga kailangan akong bilhin na materials sana..." napahimas pa sya sa batok, nahihiya talaga.
"Sige! Tamang tama naman ay sweldo mamaya, mabibigyan kita"
"Thank you ate. You're the best!" tumayo na ako sabay tinapik ko sya sa balikat.
BINABASA MO ANG
My Three Months Married Life (COMPLETED)
RomanceAng kwentong magpapatunay sa LOVE AT FIRST SIGHT.. Sa mga istoryang nabasa nya, kapag naikasal na ang bida, natatapos ang story, THE END na, ROAD TO FOREVER na, LIVED HAPPILY EVER AFTER na, name it!. Pero sa istorya ng buhay nya pala...