Sienna's POV
Hayy!!...
Ang dami kong kailangan gawin ngayong araw, huhu. At ang lalaking yon, sinabihan na nga ni Pamela na ipagdrive ako pero wa effect.
'Hello!! Humindi ka kaya. Sabi mo, kaya mo diba?!' Bulong ng buset na konsensya ko.
Kahit pa! Sana man lang namilit sya kahit konti, tsk.
Mabilis ang pagpapatakbo ko kaya nakarating ako agad dito sa dating bahay. Ang kukunin ko ay ang mahal na mahal kong mga gamit sa kusina at ang buong laman ng munting opisina namin. Nandun lahat ang mga anik-anik ng mga paupahan ko.
Kanina ay nagtext na ako kay Manang na pumunta dito para magpatulong.
"Tara na po, Manang. Simulan na natin! Basta po lahat ng gamit sa kusina, ultimong sandok po ay ilagay nyo sa kahon. Ako naman po ay dun sa opisina"
"Sige, Sienna iha!"
Nang makatapos ako ay pinuntahan ko sa kusina si Manang at patapos na din sya. Kanina ko pa ito naisip, naitanong ko na din kay Serg at okay lang daw sa kanya.
"Manang, dun na po kayo sa bagong bahay namin. Ito po yung address" Inabot ko sa kanya ang papel "Ganun parin po ang oras ng trabaho. Saka ito pong bahay na ito pag naka isang taon pa po kayong trabaho sakin, pagkatapos ay sa inyo na itong bahay. Isasalin na po sa pangalan nyo. Pero anytime pwede na po kayo lumipat-"
Lumapit ako sa kanya "Hala sya! Manang, walang iyakan haha!"
"S-Salamat iha, salamat..." Umiiyak na sagot nya sakin
"You're welcome po, Manang. Lika na po sa kotse, buhatin na natin lahat 'to"
Naka-busangot ako habang nagbubuhat. Hindi sana kami nahihirapan ni Manang kung sinamahan nya 'ko.
Kainis!!!
Sakto sa paglagay namin sa huling kahon ay nag ring ang cellphone ko. Mabilis ko iyong kinuha, binigay ko na kanina bago ako umalis yung number ko sa kanya. Tinatawagan nya ako!!!
Pero ganon na lang ang dismaya ko dahil hindi sya ang tumatawag.
"Hello, napatawag ka Snow?"
~Hello Sienna! Yeah, nalaman ko kasi na yung therapist na pala ang pumunta sa bahay nyo?~
"Ah, Yes!. Si Sean kasi nilalagnat kagabi kaya nag-alangan ako ilabas"
~Oh, How is he?~
"Okay naman na sya"
~That's good! About sa pagpunta natin sa anime boutique, tuloy tayo?~
"Oo naman. Kung hindi makakaabala bukas na sana. Ilang araw nalang kasi birthday na nila"
~See you tomorrow then. What time?~
"Kahit umaga, ahmm 9am?"
~Alright! See ya! Bye!~
"Bye!" Binaba ko na ang tawag saka hinarap ulit si Manang.
"Kita nalang po ulit tayo bukas Manang. Sabihin nyo nalang po sa mga guard nung village na tawagan kami para papasukin kayo"
"Sige Sienna iha, Saan na ang punta mo nyan?"
"Sa school po ng kambal, Manang. Papaalam ko sila"
"Ganoon ba, sabik na din ako makita sila. Isang linggo na din pala na hindi kami nagkikita ano? Maayos na si Siella?"
"Oho Manang. Maayos na maayos" Saglit akong natahimik, hindi pa nga pala alam ni Manang "Ah, Manang kasi kasama na namin sa bahay na iyon ang Daddy nila. Sinabi ko na baka magulat ka bukas e, hehe"
BINABASA MO ANG
My Three Months Married Life (COMPLETED)
RomansaAng kwentong magpapatunay sa LOVE AT FIRST SIGHT.. Sa mga istoryang nabasa nya, kapag naikasal na ang bida, natatapos ang story, THE END na, ROAD TO FOREVER na, LIVED HAPPILY EVER AFTER na, name it!. Pero sa istorya ng buhay nya pala...