Sienna's POVIlang araw na ang lumipas mula nung, ewan kung epic o epic fail na basketball game nila. Hindi na nga dapat nila tatapusin dahil sa pagkakalat ni Lester na iyon. Akalaing mong kamuntikan mangudngod na wala naman kasalubungan o nakaharang sa daan nya. Simpleng komedyante e nuh! Hmp!
Ang laro ay nilaro nalang nila kaya lang humiling ang twins na tapusin kaya tinapos. Sa huli ay ang team nila Lester ang nanalo.
At simula noong araw na iyon ay hindi na din ako tinigilan ni Pamela sa pangungulit na ang nangyari daw sa Kuya nya ay dahil sa pag-cheer ko. Hindi ko alam kung saan nya nakukuha ang ganoong ideya.
Ang pagkatulala ko daw ay dahil sa masayang pagtatawan nila. Ni Lester, at ang ibig lang daw sabihin nun ay pareho kaming may nararamdaman pa sa isa't-isa
Hayyy!...
Okay! Hindi ako makakapagsinungaling sa sarili ko. Nagbabalik ang dating nararamdaman ko para kay Lester. Pero paano kong papaniwalaan na ganoon din si Lester e kung daan-daanan nga lang ako non. Pag kinausap naman ako ay parang tamad na tamad lang kung magsalita.
Pumapasok na ulit sa school ang twins at si Lester ay ganoon din sa opisina nya. Ang nagpaputok ng baril nung bisperas ng bagong taon ay nakakulong na din. Naalala ko nang makaharap ko sya, nanghihingi sya ng tawad pero paano ko syang mapapatawad kung nakikita ko parin si Siella na gumagamit parin ng wheelchair. Nakakatayo na sya kaya lang binilin ni Snow na sandaling minuto lang at umupo din agad.
Ngayon ay January 10, ng gabi at bukas na ang birthday ng kambal. Ayos na ang lahat ng preparasyon. Anime theme kaya naka-cosplay ang mga dadalo lalo ang mga bata. Ang mga magulang naman ay kimono ang susuotin. Ang alam ko madaming amiga at amigo nila Mr. and Mrs. DeCastro ang dadalo.
Bukas ay birthday ng mga anak ko. Apat na taon na sila. Sa parehong araw bukas five years ago ay.... hayy!
Naglalakbay kung saan ang isip ko ang layo na nang narating, hindi ako makatulog. Napagpasyahan kong bumaba at pumunta ng kusina.
"Ahhhhhhh!!!" Tili ko pagkabukas ko ng ilaw dahil nandito pala si Lester, umiinom. "Grabe! Ang yaman-yaman mo, nagtitipid kaba nang kuryente?"
Teka?
"B-Bakit ganyan ka makatingin?" Tanong ko dahil deretcho syang nakatingin sakin, mata sa mata. Ang hirap salubungin. Napalunok ako nang ngumisi sya. "Hep! Wag kang lalapit!" Nakaturo ako sa kanya pero dahil humahakbang sya ay sya namang pag-atras ko.
"Tense?" He asked with a grin. Umiling ako. "Oh?" Humakbang na naman sya kaya umatras ulit din ako hanggang sa bumangga na lang ang likod ko dahil wala na akong maatrasan pa.
"Lester, lasing ka e. I-Itulog mo na yan" Napasinghap ako nang nakalapit na talaga sya at tinukod ang dalawang kamay nya sa lababo, magkabilaang gilid ko. Napalingon ako sa kanan nang inamoy nya ako.
"Ahhh...Ang bango mo, Sienna My Dear" He said in a husky voice.
Hala sya! Marimar!...
"Ahhh...Sweet pineapple scent" Napapikit ako ng mariin sa sinabi nya, ramdam ko ang panginginig ko. Bahagya syang lumayo sakin kaya nagawa kong ipaling na sa kanya ang tingin ko.
*blink *blink
He smiled.....
Ang kahinaan ko!....
"Goodnight!" Sabi nya saka tumalikod.
Napatalikod din ako at mariing-mariin na ipinikit ang mga mata ko. Huminga ako ng malalim, pagdilat ko ay ang unang rumehistro sa paningin ko ay ang plactic cup ni Siella na nasa tapat ko.
BINABASA MO ANG
My Three Months Married Life (COMPLETED)
RomansAng kwentong magpapatunay sa LOVE AT FIRST SIGHT.. Sa mga istoryang nabasa nya, kapag naikasal na ang bida, natatapos ang story, THE END na, ROAD TO FOREVER na, LIVED HAPPILY EVER AFTER na, name it!. Pero sa istorya ng buhay nya pala...