Chapter 20

2.3K 44 3
                                    

Sienna's POV

Pagkahatid ko kay Sean at Siella ay dumeretcho ako nang punta dito sa bahay ni Carla. Kailangan ko nang makakausap dahil magulo parin sa utak ko ang gagawin ko ngayong nagbalik na pala sila.

"Buti naman napadpad ka dito. Oh, meryenda Lukah!" Naglapag sya sa center table ng juice at ilang muffins.

"Thanks, kayo nga ang sobrang busy e, araw-araw may event dito" Sa likod kasi nitong Esguerra Event ay ang bahay nilang pamilya.

"Alam mo naman, December kasi kaya ganoon. Saan yung kambal?"

"Nasa school, Christmas Party nalang nila today tapos bakasyon na. Pag narinig ka ni Sean kokontra na naman yun, kuya nga daw sya e"

"Nako, ewan ko ba dyan sa mga anak mo, nagmana pa sayo. Ang daming pamahiin. Tsee!"

"Hehe, si Celestine at Craig nasa'n?"

"Ayon, mga siesta na. Pero sana wag mong pinapaligoy-ligoy ang usapan no? Daming intro ne'to. Ano bang meron?" Tumingin sya sakin na parang binabasa na ako.

Hayyy!!..

"N-Nagbalik na sila, Carla" Napapikit ako pagkatapos kong sabihin iyon.

Katahimikan........

"Nakita mo sila, saan?"

"Sa Megamall kahapon diba nagpunta kami. Nakita ko sila doon at hindi lang basta nakita o nagkasalubong-"

"Ano? Ano pa?"

E, kung pinatapos nya ako diba? Ang babaeng to, excited. Nagpatuloy ako, "Si Sean diba makulit? Nauna, pagdating namin may binibigay na saming pizza nung tinanong ko kung sinong nagbayad, ang tinuro si L-Lester"

"Talagang kailangan mong mautal sa pangalan nya ha?!" Bulyaw nya sakin.

"Walang ibig sabihin yon tsk. Hindi ko lang talaga akalain na makikita ko buong pamilya nya kahapon pati pa si Snow"

Ang pagkakataon nga naman kasi. One of the largest mall in the world ang Megamall sa iisang lugar pa kami kumain. At...December 14, pa talaga. Ang araw na yon, bukod sa kaarawan ni Luis ay iyon din ang araw na naging kami.

Bagay na kinalimutan ko na pero pilit paring naipaalala.

"Snow?" Maang na tanong nya.

"Ulyanin lang? Lahat kinuwento ko sayo. Walang labis, walang kulang babae!"

"Kung sinasagot mo nalang no?!"

Hayyy!..

"Si Snow yung Yuki Yamamoto. Iyong lalaking dinala ni Cindy sa bahay"

"Ahhh! Pero wala sa kanya ang usapan sabi mo nga walang kaalam-alam yun diba?

Tumango ako.

"Anong nangyari sa pagkikita nyo?"

Napatingin ako sa kanya, buti nalang maayos syang kausap ngayon. "Wala, Walkout si Lester nung makita kami. Gaya dati, inakala nyang may relasyon kami ni Snow malamang ngayon iniisip na nila, asawa ko si Snow at anak namin ang dalawa. Kasama din kasi namin sya kumain sana. Katabing mesa lang namin sila, makaka-kain ba ako ng ganun? Edi, walkout din kami"

"Bakit ka nag walkout? Wag mo sabihing apektado ka pa sa Mr. DeCastro na yon? Hoy, Lukah!, ako na hahadlang sa inyo pag ganoon!! Hindi ko pa napapatawad ang lalaking yon. Dapat pala talaga kasama nyo kami kahapon, nakasampal sana ako!"

"Chaa! Ikaw itong apektado e. Hayyy! Hindi sya ang concern ko. Ang mga anak ko lang ang importante sakin. Kaya ako umalis, kasama na yung pagkabigla ko ay dahil iba tingin nila kay Sean, kinabahan ako"

My Three Months Married Life  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon